Sa apat na “Seklusyon” boys, si Dominic Roque lang naisama ni Direk Erik Matti sa 1st International Film Festival & Awards – Macao

JR Versales, Ronnie Alonte, Dominic Roque, and John Vic de Guzman of “Seklusyon”

JR Versales, Ronnie Alonte, Dominic Roque, and John Vic de Guzman of “Seklusyon”

Natawa ako sa kuwento ng baguhan na si JR Versales na ipinakikilala sa pelikulang “Seklusyon” ni Direk Erik Matti.

Sa international premiere ng pelikula nila nina Dominic Roque, Ronnie Alonte, at John Vic de Guzman , kaya pala siya hindi nakasama sa Macau noong December 11 para dumalo sa 1st International Film Festival & Awards – Macao ay dahil wala pala siyang passport, kuwento ng ramp model na taga-Masbate na na-discover sa Cebu, at ngayon ay isa na sa mga contract star ng talent division ng Reality Entertainment na pinamumunanan nina Direk Erik at ang negosyanteng si Dondon Monteverde.

Sa naturang international event ng “Seklusyon” sa Macau, sa apat na mga boys ng pelikula, si Dominic lang ang nakasama at sina Neil Ryan Sese at si Phoebe Walker who plays the mysterious woman sa pelikula na  guardian ng batang si Rhed Bustamante na ang peg ay parang lumuluha ng dugo na Sto. Niño.

Si Ronnie naman, kahit anong pakiusap niya sa kanyang handler na isingit sa hectic schedules niya na payagan siya na sumama ay to no avail. Hindi naisingit at si John Vic naman ang ay may larong volleyball. Si John Vic ay varsity player ng St. Benilde Blazers.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.