Sa break-up nila ng non-showbiz bf IWA MOTO, NAGBANTA SA TALENT NG DOS

NAGSALITA NA SI Iwa Moto sa Startalk tungkol sa break-up nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Mickey Ablan. Totoong break sila, pero magkasama pa rin daw sila hanggang ngayon. Tipong cool-off daw muna.

Nawalan na raw si Iwa ng trust nang may nalaman siya tungkol kay Mickey at sa isang kilalang artista raw. Ayaw sabihin ni Iwa kung sino, pero kilala raw ito at hindi taga-GMA-7. Ibig sabihin, ABS-CBN talent ito.

May third party’ng involved sa kanilang break-up at sinabi ni Iwa sa Startalk na kung hindi pa raw titigil ang babaeng ito, tiyak na magkakaroon ng malaking gulo. Ayaw na niyang idetalye kung ano ang mangyayari, pero galit daw siya, kaya nag-decide na siyang makipaghiwalay.

Pero sinusuyo siya ngayon ni Mickey para magkabalikan sila, pero pinag-iisipan pa raw ni Iwa ‘yon. Napalapit na kasi si Iwa sa anak ng ex-boyfriend niya, kaya ‘yun lang daw ang nagpapa-hold sa kanya at maaaring dahilan para makipagbalikan siya. Pinag-iisipan pa raw niya hanggang ngayon dahil talagang gusto na raw sana niyang tuluyan nang tapusin ang kanilang relasyon.

Since magkasama naman sila palagi, palagay ko, e magkakaayos din sila at magkakabalikan pa.  Ang latest ko lang na nabalitaan, naospital daw si Iwa nu’ng Sabado lang, kaya hindi ito nakapag-taping sa Dwarfina. Aalamin pa namin kung bakit ito naospital. Itsitsika ko ‘yan sa inyo at  may kuwento pa ang Startalk d’yan.

HINDI NAPIGILAN NI Jennylyn Mercado ang maiyak nang nakapanayam namin ito sa Startalk kasama ang abogado niyang si Atty. Joji Alonso. Masakit sa kanya na natalo sila sa kaso at naabswelto ang dating personal assistant niyang si Mel Pulmano na kinasuhan niya ng Qualified Theft.

Ang ikinalungkot daw niya, nadamay sila sa lahat ng mga kagagawan ni Mel, at ngayon ay napawalang-sala pa ito. Ang sabi na lang ni Jennylyn, bahala na ang Diyos dahil lalabas din naman daw ang katotohanan na talagang niloko sila ni Mel. Kaya raw siya nasasaktan ay dahil ibinuhos niya ang buong pagtitiwala rito, pero ganoon pa ang ginawa sa kanya?

Sabi nga ng manager niyang si Becky Aguila, bahala na ang karma dito kay Mel. Kunsabagay, nakakulong pa rin si Mel dahil meron pa itong pending case na isinampa naman ni Becky.

NAKAKATUWA ITONG SI Jillian Ward, kahit kay Solenn Heussaff nali-link si Richard Gutierrez, talagang pinagpilitan niyang mas bagay pa rin kay Richard si Rhian Ramos. Sa lahat na mga leading ladies ni Richard sa My Valentine Girls, si Rhian pa rin ang pinaka-type niya at tingin niya ay makakatuluyan daw ng aktor.

Sabi naman ni Rhian, sa kanilang lahat, sa kanya close si Jillian dahil madalas silang magkasama at mahilig kasi sa bagets ang young actress. Kaya ito ang madalas na nakakalaro nito.

In fairness nga naman, bumagay talaga si Rhian kay Richard, kaya tama lang na isali siya sa Captain Barbell dahil iba naman talaga ang chemistry nilang dalawa.

Anyway, dito magkakaalaman kung sino ang mas bagay kay Richard dahil may kanya-kanya silang episode. Abangan nyo na lang ‘yan sa My Valentine Girls na showing sa Miyerkules. May premiere night ito bukas sa SM Megamall.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “Sa break-up nila ng non-showbiz bf IWA MOTO, NAGBANTA SA TALENT NG DOS

  1. hahahaha gus2 lang ni iwa na pagusapan kc laosyan deep na kya pati taga dos tinitira niya umaarte lang iyan dapat ang katapat mo c mariel pareho kyong luka2 hahahaha kya wag ka ng magdamay mapagusapan ka lang galingan mo na lang ang pag-arte…baka sumikat ka pa mas sikat pa sa iyo c jen kahit nagka-anak na.

