Sa dami ng senador na sangkot sa PDAF scam
Constitutional crisis, nakaamba

NAGBABALA NG constitutional crisis si Senate majority leader Alan Peter Cayetano. Ito ay dahil mauubos aniya ang mga senador kung totoo na mayorya sa Senado ay dawit sa katiwalian partikular sa pork barrel scam.

Hinggil dito, sinegundahan ng mambabatas ang apela ni Senate President Franklin Drilon na dapat maghinay-maghinay at huwag magpadalus-dalus sa naturang usapin.

Binanggit ni Cayetano na dapat alamin muna ang katotohanan kaugnay sa pahayag na halos mayorya sa Senado ay nakatransaksyon ni Janet-Lim Napoles sa kanilang pork barrel.

Pero mariing itinanggi ni Cayetano na kumuha siya ng kickbacks sa kanyang pork barrel.

Iginiit rin ni Cayetano na kung sakaling kasama ang kanyang pangalan sa mga sinasabing senador, nais niyang lumabas na agad ito para kanya ring agad na masagot.

Ayon pa sa senador, magkaiba kasi ang pagnanakaw o ‘di kaya naman ay nagkaroon ng iregularidad dahil lamang sa kakulangang ng proseso o mga kaukulang dokumento.

Kaya raw nais muli niyang mapakinggan at matanong ang negosyanteng si Napoles sa Senado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.