Sa away nila ng mag-inang Isabel Lopez at Mara noon
Ellen Adarna, na-cheapan daw!

TILA ILANG buwan nang tahimik ang buhay ni Ellen Adarna, nasangkot kasi ito sa isang matinding word war sa pagitan ng mag-ina at kasamahan sa Survivor Philippines na sina Maria Isabel Lopez at Mara Yokohama.

Pero parang natapos ang kanilang bangayan nang hindi na nasundan ng publiko kung ano na nga ba ang nangyari rito – nagkaayos ba ang tatlo o deadmahan na lang ang kanilang drama?

Nang makausap namin sa isang event recently itong si Ellen, kinumusta namin sa kanya ang balita na tungkol sa patutsadahan nila noon at kung ang naramdaman ba niya ay isang ka-cheapan ang patutsadahan nila noon ni Maria Isabel at Mara.

Patotoo niya, “Yes, it was ka-cheapan. Hindi naman talaga ‘yun away eh, parang sinagot ko lang siya. It was her na gustong makipag-away, not the daughter, the mom. But, like us, wala. Kasi may mga comment siya, I just answered back kung anong sagot ko. But it didn’t come to the point na blah blah blah blah na sumagot nang sumagot.”

Pero napansin kaya niyang parang inaraw-araw siyang binibira ng dalawa? “Oo nga, sabi nga nila they won’t stoop down to my level daw pero they always talking about me naman.”

Pero okay na ba sila ngayon? Nagka-usap na kaya sila? “Okay na, okay na. We fixed things na.”

HINDI MAN masyadong visible sa mga TV project si KC Montero, a-bala naman ito sa kanyang mga negosyo. Paghahanda na ba ito sa kanyang pag-aasawa? “Hindi naman ako mayaman, nagsisipag lang. Marrying level? I don’t know. You don’t have to be rich to get married. More than anything else, you have to save for the future and Rhian is very successful, and I also aspire to be as successful as she is. Money is

nothing really to us, it doesn’t matter.”

Masaya rin si KC na suportado ang kanilang relasyon ng mga magulang ni Rhian lalo na ng kanyang ina.“It’s very nice to have the support of her family. You know I like her family, and for her family to like me back, is a big thing.”

Kahit na ilang buwan na ang kanilang relasyon, hindi naman daw nila binibilang ito basta lang daw masaya silang pareho. “I don’t know eh, I don’t count. You don’t count those things when you’re having fun.”

Sa huli, inamin ni KC na medyo tahimik na ang kanilang relasyon dahil daw ‘wala nang nanggugulo sa kanila. Dati kasi, napapansin ng iba na nagpaparinig pa rin sa twitter ang ex-boyfriend ni Rhian na si DJ Mo Twister na naka-base na sa New York. Dati ring mag-best friend sina KC at Mo. “Wala, wala. Tahimik na siya, well it doesn’t really matter what anybody says.”

 

NOONG OCT. 30, Martes, nakausap namin si Derek Ramsay. Masaya raw siya sa kinalabasan ng pilot episode ng The Amazing Race Philippines ng TV5, kung saan marami raw siyang natanggap na komento sa twitter na nagsasabing bitin daw ang halos 30-minutes na airtime nito.

Sagot niya, “Kaya papanoorin mo talaga, the episode one was great, and napanood na namin ‘yung episode two, mas maganda ‘yung episode two. So paganda ng paganda ‘yan.”

Dagdag pa niya, “Two days before sa preview, tuwang tuwa talaga kami. Pero iba kasi ‘pag pinapa-labas na, ‘pag pinapanood mo na sa TV, so I watch it last night and I’m really really happy how they pre-sent it.”

May mga early favorites kaya siya during the course of the competition? “Bawal kasing magka-favorite eh, bawal ma- attach sa contestants, bawal ko silang kausapin during the race. So, favorites? Wala talaga, pero may mga nasi-shock ako sa mga leg, kung bakit sila ‘yung nanalo, may mga ganu’ng tanong.”

Hayag naman sa showbiz na matagal nang gustong makatrabaho ni Derek ang nag-iisang Star For All Seasons na si Governor Vilma Santos. Kaya naman, gustong magparating ng birthday message ang actor sa gobernador ng Batangas na nag-celebrate ng kaarawan nito last Saturday, November 3. Mensahe niya, “Advanced happy birthday, and happy anniversary for your 50th year in showbiz, someone I admire, someone I really love to work with. Sabi ko nga na kung pumayag si Ate Vi, kahit na hindi ko na basahin ‘yung script game ako diyan, basta maka-eksena ko siya. I watched some of her movies, and I admired who she is even outside of the industry. She’s such a professional, strong, motiva-ted woman na I love to work with. So, sana makatrabaho ko siya.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

8 thoughts on “Sa away nila ng mag-inang Isabel Lopez at Mara noon
Ellen Adarna, na-cheapan daw!

  1. It’s really a great and useful piece of information. I am satisfied that you simply shared this useful information with us. Please stay us up to date like this. Thanks for sharing.

  2. bakit ba nasa showbiz pa ang super starlet na ellen adarna na yan? she’s just a pretty with no talent at all. dapat umalis na lang sya at mag aral.

    .

    isa pa itong KC montero na toh, dapat sa mga walang talent na ‘artist’ kuno na mga toh, lumayas na lang sa showbiz, pampasikip lang. bagay sila ng aborsyonistang si rhian.

    • pangit ng ugali mo! bakit ikaw,ano talent moh? mapanghusga ka talagang baluga ka ahh,….hey! insecure ka lng kay ellen,…pangit mo kc and at the same time,bobo mo pa at wala ka pang talent,…ang alam mo lang ay ang manlibak ng kapwa,manghusga! pweh! imbyerna ko sau teh! nagmamarunong ka pa tlagang gaga kah! hahah! joke lng lahat nito,…peace!! sorry s mga sinabi ko po,..lets be friends,..gusto ko kc magkaroon ng kaibigang baluga? wahahah!

      • dont tell me fan ka ni ellen adarna? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA wow isang starlet nagkafan! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA for sure linta ka rin dahil ubod ka rin ng kati at for sure isa ka ring tangang puta HAHAHAHAHAHAHAHAHA nakaktawa kang gago ka. nagka idolo, sa isang starlet pa, katulad mo0 rin sya, bobong putak ng putak lang. dapat sa inyong dalawa iliboing ng buhay mga basura! PWE!

Leave a Reply

Your email address will not be published.