Sa best actress award sa MMFF Ai-Ai delas Alas, iimbestigahan sa Senado?!

FIRST TIME PA lang manalo ni Ai-Ai delas Alas ng best actress pero mukhang mabubulilyaso pa. ‘Yan ay    kung matutuloy ang Senate investigation sa kanyang pagkapanalo bilang best actress sa katatapos na Metro Manila Film Festival. Ang chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na si Senator Gringo Honasan ang mag-iimbestiga kung may basehan nga ang mga tsismis na may kinalaman si Kris Aquino sa pagka-panalo ni Ai-Ai.

Kilalang malapit na kaibigan ni Kris si Ai-Ai. Parang ang pinalalabas kasi sa tsismis ay ginapang ni Kristeta ang pagkapanalo ng Concert Comedy Queen dahil kapatid niya ang pangulo at appointee ng brother niyang si President Noynoy Aquino ang head ng MMFF.
Nakakaloka ito. Parang may sumasa-botahe sa pagkapanalo ni Ai-Ai. Pilit na binibigyang-kulay ang kanyang victory gayong deser-ving naman siyang manalo.
Siyempre, masakit ito para sa Concert Comedy Queen. Hindi nga naman biro ang paratang sa kanya.
KALOKA TALAGA ITONG si Kris Aquino. Wala ka talagang kawala sa kanya. Talagang may-I-announce niya sa Twitter account niya kung sinu-sino ang tumulong para madagdagan ang manonood ng kanyang MMFF entry na Dalaw.
Sa kanyang latest posted message ay pinasalamatan niya si Cavite Mayor Strike Revilla dahil namili ito ng 500 tiket para manood ng Dalaw ang kanyang constituents.
“Thank u Mayor Strike Revilla of Bacoor. My new friend. He bought 500 tickets of Dalaw & gave to his constituents. He told me for Sen. Bong his brother he didn’t – but for me & Dalaw YES,” tweet ni Kris.
Maging  si Mayor Junjun  Binay  ay  ibinuking niyang nag-treat ng mga taga-Makati para manood ng MMF entry niya.
“Mayor Jun treated 332 to watch Dalaw  in Rockwell tonight! Thank u very much!”
Isa si Kris sa producers ng  Dalaw at talagang naglabas siya ng pera. As of this writing ay ikatlo ang kanyang pelikula na humahataw sa takilya.
When asked if she’s interested to produce a movie again, may tentati-vity ang sagot ni Kristeta.
“Will I produce again? Depends how quickly we get remittan-ces. I want to – but maybe not as the star anymore,” sagot ni Kris sa Twitter.

Ngayong Bagong Taon, marami-raming trabaho si Kris kaya naman excited ang hitad na mag-work. Host siya ng ipapalabas na games show at isa pang talent show. May bago pa siyang gagawing teleserye.
Nasa Singapore ngayon si Kris kasama ang mga anak na sina Baby James at Joshua. After ng Singapore, fly naman siya sa Bali, Indonesia kasama ang BFF niyang sina Liz Uy, Zsa Zsa Padilla at Lucy Torres-Gomez. Nagpaplano rin siya ng Mexican Riviera cruise kasama ang mga anak niya.
FINALLY AY INAMIN na ni Jake Cuenca na for two years ay exclusively da-ting sila ni Melissa Ricks.
Kung noong una ay paiwas ang mga sagot ni Jake tungkol sa totoong relasyon nila ni Melissa, ngayon ay very proud siya sa pagsasabing si Melissa ang kanya lamang na idine-date na babae ngayon.
“Hindi na kami nagtatago,” sabi ni Jake na noong Christmas at New Year pala ay nasolo si Melissa dahil wala ang mother ng aktres. Nag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon na magkasama ang dalawa.
Sabi ni Jake, sapatos at relo ang Christmas gift sa kanya ni Mel at pair of earrings naman ang regalo niya sa dalaga.


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

20 thoughts on “Sa best actress award sa MMFF Ai-Ai delas Alas, iimbestigahan sa Senado?!

  1. The senate seats are the second most respected in the country but not those who occupy it. For all you know, TWO of them have been in jail, Three of them where living in dreamland and another one killled his son for failing in the school,one is still hiding “FUGITIVE” from the law of the land and the leader staged an ambush to himself to proclaim martial law and so on…So Madlang people just pray for the devine intervention in our country and enjoy watching Ai Ai’s movies it can give as better moral lesson than the “HOUSE OF TERROR”(senator ba sila?)