  2. @IWA – i watched paparazzi over the weekend. palagay si jodie santamaria yung tinutukoy niyang third party. from the clues, si jodie talaga…

    • di naman siguro si jodie,,,may asawat anak si jody at di sya yung tipo ng babae na ganyan,,may proof kaba???malabo,,sino kaya ito,,,itong si iwa,,kase malandi din kaya ganyan,,wahahahha,,binatang ama din naman pala yang bf nya,,di nakakapagtakang,,,yun na,,

  3. JEN AT PATRICK padin,,sana sila na lang ulit para mas masaya,,concern at kita padin sa mga mata ni jen,,uyyyyyyyyy,,at ni pat,,,sila na ulit,,,,

    sikat lang naman itong si rchard pero di pa ganap na actor na gaya nina COGIE DOMINGO,JLC,ECHO ROSALES,.etc,,,kala mo naman,,maipagmamalaki nya ang mga roles at movies niya,,,kakabaog!

  4. hayan,,,kase naman,,malandi din yang si IWA,,kaya nakakarma,,subukang pangalanan yang girl na iyan,,bugbog sya ng batikos sa tao,,,yan na ikakasira nya,,yun na,,teka,,MAY PROOF ba itong si iwa,,,diba,

    JEN-PAT padin kami!!!

    sikat lang naman si rchard pero di pa ganap na actor,,,yun lang!puro ganyan ang movie nya,,pang high school,,ewwwwww

  5. pangalanan na nga yang tinutukoy ni iwa na malandi din!!pareho lang sila,,magsawa sila kay mickey na binatang ama naman,,,wahahaha,,

    ganda ni jen sa interview,,no make up pretty padin,,di nakakasawa,,morena,,ang face nya mala TANYA GARCIA,,KAYE ABAD,,love her,,naku jen,,hayaan mo nalang si god ang bahala sa taong iyan,,basta ikaw,,tuloy ang life,,focus sa anak,,at sana magka tv series kayo ni PATRICK GARCIA,,at kayo na alang ulit para masaya,di kayo bagay ni denis,,na isa ding nadapa gaya mo!!wahahahahh

    gaganda naman ng leading ladies ni RCHARD GUTTIEREZ,sa movie nila,,,pero anong bago sa movie,,pacute at kilig lang,,,walang bago kundi casting,..diba..

  6. SINO BA YANG MAKATING ,MALANDING GIROL NA IYAN,,DI NAKAKAPAGTAKA SOMEDAY KAHIT MAY ASAWA KAKABIT SYA,,,NOW PALANG,,,HUUMANDA NA SYA SA BATIKOS NG MGA TAO KAYA MAGTAGO NA SYA,,WAHAHAHHA,,IMORAL!!SA DAMING LALAKE JAN NA SINGLE,,KAKABIT PA SA ISANG TAKEN NA,,,ITONG BF NAMAN NI IWA WALA DING HIYA KASE MAY ANAK NA SA UNANG GIRL ITO,,

    BOBITA KASE ITONG SI IWA,,BAKIT,,KE BATA PA,,ALAM NA NYANG GANYAN ANG PAGKATAO NG BF NYA NOON PA NA DI MAPAKALI,,NAKIPAG RELASYON PA,,,HAY NAKO,,IWA IHA,,,MASISIRA KALANG,,DI YAN PARASA SAYO,,HES NOT THE RYT ONE FOR U,,MAGTUTOK KA SA CAREER AT WORK MO,MAG IPON KA,,KAYA WALNG NANGYAYARI SAYO,,GINAGAMIT AT KINKADYOT KA LANG NG MICKEY NA IYAN,,,PAGSASAWAAN AT ITATAPON,,GANUN LANG IYAN,,,OK,,MAG FOCUS KA SA WORK MO,,DI YANG PAGBIBILANG NG JOWA AT KALANDIAN DIN,,,HAYZZ,,NAKO MGA STARS NGA NAMAN,,DI PUMILI NG MAAYOS AYOS NA TAO,,,TSK,,STRESSZZ!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.