Sa dami ng kadikit na nega issues Albie Casiño, malabo nang malinis pa ang pangalan

PAGKATAPOS NANG MATAGAL-TAGAL ding pananahimik tungkol sa isyung siya raw ang ama ng pinagbubuntis ni Andi Eigenmann, finally ay nagsalita na rin si Albie Casiño tungkol sa isyu sa nakaraang presscon ng Aswang.

Agad ay tinanong namin kung nagkausap na ba sila ng ex-girlfriend, pero ‘hindi’ ang agad na sinagot sa amin ni Albie. Dagdag na pahayag pa nito na, “I don’t want anything from them, if they want anything from me, sila ang pumunta.”

Napag-usapan din ang tungkol sa pagpapa-DNA test para masiguro raw kung siya talaga ang ama ng pinagbubuntis ng ex- girlfriend. Ayon sa young actor, usap-usapan na ito sa simula pa lang, pero para sa kanya ay ituloy na rin kahit ‘di niya ito pinag-iisipan pa para siguro lumabas na rin ang katotohanan.

Naparatangang walang paninindigan, tumatakbo sa responsiblidad, ilan lamang ito sa mga masasakit na mga salita na naipukol kay Albie. Pero para sa actor, hahayaan na lang niya na ibang tao na malalapit sa kanya ang sumagot kung ano bang klase ng pagkatao ang mayroon siya.

Sa tanong namin kung sa palagay ba niya ay unfair na agad ay nahusgahan siya ng ibang tao, ‘di naitago na ‘oo’ naa-unfair-an siya, pero wala namang bagay na ang ‘fair’ sa kanya ngayon, lalo’t tanggap niya na sa dami ng mga negatibong issues na naidikit na sa kanyang pagkatao, malabo na niyang mali-nis  pa ang kanyang pangalan.

Hindi rin siya aware sa mga masasakit na salita sa kanya ng mga magulang ni Andi na sina Jaclyn Jose at Mark Gil. Ayon kay Albie, hindi niya alam ang mga sinasabi nito laban sa kanya, pinararating lang ng iba niyang mga malalapit na mga kaibigan dahil ‘di siya nagbabasa ng mga issues patungkol sa kanya.

Tinanong din namin ang tungkol sa komento ng iba na inaako raw ni Jake Ejercito ang responsibilidad na dapat raw sana ay sa kanya. Simple lang ang isinagot sa amin ni Albie: “That’s good for him. Congrats to you man!”

NA-HIGHBLOOD AT MEDYO uminit ang ulo ni Robin Padilla sa presscon ng Toda Max, isang sitcom na pagsasamahan nila nina Vhong Navarro at Pokwang nang mapag-usapan ang tungkol sa ‘di pagkakatuloy masali ng pelikula niyang Mr. Wong sa darating na Metro Manila Film Festival.

Ipinaliwang ng aktor na ang ikinasama ng loob niya ay ‘yung lumabas na mga publisidad na umurong sila gayong ang totoo namang nangyari ay nagbigay siya para sa entry ng kaibigang si Gov. ER Ejercito, ang Asiong Salonga. Aminado ring nagkaproblema sila sa pagkuha ng leading lady sa Mr. Wong, kung saan ayon kay Robin ay naiintindihan naman niya ang desisyon ng mga networks na ‘wag magpahiram ng mga artista nila dahil may mga entries din ang mga ito sa MMFF. Ang tanging siniguro sa amin ng aktor ay kaya nilang matapos ang Mr. Wong sa itinakdang date kung kailan ito matatapos, taliwas sa mga naglabasang balita na ito ang rason kung bakit sila umurong at napalitan, lalo’t kumpleto sila sa gamit na kakailanganin sa paggawa ng pelikula.

Pinag-usapan din ang tungkol sa P500,000 na seed money na binayad nila sa MMFF as entry fee. Hanggang sa ngayon, ‘di pa ito nai-babalik kay Binoe, kung saan may punto naman ang action star na ‘di ito biru-birong pera  at dapat lang na maibalik sa kanila.

