Sa bagong kontrobersiya kay Bianca King Krista Ranillo, lalong sumasama ang imahe! – Ronnie Carrasco

KUNG SA PARTIDO lang ni Sharon Cuneta ay hindi para maghabol ang Megastar sa mana ng yumaong ama, dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta. After all, Shawie is financially secure.

Ang hindi lang matanggap ni Sharon, ang naturingan pa manding trusted aide-de-camp ng kanyang ama ang umano’y tumangay ng mana nilang magkakapatid (her siblings by her father’s first and second families), even the inheritance money due their respective mothers.

“Hindi ko alam kung nasaan ang testamento ng tatay ko,” kibit-balikat na sabi ng aktres sa presscon ng Mano Po 6, her first movie—at long last—under Regal Entertainment.

But Sharon is not pursuing a case against her dad’s former bodyguard. Diyos na raw ang bahala sa taong ‘yon.

ERIC QUIZON IS practically based in Hongkong, doing stage and TV work kung hindi man siya visible sa local circulation. Nagkataon lang na narito ang actor sa bansa dahil for the third time in years, he’s the directorial genius behind his dad Dolphy’s MMFF entry, ang Nobody, Nobody but… Juan!

Ngunit sa halip na mas marami siyang natututunan abroad, “Eh, sa akin pa sila natututo.”

With an unassuming stance as a director, walang dudang napapasunod niya ang kanyang mismong tatay. “Sa set, ako ang director, si daddy ang artista ko. Klaro ang set-up naming ‘yon. But after the take, siya na ang boss,” sey ni Kaizz.

Dala na rin ng kanyang pagiging abala sa trabaho, Eric finds little, if no time at all, for matters of the heart. Kahit daw sa Hongkong, lovelife takes a backseat.

MUKHA LANG MATARAY on the outside, pero may itinatago palang kabaitan si Bianca King.

Of late, lalong nadiin sa kontrobersiya si Krista Ranillo—already with a besmirched image—makaraang ipinag-utos ng tiyahin nitong si Suzette na ilabas sa tent ang gamit ni Bianca, the same tent na ginawang dressing room ng dalawang aktres, sa kanilang pelikula.

“There were actually three dressing rooms for us, one for Manny (Pacquiao), one for Krista and one for me. Pero later on, nag-share kami ng tent ni Krista. Nagulat na lang ako when I found my things scattered outside the tent, kasi raw io-occupy ‘yon ni Krista,” kuwento ni Bianca.

Napag-alaman na meron palang inutusan si Suzette na ilabas ang mga gamit ni Bianca, bagay na itinanggi ng tiyahin ni Krista. Pero hindi na ‘yon importante kay Bianca even if she should take offense at Suzette’s gesture.

Naku, namumuro na talaga ang kampo ni Krista. With all this bad press, sana’y hindi gawing dartboard ang kanyang 2010 calendar, ‘no!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

2 thoughts on “Sa bagong kontrobersiya kay Bianca King Krista Ranillo, lalong sumasama ang imahe! – Ronnie Carrasco

  1. Ang Suzzette Ranillo, nawalan ng trabaho sa California.Isa na lang ngayong tsimay ni Krista Ranillo. Tsimay na walang breeding..bastos . Ilabas ba naman ang mga gamit ng artistang si Bianca Eh katulong lang siya doon at hindi naman siya artistang kasali sa pelikula!!! Kung di naman bastos ang tawag diyan eh ano pa kaya?

  2. may pelikula lang sharon kung ano ano na namang gimmick lalot tungkol sa mano/mana ay pumapatol sa mga cheap publicity. kung hindi ka interesado tapos ang usapan pinapalabas mo sa tao na hindi ka mukhang pera ohhs lumang kaisipan na yan nega. lumalabas ngang mukha kang pera o dayukduk sa pera tanungin mo na lang si jimmy ang original son ni pablo ay daughter pala. kung talagang blackbuster actress ka hindi mo kailangan ang mga cheap gimmick na eto, kaso uhaw sa publisidad kesyo naman mapag usapan sila ng kanyang take noted na asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.