Sa break-up nila ni KC Concepcion: Rico Blanco, ‘di pa rin nakaka-move on?

SHOWBIZ SI JAKE Roxas sa tulong ni Direk Chito Roño sa teleseryeng Imortal. Isang mapanghamong papel ang kanyang gagampanan sa Imortal with Angel Locsin, John Lloyd Cruz and Ms. Vivian Velez. Hindi malinaw sa aktor kung bakit bigla niyang tinalikuran ang pag-aartista. “Inoperan ako ni Direk Chito sa ‘Magkano Ang Iyong Dangal’ du’n na ako nag-umpisa. Sabi ko sa sarili ko kung babalik ako, gusto ko sa ABS-CBN para muling makapagsimula. Gusto ko kasing mapanood ako sa abroad dahil ang ABS may TFC, kaya kahit saang sulok ng mundo napapanood. Kaya nagpatulong ako sa mga barkada, kay Jodi Sta. Maria, barkada ko kasi ang asawa niya. Ang isang goal ko noon, kung babalik ako, gusto ko sana ABS naman para ibang mundo, parang panibagong buhay ang dating. Malaki ang utang na loob ko sa kabilang network so, wala namang ano. Hindi naman sila naghanap sa akin, nagpapasalamat ako dahil nabigyan nila ako ng pagkakataon maging bahagi nila.”

May chika na kaya tumigil sa pag-aartista si Jake dahil diumano may gay benefactor daw ito? “Hindi totoo ‘yan. Kaya ako tumigil, dahil nag-asawa na ako, nagkapamilya. Ang aking napangasawa ay isang educator, isang teacher. May trabaho naman ako, may business, may tindahan, may canteen ako sa school.”

Naapektuhan kaya ng intriga si Jake kaya panandalian siyang nawala sa showbiz at hindi na nabigyan ng project nang GMA-7? “Hindi naman, kasi ‘yung intriga kasama ‘yun, kung wala ‘yun hindi ka mapag-uusapan. Sa akin nakatulong ‘yun, pangit o maganda, nakatulong sa career ko dahil kasama ‘yun sa pag-aartista. Hindi naman ako inoperan, hindi ako GMA talent, Viva ako. ‘Yung mga show ng Viva nasa GMA tapos nabigyan naman ako ng show na galing sa kanila, pero ‘yung offer na magbalik ako sa kanila, hindi!

‘Yung issue tungkol sa diumano pagde-deny mo sa ‘yong pamilya, ano ba ‘yun? “Actually, naayos na ‘yun. Hindi ko alam kung alin doon, kasi may lumabas ngang ano, pero nawala na. ‘Yung tungkol sa sinasabing pamilya ko, namemera lang ‘yun. Wala ‘yun. May kaso ‘yun kaya hindi pinakialaman. Maraming ganu’n, hindi lang ako ang artista na nabibiktima. Nagkaroon ng kaso, kaya hindi puwedeng pag-usapan.”

How true ang tsika na galit ka raw sa mga bading? “Hindi totoo ‘yun, marami akong kaibigang bading sa press. Ano lang ‘yun tsismis, kasama ‘yun sa pag-aartista, lahat nang sira, positive at negative, kasama ‘yun, nakakatulong ‘yun lahat.”

Nominated si Jake sa Urian sa indie film na Walang Hanggang Paalam nina Jacky Woo at Lovi Poe. For the first time, nakipaglaplapan siya sa kapwa niya lalaki. Open pa rin kaya ang aktor sa pagtanggap ng gay role? “’Yung bed scene ko doon parang daya lang, hindi ko kaya talaga! Acting na lang tayo ng bading huwag na ‘yung bed scene. Hindi naman mai-a-acting sa kama ‘yun, natural na ‘yun. Hindi ko na kaya, may anak na akong nag-aaral. Pero depende rin siguro sa project at kung sino ang direktor. Kung ang direktor ay sina Chito Roño, Jerry Sineneng, Olivia Lamasan, Marilou Diaz Abaya at kay Direk Tina Dayrit go tayo d’yan. Ha! Ha! Ha!”

SA TULONG NI Direk Chito Roño, nabigyan ng pagkakataong maging aktor si Rico Blanco sa Imortal. Nagkaroon kami ng pagkakataong makausap ang dating vocalist ng Rivermaya. Naging antipatiko lang ang dating ni Rico nang maging sentro ng usapan si KC Concepcion na diumano’y naging ex-girlfriend daw nito.

Parang irita kung sumagot si Rico kapag nababanggit ang pangalan ni KC. Feeling tuloy namin, until now, tipong bitter pa rin siya sa paghihiwalay nila ng singer-actress.

Diretsong sinabi ni Rico hindi siya interesadong makatrabaho in the near future si KC o sa kahit anong project. Wala rin siyang planong mag-guest sa morning show ng dalaga kahit kailangang i-promote ang nasabing teleserye. “I believe we have more than enough channels. I don’t think that’s needed. I don’t think they can require me,” say ng rock singer.

Oo nga’t masasabi nating nagpakatotoo lang si Rico, pero hindi maganda sa isang lalaki ang ganitong attitude. Mukhang may malalim na sugat na naiwan sa puso ng binata na magpahanggang ngayon ay hindi nito malimutan. To much love for KC kaya ang dahilan?

Ang tanong, interesado ba naman si KC na makasama si Rico sa TV at pelikula? Kung anuman ang namagitan sa kanilang dalawa, dapat sigurong naka-move-on na ngayon ang singer-turned-actor.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

14 thoughts on “Sa break-up nila ni KC Concepcion: Rico Blanco, ‘di pa rin nakaka-move on?

  1. JUST BE HAPPY FOR THE TIME YOU SPENT WITH KC THAT’S THE HOTTEST GIRL YOU’LL EVER GOING TO GET, YOU BITTER BITCH.

  2. cool ka lang rico baka ma hi blood ka nyan sige ka, kasimula pa lang ng “acting career” mo sige ka! unsolicited advice ko 4 u is be a gentleman wag magpaka antipatiko at magmarunong coz nobody lasts long sa showbiz industry na kagaya mong attitude!

  3. That’s not how Rico stated it. Nang-iintriga lang ang writer na ito.

    Rico was polite when he answered. There was no bitterness.

    Hindi plastic yung tao. Tama lang naman na huwag ng ungkatin ang nakaraan. Baka lumabas ang mga tards at i-accuse pa siyang nanggagamit.

    And to the question on whether KC wants to work with him, the answer is yes. Ilang beses na niyang sinabi. Lalo na nung ginagawa niya ang second album niya.

    Rico is in a stable relationship now. No need to keep fanning the flame. Ang mga ibang tao lang ang di maka move on.

  4. absolutely agree with you sundyegan.. nata-track na ngayon through IP adress ang nagco-comment. next time use common sense bago magsabi ng kung anu ano..

  5. Iyan ang pranka, walang paliguy-ligoy! Nagtanong kayo..ayan ang sagot. Ngayong nagsabi ng totoo..kung anu-ano ang sinasabi nyo. Pahiya lang kayo kasi point blank kung sumagot si Rico at di kayo sanay na mabara kayo ng sagot na totoo..hahah!

Leave a Reply

Your email address will not be published.