Sa alegasyon ng ‘Sabah conspiracy’
Boy Saycon, Hinarap ang NBI

HUMARAP SA National Bureau of Investigation (NBI) si Pastor “Boy” Saycon, ang adviser ng Sultanato ng Sulu, isang political strategist at secretary general ng Council for Philippine Affairs (COPA).

Ito’y matapos makatanggap ng subpoena mula sa NBI-Criminal Investigation and Detection Group (NBI-PNP-CIDG) investigating team kaugnay ng posibleng conspiracy o sabwatan sa isyu ng Sabah.

Sinabi ni NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda na nais nilang malaman kung may naging papel si Saycon sa kaguluhan ngayon.

Samantala, bukod kay Saycon, pinadalhan din ng subpoena si dating National Security adviser and Defense Secretary Norberto Gonzales na umaming bumisita kay Sultan Jamalul Kiram III upang makipagpulong.

Una nang itinanggi ni Gonzales na may kinalaman sa pagpapadala ng armadong grupo sa Sabah ang kanilang pinag-usapan.

May subpoena rin ang isang Muslim na dating mamamahayag na si Waldy Carbonel.

Maaalala na nagpahiwatig si Pangulong Aquino na may conspiracy o sabwatan sa pagitan ng Pamilya Kiram at mga kritiko ng administrasyon kaya ito nagmamatigas sa Sabah issue.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.