Sa claim ni Kris Aquino na movie nila ang magna-number 1 sa filmfest
Vic Sotto: ‘Eh ‘Di Siya Na!

WHAT? UMABOT sa P130-M ang El Presidente ni Laguna Gov. ER Ejercito?

Talaga?

Well, feeling namin, para ngang totoo, dahil ‘yun ngang Asiong Salonga niya, umabot din ng P50-M plus, eh. Eh, kung kilala namin ‘tong si ER, nakakalimutan niyang dito lang sa ‘Pinas mapapanood ang movie niya (unless, isali sa mga international competition), kaya kung gumawa ng pelikula, parang pang-Hollywood ang tirada.

‘Yung kanyang Asiong Salonga, napanood ko last year sa Metro Manila Filmfest. In fairness, I love the texture at ‘yung kalumaan ng movie. Hindi rin siya nakakainip panoorin at hanep ang mga shots (wagi siyang Best Actor along with Dingdong Dantes for Segunda Mano).

“You should watch this film, Ogs, sa Metro Manila Filmfest,” sabi ng katotong Jobert Sucaldito. Mahahalata mo sa movie na hindi tinipid at malalaman mo rin ang kuwento ng buhay ni Emilio Aguinaldo.”

Nakakalokah nga ‘tong si Gov kung mag-produce ng movie. Kahit hindi pa mag-number one, basta makapaghain lang ng bonggang movie.

 

ISA PANG ayaw nang banggitin kung magkano ang ginastos ay itong si Sen. Bong Revilla, dahil in the first place, isa pa rin siyang walang keber sa gastos para lang mapaganda ang pelikula.

Sa nakaraang movie nila ni Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, “Halos doble nito ang budget. Grabe ang mga effects at tiyak na matutuwa ang mga bata. Bihira lang kasi akong gumawa ng movie, might as well, ‘yung masusulit na ang mga manonood.”

Kine-claim na ni Kris Aquino na magna-number one ang Sisterakas nito with Ai-Ai delas Alas and Vice Ganda, kaya ‘yun tuloy ang naitanong kay Bossing Vic Sotto sa triumvirate naman nila nina Judy Ann Santos at Bong Revilla, “‘Yun ba sabi niya? Eh, ‘di siya na!”

Hahahaha! Kaswal na kaswal lang ang pagkakasabi ni Bossing Vic, pero halatang nagpapatawa lang ito. Actually, mas gusto ni Bossing na kumita lahat ng pelikula sa Filmfest (lalo na ang Si Agimat, Si Enteng At Si Ako) para lalo pang sumigla ang industriya.

By the way, puring-puri namin si Bong, dahil ang laki ng ipinayat nito at ibinata ng mukha. Patawa nga ng lalong gumuwapong senador, “Hindi po ito produkto ng stem cell. Produkto ito ng sperm cell!”

Hahahaha!

 

EWAN BA naman namin kumbakit laging nangingilid ang luha sa mga mata namin kahit paulit-ulit na naming napapanood ang full trailer ng One More Try nina Angelica Panganiban, Angel Locsin, Zanjo Marudo at Dingdong Dantes.

Sobrang naiintriga kami sa kuwento ng pelikulang ito ng Star Cinema na kalahok din sa Filmfest. At ‘eto, ha? Aaminin ko na. Ito ‘yung unang pelikulang panonoorin ko sa Filmfest para matapos na ‘tong iniisip namin kung paanong nalutas sa pelikula ‘yung dilemma ng mag-asawa na hinihiram ng isang ina (si Angel) ang ama (si Dingdong) ng kanyang anak sa asawa nitong si Angelica para lang madugtungan lang ang buhay ng kanilang love child sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng isa pang kapatid na paghuhugutan ng bone marrow na kakailanganin ng love child nila.

Hay, nako… hahahaha! Hanggang ngayon, intrigang-intriga kami rito. Kaya sabayan n’yo kaming manood, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

14 thoughts on “Sa claim ni Kris Aquino na movie nila ang magna-number 1 sa filmfest
Vic Sotto: ‘Eh ‘Di Siya Na!

  1. FEARLESS FORECAST NG MMFF BOX OFFICE: 1. SISTERAKA 2. ONE MORE TRY 3. STRANGERS 4. SRR14 5. ENTENG 6. EL PRESIDENTE 7. THY WOMB 8. SOSY ….TANGA AT GAGO N LNG NMN MANONOOD NG ENTENG KHIT S FREE ONLINE DKO YN PINAPANOOD AT NEVER DN AKO BBILI NG PIRATED DVD NG MOVIE N YAN WALANG KAKWENTA-KWENTA ANG ENTENG BUTIKI AT ANG GAGONG C PANDAY DOROBO !

    • nanaginip ka ba teh, bakit may advance forecast kana, nabigyan ka na ba ng advance ticket, galing kay kris, hak hak hak, well huwag ninyong ismolin ang enteng, alalahanin ninyo ay karamihan sa nanood sa MMFF ay may kasamang bata, kaya mas pipiliin ng mga magulang na kasama ay yung pwedeng pambata, diyan pwede ang enteng at srr,  

  2. ANUNG BAGO SA AGIMAT AT SI ENTENG??? PAULIT ULIT AT RECYCLED NA STORY LINE??? PARANG BASURANG PAULIT ULIT LANG???? NAKAKASUKA NA NGA YUNG SENADOR NA DI MO ALAM KUNG ANU GUSTO SA BUHAY KUNG PAGAARTISTA O PULITIKO!!! WALA TALAGANG KAHIYA HIYA PAG REVILLA GANID SA WARTA AT KAPANGYARIHAN!!!! PUSTAHAN KALABAN NANAMAN NYAN SI LIZARDO ETC!!! KAKADIRING PELIKULA GINAGAGO AT BINIBILOG LANG MANUNUOD!!! WALANG KA KWENTA KWENTA!

    • ang tanong naman, ano rin ang bago sa sisteraka, baka yung Comedy bar humor na naman ang ipakita diyan, diba sina Ai Ai at Vice, ay nag simula sa mga Comedy Bar, hak hak, 

  3. the big question is SAAN NAKAKAKUHA NG KWARTA SI ER EJERCITO??? EH DI NAMAN MAYAMAN YUNG UMAO NYANG AMA??? SIMULA NANG MAGING PULITIKO SI ER YUMAMAN NA!!! KAWAWA NAMAN ANG MGA TAGA LAGUNA SA BULSA NI ER NAPUPUNTA ANG PARA SA KANILA!!!! MAGKANU BA NETWORTH NI ER BAGO NAGING PULITIKO???? ISA NANAMANG CORRUPT NA EJERCITO!!! MANA SA TIYUHIN!!!

  4. Tama Taon taon na lang enteng, dati ok ka fairy ko tapos naging enteng, pati yan agimat nka ilan na din yan, wla na bang iba? 

  5. No, 1 nga ang Sisterakas, baka mag no. 2 pa ang One More Try kahit rated PG. No. 3 lang ang Eteng/Panday. Nakasusuka na kasi. Tapos nag-annouce na si Bossing ngayon pa lang na may Enteng na naman sa next MMFF at si Eugene Domingo na ang kasama niya. Ano ba yan!

    • tingnan natin, hak hak, pag hindi nagyari yun, babalikan ko ang comment ninyo dito at katakot takot na lait ang aabutin ninyo, hak ahak
       

  6. ako din ogie trailer pa lang naiiyak na ako..kaya hintayin namin dito sa us yan at bibili din kami ng dvd.ganda kasi di pang karaniwan para lang din ang IKA

Leave a Reply

Your email address will not be published.