Sa break-upn nila ni Cristine Reyes
Rayver Cruz, inabsuwelto si Derek Ramsay!

HINDI NA naitago pa ni Rayver Cruz ang katotohanan sa naglabasang isyu na hiwalay na sila ni Cristine Reyes.

Kinumpirma niya ang hiwalayan nang mag-guest siya sa The Buzz at doon ay sinabi niyang one year na silang hiwalay ng utol ni Ara Mina.

Pero pagdidiin ni Rayver, walang third party involved sa kanilang break-up. Mutual decision daw nila ang paghihiwalay.

“Gustuhin man naming i-save ang relasyon, hindi na talaga umubra. Dahil siguro mga bata pa kami at marami pang balak sa buhay. Magpo-focus na lang kami sa aming showbiz career,” pagkukumpirma ni Rayver.

Ang maganda raw sa break-up nila ni AA, magkaibigan pa rin daw sila at hanggang ngayon ay nagtutulungan sa isa’t isa.

“Kapag kailangan niya ang tulong ay nandito lang ako at vice versa. Saka walang kinalaman si Derek Ramsay sa hiwalayan namin.

“Kaya na rin ako nagsalita dahil ‘di maganda ang naglalabasan against AA. Ayaw sana naming magsalita sa aming paghihiwalay. Gusto sana naming tahimik na lang pero ‘di nga maiiwasan dahil kapwa kami artista,” say pa ni Rayver.

Sa pagtatapos ng interview kay Rayver ay buong ningning nitong inabsuwelto si Derek Ramsay. Wala raw kinalaman si Derek sa hiwalayan nila ni AA.

 

NAG-IIYAK ANG mag-inang Julie Anne San Jose last Sunday sa dressing room ng isa sa studio ng GMA 7 na pinagdadausan ng Party Pilipinas dahil naglaho ang bag nito na naglalaman ng mamahaling gamit at cash.

Wala raw alalay si Julie Anne San Jose that day kundi ang kanyang ina. Inilapag daw sandali ng tweenstar sa upuan ang kanyang bag, pero nang balikan na raw ito ng kanyang ina wala na roon ang kanyang bag.

Kampante kasi ang tweenstar na hindi mawawala ang kanyang bag dahil mga kasamahan din niyang artista ang nasa loob ng dressing room.

Nataranta na ang mag-ina nang hindi na matagpuan ang bag at may nagsabi na may isang maliit na babae raw na naka-wig ang nasa dressing room at matsika raw itong girl na ipinagmamalaki pa raw na kamag-anak ng pamilya ni Jennylyn Mercado, Jaya, at kaibigan daw ng ina ni Julie Anne.

Wala naman daw pumapansin sa babae dahil abala ang lahat sa mga star na sasalang sa show.

Inakala na rin daw ng lahat na may kaugnayan ito sa mga artistang nasa loob kaya malaya itong nakagagala roon.

Nang mawala na ang bag ng tweenstar ay naglaho na rin daw na parang bula ang naturang maliit na babaeng naka-wig. Doon lang daw napag-isip-isip na posibleng sa pag-alis ng girl ay bitbit na rin nito ang nawalang bag ni Julie Anne.

Kahit na may nakatsika raw sa suspect na girl ay wala namang makapag-describe sa hitsura nito kundi nakasuot ng wig at may taas na 4’11”.

 

SA FEBRUARY 4 na ang pilot telecast ng primetime show ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Malaking challenge kay Coco at kay Dodge Ledesma na siyang in-charge ng special effects. Challenge kay Dodge ang project dahil kailangan i-tone down niya ang special effects bilang pambata ang show ni Coco. May heavy action at horror scenes ang project na tiyak na magugustuhan ng young viewers dahil nilagyan din ito ni Dodge ng cartoon animation.

Sa serye ay hindi magda-drama si Coco na madalas na ginagawa nitong project. Kakaibang Coco ang mapapanood sa bagong primetime series niya sa Dos.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Sa break-upn nila ni Cristine Reyes
Rayver Cruz, inabsuwelto si Derek Ramsay!

  1. ano kaya ang nakita ni cristine kay derek at pinagpalit si rayver? hmmm… siguro nahimasmasan na si AA na mas mukhang tao si derek kaysa kay rayver na mukhang homo erectus haha

    • ms ok p nga c rayver kesa ky derek o gerald in fairness no!lc pnatunayan nya s mhgt 2yrs nlng relasyon ni cristne ay wl xang ibang pnormahan.loyal xa kht sma ng ugali gf ny,ntiis nya..cgro nga kung cla ni sarah g,hnggng ngaun dp cla break..ms ok cia kesa ky gerald mlibog at womanizer

Leave a Reply

Your email address will not be published.