Sa break-up nila ni John Prats: Shaina Magdayao, aminadong may kasalanan din siya!

HANGGANG NGAYON PILIT pa rin kinakalkal ang tunay na dahilan nang break-up nina Shaina Magdayao at John Prats. Hindi malinaw kung ano talaga ang mabigat na dahilan sa split-up ng dating mag-dyowa. Sa Star Studio Party Series: Latino Nights sa Agave Mexican Cantina – Eastwood, personal naming nakausap si Shaina.

May kirot pa rin kaya sa puso ni Shaina ang paghihiwalay nila ni John? “Masakit pa po para sa akin. Hindi ko na nga po sana gustong pag-usapan pa ang bagay na ‘yan. Pinagdarasal ko na matira ‘yung respeto namin sa isa’t isa. Kasi, matagal din ‘yung pinagsamahan namin,” say niya.

Pinag-isipan palang mabuti ni Shaina bago siya nagdesisyong tuluyang makipaghiwalay kay John. “Honestly, buwan na po, nagkakaproblema na kami bago pa man. Hindi siya ‘yung in one snap nag-break na. Hindi ako puwedeng magmalinis na sa kanya lang ‘yung problema. Hindi rin siya puwedeng magmalinis na sa akin lang ‘yung problema. I think kaming dalawa mismo, wala nang ibang tao,” sambit pa ng dalaga.

Marami ang nanghihinayang na nauwi lang sa hiwalayan ang matamis na pagmamahalan nina Shaina at John. “Wala na, tapos na last year. Ganu’n talaga ang buhay. Alam ninyo, hindi madali ‘yung pinagdaraanan ko. Pero bilang artista, hindi ko dinadala sa trabaho ‘yung kalungkutan ko. So, when I’m at work, i-focus ko na lang lahat ‘yung positive energy ko sa trabaho. Wala kasing mangyayari sa akin kung magpapadala ako sa emosyon. Sabi ko, moving- on, step by step, makaka-recover din ako. Gusto ko munang mag-heal ‘yung sarili ko. Gusto ko munang maging buo uli… so, ‘yun. Malaki ang pasasalamat ko, solid ‘yung support na nakukuha sa pamilya ko. Sa pinaka-darkest na araw ng buhay ko, nandu’n ang pamilya ko at mga tunay kong kaibigan,”pahayag ni Shaina na halata mong nagpipilit maging masaya.

Nag-effort ba naman si John na magkabalikan uli kayo? “We tried to talk, pero gaya nga po ng lahat ng break-up, hindi ganu’n kadali maayos agad ‘yun. Para sa akin, mataas ang respeto ko sa pamilya niya at sa kanya na rin. Pinangako kong hindi ako magsasalita anything against him. I will always respect his parents kaya wala po akong sasabihin. Kung anuman ‘yung naging problema namin, sa amin na lang po ‘yun. Hindi ganoon kadali para maayos. Kasi maraming involved, sasali pa sila.”

Marami ang nagsasabi may third party raw na involved kaya kayo nag-split ni John, how true? “Normal na po ‘yun, parang hindi na tayo nasanay. Maghahanap at maghahanap ‘yung ibang tao na may mapi-pinpoint. Gaya nga po ng nasabi ko, kung mayroon man pong masisisi, kaming dalawa po ‘yun. Kami ‘yung nasa relasyon, huwag na po tayong magdamay ng ibang tao. Sabihin na nila kung ano ang gusto nilang sabihin. Magdagdag-bawas sila, puwede silang mag-imbento but at the end of the day, kung ano ‘yung totoo, ‘yun ang importante sa akin. As long na may pinanghahawakan ako, paninindigan ko,” pahayag ni Shaina.

Wala na bang chance na magkaayos pa kayong dalawa ni John? “Gusto ko po sanang ma-save ‘yung friendship namin. Honestly, hindi ko hawak, ayaw kong magsalita nang tapos. So, hindi ko po alam kung magkakabalikan kami or ganito na lang ba kami. Pinagdarasal ko, sana ma-save din ‘yung friendship namin, kasi sayang din naman. Hindi naman pride ‘yung pinaiiral ko. Siguro pinalilipas lang namin ‘yung lahat ng nangyari sa amin. Kasi, hindi naman ganu’n kalala.”

Anong masasabi ni Shaina sa mga babaeng nali-link kay John na naging dahilan daw ng break-up nila? “Nahihiya nga po ako sa tatlong pangalang nadadawit sa issue, apat o lima yata sila. Pero ‘yung tatlo nakararating sa akin, nahihiya po ako kasi idinadamay pa sila. Pati nga si John Lloyd (Cruz) nadamay na rin. He’s always been my friend even nu’ng kami pa ni John. So, alam niya ‘yung totoo. Hindi siya ‘yung third party, napag-usapan namin ‘yun. Sobra akong nahihiya du’n sa tao dahil nadadawit pa ‘yung pangalan niya. Ngayon na lang nila ako nili-link kay Loydie dahil break na kami ni John,” kuwento pa niya.

Inamin ni Shaina mahal pa rin niya si John dahil first love niya ito. “Oo naman po! Hindi naman agad-agad mawawala ‘yun. Nasasaktan ako lalo na kapag may naririnig kang may sinasabi ang ibang tao against you. Hindi naman nila alam kung ano talaga ang naging rason kung bakit kami nag-break, masakit! Pero as long na alam namin ang totoo nakatutulog po ako nang mahimbing,” wika niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Sa break-up nila ni John Prats: Shaina Magdayao, aminadong may kasalanan din siya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.