  2. Sooooo obvious, one man/woman showdown lang ang nagcocoment dito, MGA BAYARAN NI STD QUEEN OF ALL DISEASES NA SI KRISLANDI.

  3. maraming problema ang bansa natin.
    tantanan nyo si ai ai.
    wag kayong makisakay dyan. yan na naman ang mga senador na epal.
    sa producer ng rosario, matuto kayong tumanggap kayo ng pagkatalo..

    • Agree ako sa sinasabi mo na mas maraming problem ang bansa natin kaysa best actress award na yan. At regarding Rosario, may nabasa ako today sa journal.com.ph na sinulat ni Ogie Diaz under the article “Willie gets LED TV from Ruffa, Shalani dressing room” and i quoted below:

      “Ang tweet naman ni Richard Gomez nu’ng January 1, 2011: “I”m watching Rosario to find out what and why people have been talking about it. I’ll give feedback later if it’s good.”

      Maya-maya, “Just finished watching Rosario.”

      Kinabukasan, Jan. 2, “To those waiting for me to give a review/critique on the movie Rosario, I decided not to anymore. Why? Lets be positive for 2011. tnx guys!”

      I cannot wait na lumabas na sa DVD ang Rosario kasi na intrigue tuloy akong panoorin itong Rosario kong bakit ito ang reaction ni Richard Gomez.

  4. hmmm buti pa si ai ai best actress eh si anghit laos walang movie wehehehe wala sya kay ai ai…. si marian winner na winner ang daming movies and projects

  5. tapusin nyo na lang yung kaso ng dacer corbito case, antagal na nun hanggang ngayon para lang kayong nagpapatintero. si lacson ano na hindi nyo pa mahuli-huli? tapos sasaw-sawsaw pa kayo rito sa pambaklang showbiz. hindi kayo hinalal ng taong bayan para maki tsismis kundi magserbisyo sa bayan. at syangapala bat hanggang ngayon hindi nyo pa inaalis si ronald singson sa kongreso?. plead guilty na nga sa hongkong at masesentensiyahan ng makulong sumasahod pa rin sa bayan ng ilocos sur. aysusmaryosep.

  6. For me hindi na kailangan ng inbestigahan para saan pa sayang lang ang time ng senate sa issue na ito, nonsense baga. And beside matagal pa ang election hindi ito papatusin ng mga politician dahil wala naman silang mapapala.

    Napanood ko ang Rosario masasabi kong dapat at least na nominate si Ms. Mercado, pero siguro nagbago talaga ang criteria ng MMFF. And beside open naman silang magpaliwanag kahit kanino.

    Pero sa pagkakagawa ng Rosario masyadong kalat ang mga scenes nila kaya hindi deserve ng director na manalo tama lang ang decision doon ng MMFF.

    And I think deserved ni AiAi ang best actress maganda naman ang acting niya, nasanay lang talaga ang mga pinoy na drama lagi ang nanalo pag dating sa acting. plus isama mo pa ang mga bitter na GMA7 brigade na magaling manira ng mga artista kapag hindi sila ang nanalo.

  7. Ang daming mas importante pang problema sa Pinas, hoy mga Senador ang gawin niyo hindi ang pag imbistiga nga ganoon ang gawin nyo ang dapat nyong gawin na maiahon ang pagkapulubi ng Pinas or di ba ilabas nyo yong sobra nyong pera at gamitin nyo yan para paaralin ang ibang mga bata sa Pinas, huwag nyong sayangin ang bayad ng tao sa inyo para paglingkuran ang dapat na totoong problema, maski ang entertainment industry pinakialaman nyo pa. Ang pakialaman nyo ay iyong mga kurakot ng pera na ibang mga kasamahan nyo na naging source sa pagka pulubi ng Pinas. Doon sa seryosong bagay kayo magtrabaho!

    • @Maria Don’t worry hindi papatulan ng senate ang issue na ito dahil matagal ba pa election useless sa kanila ang issue na ito, sayang lang ang pogi points nila sa butante kung hindi pa naman election. lol

      And beside baka ma question lang si Bong dahil hindi partial kapag sya ang umupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.