Sa concert ni Vice Ganda
Paulo Avelino, mas tinilian kaysa kay Daniel Padilla?!

HINDI MAN kami nakapanood ng concert ni Vice-Ganda sa Smart Araneta. Balitang box-office success ang show ng stand-up comedian. Napakabongga raw ng opening number nito with the back-up dancers. Pati costume na ginamit, mala-Lady Gaga raw ang dating, tsika sa amin. Super nakakaaliw raw ang green jokes ni Vice na patok na patok sa manonood. Habang tuloy-tuloy ang pagpapatawa niya,hindi nito alintana na nandu’n pala sa harapan niya sina Madam Charo Santos, Malou Santos at iba pang big bosses ng ABS-CBN. Ganu’n na lang daw ang paghingi ng pasensiya ni Vice, pero ang totoo, naaliw sila sa green jokes ng TV host/comedian.

Hindi maipagkakaila, iniidolo ng masa si Vice kahit bakla ito. For the first time, in the history of local cinema, ngayon lang may sumikat na artistang bakla, stand-up comedian sa isang sing-along bar, ‘yan ay si Vice-Ganda. Tinatangkilik ng publiko ang kanyang mga pelikula at concert na pawang box-office hits lahat ang mga ito.

Sa loob ng Smart Araneta, naglisawan ang mga bagong sibol na beki, kuwento pa sa amin. Bukambibig nila ang pangalan ni Vice Ganda na kanilang iniidolo. Pangarap nila, balang-araw na marating nila ang kinalalagyan ngayon ng kanilang idol.

Sa kalagitnaan ng show, siyempre, hindi nagpatalbog si Ai-Ai delas Alas sa kanyang production number nang rumampa na ito on stage. After her song number, nagback-to back sila ni Vice. Pinaglaruan nila si Paulo Avelino na game na game sa jokes nito sa kanya. Umeksena rin si Dawn Zulueta na kahit naiilang, ride-on na rin sa green jokes na lalong naging kasiya-siya sa manonood. Special guest si Daniel Padilla na nagbigay ng kanyang solo number. Agaw -eksena rin sina Anne Curtis, Jed Madela, Karylle sa kanilang song number na medyo may kabastusan dahil pinalitan ang lyrics ng song. Pero teka, ayon sa kuwento, mas tinilian ng audience ang paglabas ni Paulo kaysa kay Daniel P., bakit kaya?

KAHIT HINDI nagkikita nang madalas sina Gabby Concepcion at KC Concepcion, patuloy pa rin ang communication ng mag-ama. Kahit gaano sila ka-busy, binibigyan nila ng oras ang isa’t isa para makapag-bonding silang mag-ama. Katunayan nga, last Mother’s Day, magkasama silang nag-out of town sa beach resort ni Gabo sa Batangas City.

Matagal na palang ini-invite ni Gabby ang kanyang panganay na anak na si KC na magbakasyon at ngayon lang ito natuloy. Memorable para sa actor ang makasama’t makapiling niya ang anak na matagal na panahon din namang nawalay sa kanya. Kung pupuwede nga lang, gusto raw niyang makita, magkakasama at nagkakasundo ang lahat niyang mga anak. Pangarap na gustong matupad ni Gabby.

“In God’s time, I know, darating ‘yun. Ayaw kong madaliin ang mga bagay-bagay. Gusto ko lang makasama ang lahat ng mga anak ko, makilala sila nang lubusan at makilala rin nila ako. I’m happy dahil kilala na nila ang isa’t isa and I’m very thankful to them dahil hindi nila ipinagkait sa akin na maging parte sila ng buhay ko. Tinanggap nila ako as their father and I’m grateful to them. Alam kong marami akong pagkukulang bilang ama nila kaya naman kahit papaano gusto kong punuan ‘yun,” pahayag ni Gabby.

 AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

7 thoughts on “Sa concert ni Vice Ganda
Paulo Avelino, mas tinilian kaysa kay Daniel Padilla?!

  1. Off topic ito, pero, kumusta naman ang concert ni Julie Anne San Jose sa Music Museum ? Marami bang nonood ?

  2. halatang di kayo nanood ng concert ni ivice ganda mo ako sa araneta yung tilian kay paulo wala pa sa kalahati nung tinilian si daniel padilla. WAtch via youtube and be the judge sobrang lakas ng tilian kay daniel bingi na lang ang di maririndi sa sigawan sa kanya.

  3. base sa napanood ko sa the buzz di rin naman matatawaran sa dami ng tumili nung lumabas si daniel..saka no comparison teen superstar sa ngayon si daniel majority ng fans mga bagets..si paolo naman bukod sa magaling umarte maganda rin boses gwapo naman talaga at talagang mapapatili ka kapag nakita mo sya sobrang yummy pa kahit sabihing may anak na!haha

    • Kya nn tinilian un k paulo eh dhil s mga green jokez w Ai ai and Vice…at fyi dumagundong ang araneta ng lumbas c DANIEL PADILLA at me proof yn so watch nlng ng you tube

Leave a Reply

Your email address will not be published.