Sa camera lang magaling: Willie Revillame, ‘di tumutupad sa pangako!

KUNG MAYON VOLCANO lang ang puso ni friendship Sarah, sigurado, matagal na itong sumabog nang bonggang-bongga!”

‘Yan ang dialogue sa amin ng isa sa mga friends ni Sarah Geronimo sa showbiz na lagi niyang pinagsasabihan ng kanyang sama ng loob.

“Ang pinaka-peak talaga ng sama ng loob ni friendship sa kanyang mga magulang, e, ‘yung dinuro-duro ng kanyang daddy si Rayver (Cruz). Grabe ‘yon kasi, kahit paano, e, nahuhulog na rin ang loob ni Sarah sa bagets.

“Tapos ngayon, nalaman pa ni Sarah na kay Cristine Reyes na nakatutok si Rayver. May tsismis kasing sina Rayver at Cristine na ang mag-on ngayon. Siyempre, masakit ‘yon para kay Sarah,” sey pa ng aming source.

Teka. Kung si Cristine na ang ka-on ni Rayver, e, siguradong bongga ang kalayaan na makukuha niya sa sexy star kung iku-compare kay Sarah na marami pang inhibitions sa katawan, hendehvah?

“Naku, kapag nag-rebelde si Sarah at hindi na sila binigyan ni friendship ng daily supply, e, siguradong mapipilitang bumalik sa Saudi si daddy,” pang-aasar pa ng aming katsika.

BINIGYAN NA NG ultimatum ng Channel 2 management ang dalaga ni Robin Padilla, si Queenie.

Kapag hindi pa rin daw ito pumayat within the period of one month, e, baka magbago na raw ang kanilang isip at hindi na nila ito ibi-build-up.

Sayang dahil ang balita namin, may tentative teleserye na si Queenie sa Channel 2, ang Idol. At kapag hindi pumayat si Queenie, puwedeng mapunta sa ibang bagets ang naturang teleserye or tuluyan na lang na i-shelve.

Op kors naman, gusto ni Queenie na maging part ng Kapamilya kaya naman sobrang crash diet ang kanyang ginagawa ngayon. Doble na raw ang control ng kanyang mga kinakain at double time na rin daw siya sa pag-e-exercise.

Kung kami si Queenie, iga-grab na namin ang opportunity na binibigay sa kanya ng Channel 2 dahil kahit na anak siya ng isang action superstar, e, puwede pa rin naman siyang palitan sa dami ng mga girlets na naghihintay na mabigyan ng project sa Dos, sa totoo lang.

We know Robin na hanep sa pagdidisiplina in terms of diet and health, bakit kaya hindi magpaturo si Queenie sa kanyang tatay ng art of discipline para pumayat na siya nang todo?

ISANG ISYU NA naman ang binabato kay Willie Revillame.

Napako raw ang kanyang pangako sa isang neophyte singer na si Lemuel Santos.

Nu’ng time na naging contestant si Lemuel sa Wowowee, e, pinangakuan daw siya ni Papi on-cam na tutulungan siya sa promotions kapag nagkaroon siya ng CD under an authorize recording label.

Op kors, natuwa du’n si Lemuel kaya naman with the help of his manager na si Rodel Santos, nagkaroon siya ng CD under Concorde Records na isang official recording outfit dito sa ‘Pinas.

Nakatatak sa isipan ni Lemuel ‘yung pangako sa kanya ni Willie kaya nilapitan niya ulit si Papi para magpatulong sa promo ng kanyang CD. But sad to say, through Papi’s production assistant, e, sinabihan siyang hindi siya matutulungan ng Wowowee host kaya pasensiya na lang.

Lemuel is broken-hearted dahil du’n. Na-boom tarat-tarat siya ni Papi.

Maraming pinapangakuan si Willie kapag naka-on cam sa Wowowee. Pero ngayon, ang tanong, e, tinutupad ba niya ang lahat nang  ‘yon o gaya lang ito ng nangyari kay Lemuel na isang drawing?

For reactions, please e-mail [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleParazzi Chikka: Sus Ginoo! Roxanne, nagpapraktis nang maging misis!
Next articleKatrina Halili, muling hinarap sina Hayden Kho at Dra. Belo sa korte!

No posts to display