SA BREAK NA BIGAY NG GMA-7: “I’m very thankful sa pag-aalaga nila sa akin!” – Ruru Madrid

Ruru Madrid with co-star Siri the Dog (or Serena)

ALIW itong si Ruru Madrid. Very warm kapag kaharap mo siya.

First time namin siya nakausap nang masinsinan pero very cool si bagets. Chill lang,  ika nga sa lenguwahe ng mga millennials at the press launch ng first solo-lead serye niya on primetime na Sherlock Jr. na mapapanood na starting Monday, January 29 after 24 Oras sa GMA Kapuso Network.

After almost 5 years matapos sumali sa artista search ng GMA na Protégé kung saan ang naging winner ay si Jeric Gonzales, malayo na rin ang narating ng binata.

“Dati, pa-extra-extra lang po ako. ‘Yung dadaan lang ng camera. Walang linya hanggang sa nasa harap na ako naka-pwesto pero wala pa rin linya,” natatawang balik-alaala ng binata na “loveless” daw ngayon (yan ang sabi niya).

Thankful si Ruru sa pag-aalaga ng GMA Network sa kanya at maging si Direk Maryo J. de los Reyes kung saan co-managed siya ng direktor at ng TV network.

Sa serye, co-star ng actor ang Golden Retriever na si Serena or Siri for short na makakasama niya sa kanyang paglalakbay as an investigative reporter.

Alam n’yo ba na takot si Ruru sa aso?

Ruru Madrid

“Nakagat na rin po kasi ako noong bata ako. Hindi ko sinabi sa amin. Itinago ko na kung hindi dahil sa serye, ewan ko kung may lakas loob ako na lumapit kay Siri.”

Nag-workshop daw sila ni Siri kuwento ng binata sa amin. Una ay pinahawakan sa kanya ang kanyang co-star. Pinahimas-himas hanggang sa ma-break ang wall sa pagitan niya na may phobia sa mga “Man’s Bestfriend” at sa tiyaga rin ni Siri kay Ruru na makakasama niya tuwing taping.

Sa Sherlock Jr, syempre not to forget, si Gabbi Garcia pa rin ang leading lady ng binata na sabi niya sa amin ay loveless siya (na ewan kung paniniwalaan ko).

Sa bagong serye ng Kapuso Network, maganda ang support ni Ruru sa kanayng first solo-lead project niyang ito. Andyan si Janine Gutierrez, Tonton Gutierrez, Sharmaine Arnaiz, Rochelle Barrameda at si Ai Ai delas Alas (na absent during the launch at may sakit).

Sa susunod, kuwento namin ang current status ng pag-ibig ni Ruru at very interesting para sa amin.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

3 thoughts on “SA BREAK NA BIGAY NG GMA-7: “I’m very thankful sa pag-aalaga nila sa akin!” – Ruru Madrid

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.