Sa dagdag-singil sa kuryente
Meralco, ipatatawag ng ERC

IPATATAWAG NG Energy Regulatory Commission (ERC) ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) hinggil sa inanunsyong dagdag-singil ngayong buwan ng Disyembre.

Sinabi ni ERC Executive Director Francis Juan na maaaring isama sa talakayan ng komisyon ngayong Lunes ang isyu ng one-time power rate hike at pagpaliwanagin ang kumpanya kung paano natukoy ang tinatayang P2 hanggang P3 kada kilowatt hour (kWh) na pagtaas.
Nais ding mapag-aralan kung may paraan pa para mapababa ito.

“Nais namin na bago pa man mailabas ng Meralco ang December bills, kung mayroon mang magiging aksyon ang komisyon ay maipaaabot ito sa kinauukulan,” ayon sa executive director.

Iginiit din ng ERC na walang iregularidad sa hindi pagdaan sa kanila ng buwanang dagdag-singil ng Meralco.

“Trabaho nila ay kinukumpirma ‘yung sa Meralco, naging adjustment at ‘yung kabuuang amount na nasingil, at ikinukumpara dun sa aktwal nilang gastos at tinitingnan lang kung may over o under recovery,” pahayag pa ni Juan.

Aabot naman sa P500 hanggang P700 ang posibleng itaas sa buwanang bill ng mga kumukunsumo ng 200 kWh kung matutuloy ang inisyal na pagtaya ng Meralco.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.