Tinanong din namin kung susunod ba siya sa asawang si Mariel Rodriguez na ngayon ay nasa TV5 na. Ipinaliwanag ni Robin na ang ABS ang sumalo sa kanya mula nang lumaya siya sa bilibid galing sa pagkakakulong at hanggang to da max ang pagmamahal at pagpapahalagang ibinibigay sa kanya sa ABS ay wala siyang nakikitang rason para lumipat.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

16 thoughts on “Sa dami ng kadikit na nega issues Albie Casiño, malabo nang malinis pa ang pangalan

  1. i can’t believe on what i read here what the reporter quoted-albie’s comment on the child from Andi, dont want then and dont need them? and if they want something,andi has to come to him? whoa! that’s so bad impression,we dont have to discuss what kind of a boy is albie. i cant believe it, his mother has the same attitude, its like mother like son’s bad attitude. didn’t even give reassurance/support on Andi’s pregnancy,even that time they’re all not sure who the father is? thats ok if they want a DNA-but Andi shld know this already who the father of her unborn child. albie could have just rubbed his thingy against that rough walls of intramuros for release. and he dont have to doubt about that pregnancy of andi, i feel sorry for andi and i can feel what her parents feelings too. a child problem like this is a parent agony. and for lesson- teens must go to doctor and get prescription what contraceptive method best for them to prevent/avoid teenage mothers. if they can’t control their sexual impulses they have to take that-contraceptive method-specially teenage kids dont know about rhythm,w/drawal, maybe they knew condom for guys but depends on the kind and quality of that condoms and how to use it. i dont know if the schools had stopped teaching sex education and ways to prevent unwanted pregnancy?

  2. tama ka bangis, ala naman sa network yan nasa choice lang yan kung ano gusto mo panoorin.  Di ko lang talaga ma gets yung nag aaway na mga fans dahil sa network, pinagkakaperahan ba yan?

  3. Grabe doon ang mga comment sa pep.com about Albie’s ilong, yong iba nag comment na iloonnnng and winding road ……….. yong iba naman sinabi na sus ceranyo de berjerack daw, nakakatawa talaga doon, at yong iba sinabing sus elongated nose pala, sinabi pang kung lumabas ang anak ni Andi na iloongated, hindi na raw needed ang DNA kasi obvious na raw. Nakakalokah!!!!

  4. Parang tuod kung umarte mangyari kasi siya ay si Pinocchio na malaki ang ilong, sinungaling at gawa sa kahoy walang kabuhay buhay. Sa bahay ka na lang dahil siguradong walang mangyayari sa career mo. D ka naman magugutom nandyan naman ang iyong magaling na nanay na magbibigay sau ng gatas. Cge lang magpakasaya ka lng sana lang someday d ka magsisisi sa ginawa mo.

  5. Oo nga, hanapin nyo sa twitter yang pukinang nanay nyn c albie. Puro bible verses ang pinopost. Eh napakayabng nmn umasta sa kapwa. Nkbuntis yng anak mo wag mong kunsintihing tumakbo. Turuan mong tumayo. 

  6. The biggest mistake that this kid made is that aside from the fact that he denied that he is the father of Andi’s child, he even accused Andi of cheating. The damage has been done. Nagmukha tuloy promiscuous si Andi at parang maraming naging bed partners. Lalu na kung sa twitter pa niya ginawa ito. This boy has no descency . Kinunsinti pa ng nanay niya at naghamon ng DNA test. This is their last bet to save this boy’s career, which we all know is off balance to begin with. WA NA CAREER. MAGARAL NA LANG SIYA PARA MAY TRABAHO SA SUSUNOD NA PANAHON. OTHERWISE, MAGTAGO NA LANG SIYA SA SAYA NG INA.

  7. Agree ako, mayabang ang dating sa mga interview ni Albie, may kasabihan kasi na it’s not what you say, but it’s how you say it. Daming basis pa nag cuss. Is that how he is raised by his parents, Baka palagi rin nag cuss yong parents nya kaya doon nakuha ni Albie yon.

  8. Yan c albie, npkayabang na tao.. Bwiset yng muka mo oy. Khit cnong lalake pg tumakbo sa responsibilidad,walang bayag. bat k nmn lalapitan nila andi. Cno kbang kupal ka.. Mga reporter kc wag nyo n interwiehin yan albie ilong n yan…

  9. bakit kya naging artista yan c Albie? wala nmn ka amor amor umarte! wala nmn echura..swerte cya pumatol sa knya c Andi dati.

  10. PLEASE NAMAN! KAHIT SYA PA ANG AMA O HINDI, SA SHOWBIZ HINDI SISIKAT ANG BATANG ALBIE NA YAN! SYA LANG AY ISA SA MGA ONE OF THOSE! WALANG EXPRESSION ANG PAG AARTE, BORING SA CAERA, MALAKI ANG ILONG, AT IRESPONSABLENG BATA!!!! HINDI ROLE MODEL!!

  11. sikat ka nga pero wla kang project,.sa tv5 ndi ka nga sikat pero mayaman ka hahahhaahha basta ako nanonood sa lahat ng stasyon kung saan ko gus2 ndi iyong kung ano2 ang sasabihin sa ibang network trabaho iyan sa ngayon mayabang sila pero kapag nalaos lilipat sila sa ibang stasyon korekorekok ba..

Leave a Reply

Your email address will not be published.