Sa ‘Di Natapos na Road Work; DPWH at MMDA, Nagsisihan

NAGSISISIHAN ANG Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga hindi natapos na road work sa Kamaynilaan na nagdulot ng baha at matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko matapos bumuhos ang ulang dulot ng Habagat.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na ang mga proyekto ng DPWH na hindi natapos ang dahilan ng pagbaha at matinding traffic nitong mga nakalipas na araw sa pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.

Inihayag ni DPWH-NCR Director Rey Tagudando na maaga sanang natapos ang mga proyekto kung maaga silang nabigyan ng permit ng MMDA.

Dagdag pa ng DPWH, may mahigit 50 pa si-lang request permit na nakabinbin sa MMDA.

Samantala, nasa 100 roadworks at declogging project ang tinatrabaho ng DPWH na minadamali na dahil sa tag-ulan.

Sinabi naman ng MMDA na posibleng na-delay ang ilang permit dahil pinag-aaralan nila kung paano matutuloy ang project nang hindi naaantala ang daloy ng trapiko.

Nilinaw rin ng DPWH na ayaw nilang makipagsisihan sa ibang ahensya ng gobyerno dahil basura talaga ang pinakamalaking problema kaya bumabaha.

Samantala, makiki-pag-usap din ang DPWH sa MMDA kung paano mapabibilis ang mga proyekto.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.