Sa blockbuster na movie Anne Curtis, Derek Ramsay, Cristine Reyes at Direk Ruel Bayani, P1-M each ang bonus!

PROUD TITA SI Kris Aquino sa panganay na pamangkin n’yang si Jiggy Aquino Cruz na anak ng Ate Ballsy-Cruz nila ni Pangulong Noynoy Aquino, dahil sa edad na 26 ay brand manager (BM) na ang binata sa isang kilalang consumer-products brand dito sa Pilipinas.

Nu’ng Lunes nga ng gabi ay dumalo ang TV host-actress sa formal launch ng coffeemaker na hinahawakang produkto ni Jiggy bilang BM na ginanap sa Ayala Museum sa Makati, bago ito tumungo sa event naman ni Dr. Vicki Belo sa Makati Shangri-La Hotel.

Kasamang dumating ni Kris sa Belo event ang kanyang dalawang malapit na mga kaibigang fashion designer na sina Paul Cabral at JC Buendia, ang handler/road manager ni Ogie Alcasid na si Rey Lanada, at si Philip Roxas na personal assistant ng matalik na kaibigan ng presidential sister na si Tito Boy Abunda na ayon kay Philip ay naka-assign daw s’ya kay Kris every Monday.

Bumati lang si Kris kina Dr. Belo at boyfriend nitong si Hayden Kho, Cristalle Henares at sa iba pang mga kilala n’yang bisita. After 30 minutes lang siguro ay nagpaalam na ito.

Ano kaya ang masasabi nina Kris at Shalani Soledad sa isa’t isa ngayong iisang brand ng canned tuna ang kanilang ini-endorso?

 

AS OF LAST Wed-nesday, eksaktong ikalawang linggo nang ipalabas sa mga sinehan, ay nalampasan na raw ng pelikulang No Other Woman ang kinita ng box-office hit movie ng Star Cinema rin noong 2009 na ikalawang tambalan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na You Changed My Life na tumabo sa takilya ng P209M!

At dahil d’yan, ang dinig namin ay tig-iisang milyon daw ang natanggap na bonus nina Anne Curtis, Derek Ramsay, Cristine Reyes at direktor ng pelikula na si Ruel Bayani mula sa kanilang mga bossing na sina Gabby Lopez, Charo Santos-Concio at Malou Santos nu’ng kanilang victory party.

Nagulat nga raw ang tatlong lead cast ng makita nila ang nakasulat na amount sa kani-kanilang mga tsekeng natanggap.

 

NAGANAP NA NGA ang story conference ng pelikulang muling gagawin ni Sharon Cuneta para sa Star Cinema nu’ng Martes ng gabi kung saan gaganap s’ya bilang call center agent.

Makakasama ng Megastar sa pelikula sina Gerald Anderson, Julia Montes, Enrique Gil. Hindi pa lang daw alam ni Ate Shawie sa ngayon kung sino ang gaganap na asawa n’ya. Pag-iisipan pa raw nila ng produksyon.

Ibinalita ni Ate Shawie that she is being co-managed now by Boss Vic del Rosario and Sandra Chavez. Kaya gagawa muli s’ya ng record album at pelikula sa Viva.

Maugong pa rin ang balita na lilipat na diumano ng TV5 ang aktres at bumubuo na nga umano ang Kapatid Network ng mga staff para sa programang gagawin ng Megastar. Pero sa ngayon daw ay nagmi-meeting pa lang ang magkabilang panig.

NABALITAAN NAMIN NA wala raw kahit anumang sama ng loob o galit si Willie Revillame sa nakaalitan n’yang si Jobert Sucaldito nu’ng nasa bakuran pa s’ya ng ABS-CBN.

Gusto pa ngang pasalamatan umano ng Wil Time Bigtime host ang kolumnista at radio anchor, dahil sa mga magandang nangyari sa career at buhay n’ya simula nu’ng umalis s’ya sa Kapamilya Network at lumipat sa Kapatid Network.

Kaya sa October 22, buong-pusong magpapasalamat daw si Willie sa lahat ng kanyang mga taga-suporta sa unang anibersaryo ng kanyang programa sa TV5 na unang pinamagatang Willing Willie na gagawin sa Smart Araneta Coliseum kasama ang kanyang mga co-hosts, sa pangunguna nina Shalani Soledad at Mariel Rodriguez, at mga surprised celebrity guests.
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

9 thoughts on “Sa blockbuster na movie Anne Curtis, Derek Ramsay, Cristine Reyes at Direk Ruel Bayani, P1-M each ang bonus!

  1. O SIGE POSITIVE NA AKO, NA FLOP TALAGA ANG MOVIE NA YAN AT WALA NAMAN TALAGANG DATING. MAS MAGANDA PA SIGURO KUNG ANG NASA CAST AY SILA RUBY RODRIGUEZ, BEVERLY SALVIEJO AT LONG MEJIA…………HAHAHAHAHA

  2. Eto c shebie grabe ang bitterness sa buhay.try mo kya mgpaka positivemas magaan sa buhay, wala pang nagagalit sayo unless bayaran ka ng gma pinagkakakitaan mo ang pagiging nega.magkakasakit ka niyan sa puso.

  3. dapat pati si carmim artin may bonus! galing nya dun. kaya lang nagparetoke ba sya ng mukha at parang hirap na hirap syang magsalita?

  4. ANO NA NAMAN PRESS RELEASE ITO? TIGILAN NA ITO KASI HINDI NAMAN TALAGA KUMITA YAN AT PADDED YANG FUGURES. I’M SURE YUNG BONUS AY NAKALAGAY SA CHECK UNDER BANCO FILIPINO…………HAHAHAHAHAHA

  5. Kuripot talaga sa pagbigay ng bonus ang star magic at VIVA. Yung mga pelikula ni Mother Lliy pag kumita ng konti me mga bonus na siyang binibigay sa mga artista. Si marian kahit hindi blockbuster ang movie niya napakalaki ng bonus nya na umaabot pa ng milyon. Dalawang araw lang sa shooting ni marian yang bonus na yan. Si SARAH NAMAN 256,000 lang ang natanggap niyang bonus sa YCMY galing ke boss Vic. Mas malaki talaga ang kikitain sa mga teleserye kesa sa Movie.

Leave a Reply

Your email address will not be published.