Sa bentahan ng silver cleaner
EcoWaste Coalition, Kinalampag ang DOH at DENR

KINALAMPAG NG gru-pong EcoWaste Coalition ang Department of Health (DOH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay ng talamak na bentahan ng silver cleaner.

Sinabi ni Tony Dizon ng EcoWaste Coalition Project Protect na 2010 pa ang joint advisory ng dalawang kagawaran pero malaya pa ring nabibili ang silver cleaner sa halagang P10 hanggang P150, dahil sa hindi maayos na pagpapatupad nito.

Nakapaloob aniya sa joint advisory na pirmado nina Health Secretary Enrique Ona at Environment Sec. Ramon Paje ang pagbabawal ng silver jewelry cleaning solution na may cyanide at iba pang nakalalasong kemikal.

Ipinagbabawal ang importasyon, paggawa at distribusyon ng silver cleaner nang walang rehistro at tamang labelling.

Samantala, umapela pa ang EcoWaste sa gobyerno na makipag-ugnayan sa mga mall at jewelry stores para mapigilan ang ilegal na bentahan ng kemikal.

Ang cyanide ay kabilang sa 48 Priority Chemical List (PCL) ng bansa dahil sa pagiging highly-toxic sa tao at maging sa hayop.

Sa ngayon, ang pagbuhay sa naturang panukala ay kasunod na rin ng pagpapakamatay ng isang estudyante ng UP Manila sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner na nabili lang umano sa kalye.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.