Sa balitang may bagong GF na si Albie Casiño
Andi Eigenmann: I don’t care!

NAGBABALIK-TELEBISYON ANG controversial star na si Andi Eigenmann sa isang de-kalibreng obra ng blockbuster director Wenn Deramas sa bago niyang teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan ng Kapamilya Network. Makikipagtagisan ng talino sa pag-arte ang young actress kina Iza Calzado, Jake Cuenca at Gabby Concepcion.

“Mas may pinaghuhugutan ‘yung acting ko ngayon, magaling ako rito. According to other people, kahit hindi mabigat ‘yung eksena, nararamdaman pa rin nila which I’m really, really happy and thankful. ‘Yun nga po, after every rain came a rainbow, ‘di po ba? Maraming beses na po akong nasaktan. Marami na akong napagdaanan sa buhay ko na hindi masyadong masaya. Tingnan po ninyo ngayon, I got better opportunity in other things and I’m really happy,” say niya.

Hindi pa rin mamatay-matay ‘yung issue na karelasyon raw ngayon ni Andi ang anak ni Sen. Ping Lacson. “Hindi po. He is my friend, hindi po ako nagdi-date. He’s in London, studying. Nag-aaral siya, ako nandito, nagtatrabaho. I don’t have a boyfriend, I’m single. Hindi kami puwedeng mag-date, kasi nga wala siya rito. I still gonna talk to him and we tell each other things. We keep in touch,” depensang sabi ni Andi.

Reaction ni Andi sa balitang may bagong girlfriend na raw ngayon si Albie Casiño. “Good for him. I don’t know how to say it, I don’t care. Ayaw kong isipin ng mga tao na parang bitter ako. Matagal na akong naka-move-on,” simpleng sagot niya.

May intriga rin na sa sobrang galit daw ni Andi sa ex-BF, nasampal niya ito. “Hindi ko siya sinampal, binuhusan ko lang  ng wine. I have a boyfriend after him na. Why would I be with someone else if I’m still in love with him?” Paliwanag ng anak ni Jaclyn Jose.

If ever na magkita sina Albie at Andi nang hindi sinasadya, ano kaya ang puwedeng gawin ng young actress sa ama ng kanyang anak? “Wala, hindi ko po alam. My friends ask me nga, kung ano ang gagawin ko kapag nakita ko siya. Sabi ko, hindi ko siya pakikialaman. Hindi ko ini-expect na it’s painful na parang may flashback na ganu’n. Siguro po, deadma na lang. I mean, kaya ayaw ko nang pinag-uusapan,” tugon nito.

Willing ba namang makatrabaho ni Andi si Albie if ever my project sila together? “I don’t know if he still wants to pursue showbiz, because bago kami naghiwalay, sinasabi na niya na ayaw na niya,” say niya.

Na-forgive na kaya ni Andi si Albie? “I don’t know because no one has said sorry or ask for forgiveness. Parang hindi niya inaamin kung ano ‘yung ginawa niya,” wika ng dalaga.

Paano kung dumating ‘yung time na lumapit si Albie kay Andi at nakikiusap itong makita niya ang anak nila, okay lang  kaya ito? “First of all, I don’t think it will happen. If ever na mangyari ‘yun, I’ll be happy kung mangyari ‘yun for my daughter. Siyempre, my daughter deserves to meet her dad. To know the truth, ‘di ba? I’m not gonna lie to her but at the same time, kaya nga po para maging masaya at least, ‘yung possibility na hindi masasaktan ‘yung anak ko kapag nalaman niya ‘yung nangyari,” pahayag ng young actress.

Kahit hindi pa nagkakaayos sina Albie at Andi, inamin ng young actress na nakuha ng anak niya ‘yung ilong ng ama. “Hindi ako happy about it, pero ‘yung ilong parang nakuha kay Albie at saka ‘yung eyes,” kuwento niya.

Napag-usapan din ang nalalapit na birthday ng daughter ni Andi. If ever pumunta si Albie sa birthday party ng kanilang anak, welcome ba naman ang binatang ama? “I don’t think na ganoon kakapal ang mukha niyang pumunta sa birthday party ng anak ko. If ever na gusto niya, I would say no, bawal. I don’t think people would appreciate he will be there because everyone will be there are my love ones. All of them care about me, they know what I’ve gone through with him so, I don’t think it will be good kung invite ko siya sa birthday ng anak niya na anak ko. I’m gonna make a carnival for her. Kasi, wala akong masyadong mga kaibigan na may anak. Invite ko lahat ang mga kaibigan ko, mga kapatid nila na may anak. Parang circus, ganoon kasi ang gusto namin, November 23 ‘yung birthday, pero I’m not sure kung exact date namin ise-celebrate,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

6 thoughts on “Sa balitang may bagong GF na si Albie Casiño
Andi Eigenmann: I don’t care!

  1. gusto kung itong batang ito!! alam nyo kung bakit?! cxempre ipinag patuloy ang pag-giging mommy nya.. at hindi itinago o ikinahiya na mabuntis!! okay lng yan dahil blessings ang babies on Earth! mabuhay ka andie!!

    sana maging humble ka at di pintasira yun lang!!

  2. Good for you Andi. Alam na natin kung sino ngayon ang nagdurusa. Mahirap mawalan ng career, di ba Albie ? At least mayroon kang indi film. Look at the baby now. Kahawig na kahawig ni Albie. Nakakatawa naman si Andi ng sabihin niyang hindi siya happy na kahawig ni Albie ang bata sa ilong. Kawawang bata. Sabagay, this can be corrected. Ang dami na kayang plastic surgeon na specialty ang ilong.

  3. Question ko lang Andi.
    Naging kayo ba talaga ni Albie o One Night Stand lang ang nangyari? Palagi ka kasing nasa bar. Usually pag ganyan Mutual Understanding lang ang kailangan torohan na. Kahit sinong nandyan basta matipuhan go na kaagad. Yan ang realidad sa mga babaeng umiinom sa bar.

Leave a Reply

Your email address will not be published.