Sa bastos na fan ni Phil Younghusband ANGELICA PANGANIBAN, SUMABOG NA!

SUMASABOG SA GALIT si Angelica Panganiban matapos siyang bastusin ng isang fan ni Phil Younghusband sa Twitter. Ayon sa aktres, hindi makatarungan at masyadong brutal ang mga salitang ginamit ng mga ito laban sa kanya, kaya raw magsasampa na siya ng demanda.

Hiningan namin ng pahayag si Derek Ramsay sa desisyon ng girlfriend, pero tumanggi ang aktor ma makipag-usap nang personal, pero ang text niya sa amin: ‘Bastos ang mga sinabi ng tao na ‘yun. ‘Di dapat magsalita ng ganun sa isang babae. I think Angel will make demanda and I”ll be there to support her.’

Hindi na raw sana papansinin ni Angelica ang kabastusan ng fan, kaya lang, grabe raw ang panlalait na ginawa sa kanya at kay Derek. “’Yung pambabastos kay Angelica, baka keri pa niya ‘yun, knowing Angel na palaban. Pero ‘yung pati si Derek ay idamay sa mga bagay na wala itong alam, unfair naman yata ‘yon, kaya feeling ko, eh itutuloy ni Angelica ang demanda niya,” pahayag ng isang taong malapit kay Angel.

Nag-ugat ang away nina Angelica at ng fan ni Phil sa tweet ng aktres: Si Phil may indie film? Akala ko ba football player siya? Lahat na lang artista na. Sad…’ Ikinasama ng loob ng fans ng atleta ‘yon. Pakiramdam ng mga ito ay nilait ni Angelica ang kanilang idolo.

“Hindi ganoon ang gustong ipakahulugan ni Angel. Na-misinterpret nila ito. Kung anu-anong masasakit na salita na agad ang sinabi nila sa tao, na pati si Derek, idinamay na nga nila,” dagdag pa ng malapit sa aktres.

Ayaw na ring patulan pa ni Derek ang mga panlalait sa kanya, katuwiran ng actor, bukod sa hindi ito makakatulong sa kanya ay wala siyang mapapala kung gaganti rin siya. “Kay Angel ako naaawa. Hindi niya deserved ang pagsalitaan ng gano’n. Kahit na sinong babae, hindi dapat sinasabi ‘yung gano’n,” sabi pa ni Derek sa Pinoy Parazzi.

“HINDI AKO MANG aagaw!” tili ni Cristine Reyes nang makausap namin sa opening ng bagong business ni Ara Mina sa Market Market, ang Pure Glow. Ayon pa sa aktres, never niyang inagaw si Rayver Cruz kay Sarah Geronimo.

“Hindi ko inagaw si Rayver. Hindi ako mang-aagaw!” ulit pa ni Cristine.

Ang isyu, may relasyon pa raw sina Rayver at Sarah nang maging mag-on sila ng aktor. “Alam ko kung ano ang totoo diyan, sinabi na sa akin ni Rayver. Ang hindi ko lang talaga gusto ay ‘yung pinagbibintangan ako sa mga bagay na hindi ko ginagawa. At doon sa mga taong nagsasabing nang-agaw ako, wala akong pakialam sa inyo. Maganda kasi ako!” lahad ng aktres.

Sinabi rin ni Cristine na sa ngayon ay very smooth ang relasyon nila ni Rayver. Lagi silang magkasama at dumadalaw pa ito sa kanilang bahay. “Mabait na tao si Rayver, kaya hindi siya mahirap mahalin at ‘yon ang dahilan kung bakit hindi lang ako kundi pati ang mommy ko, gustong gusto ang ugali niya,” papuri niya pa sa nobyo.

Inamin din ni Cristine na hindi pa sila nagkikita ni Sarah, pero kung sakaling magkita sila ay walang dahilan para sila ay mag-away. “Hindi naman ako bayolenteng tao para makipagsabunutan,” assurance pa ni Cristine.

MARIING ITINANGGI NAMAN ni Ara Mina na ang boyfriend niyang si Raymond ang kanyang financier sa bago niyang business. “Actually, matagal ko na itong plano at ngayon ko lang nasimulan.Since mahilig akong magpaganda, bakit hindi beauty products ang gawin kong business, ‘di ba?” aniya.

Sinabi rin ni Ara na malaking factor si Raymond kung bakit naisipan niyang ituloy ang negosyo. “Kasi nung may Cafe Mina ako, nalaman niyang hindi na masyadong kumikita ‘yon, ang sabi niya sa akin bitiwan ko, lalo pa at naging busy ako that time sa election. After ng election, itinuloy ko na itong beauty products ko,” saad ng aktres.

Ayon pa kay Ara, ang puhunan niya sa bago niyang negosyo ay galing sa sarili niyang bulsa at hindi mula sa kasintahan. Aniya, “May pera naman ako. Kahit hindi ako busy sa paggawa ng movie, marami pa rin naman akong raket na pinagkakakitaan. Kaya hindi ko kailangang umasa sa ibang tao para makapagpatayo ng business.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

6 thoughts on “Sa bastos na fan ni Phil Younghusband ANGELICA PANGANIBAN, SUMABOG NA!

  1. Laspag na kc c Angelica at sawa na sa burat ni Derek na sakang baka nagpapapansin k Phil Younghusband baka gus2 nyang makipag-sex k Phil. Kawawang bobong GI baby. ang atupagin dapat ni Angelica eh kung papakasalan cya ni Derek na gurang na sakang or forever na lng clang live in at parausan! bwahahahahahahahaha

  2. KSP lang iyan, hindi kasi siya napansin ng Azkal's esp Phil Younghusband, sorry ka na lang Angelica si Angel Locsin ang type nila not you! Get get out!

  3. BUTI NGA SAYO PAKIALAMERA KA KASI…. KUNG WALA RIN LANG NAMAN SASABIHIN NA MAGANDA MANAHIMIK NA LANG PARA HINDI MARESBAKAN….

  4. buti nga sa'yo ANGELICA masyado ka kasing SAWSAWERA! nakahanap ka tuloy ng katapat mo sa pagiging PALENGKERA!

  5. Sobrang papansin tong si Angelica, sobrang pikon, insensible, illogical mga pinagsasasabi niya. Thas a clear signed of IMMATURITY. Pilit na sumasakay sa kasikatan ng Azkals. Dukutin mo na lang ulit bayag ni Derek habang pinipicturan, part II ba. At pakuha ka ulit ng labas ang mga bilbil mo, yong kumalat sa internet ba noon. No offense, pero Im talking in reality.

Leave a Reply

Your email address will not be published.