Sa agad na pagkawala sa show ni Willie Revillame
Rufa Mae Quinto, ipinagtanggol ni Mariel Rodriguez!

PUNO NG masasayang karanasan ang nakaraang U.S. trip ni Mariel Rodriguez kaugnay ng katatapos na U.S. tour ng top-rating game show ng TV5 na Wil Time Bigtime. Kaya naman sa pagbalik niya sa Pilipinas, excited siyang magkuwento tungkol dito. Lalo na’t first time siyang makatsikahan ng ilang press people sa Paparazzi Showbiz Exposed last Saturday mula nang makauwi siya sa bansa.

“It was good,” nakangiting sabi nga ni Mariel. “Kasi nakabalik doon ‘yong team ng Wil Time Bigtime na dating Wowowee. Ay, grabe! ‘Yong pagmamahal nila, hindi nagbabago. ‘Yong warmth nila. Ramdam na ramdam mo. Nakakatuwa. Sobra.

“Tapos nakita ko ulit ‘yong family ko. Nag-side trip ako. Binisita ko ang Dad ko. Sad lang ako kasi hindi nakasama si Robin (Padilla). Iyon kasi ang longest time na magkahiwalay kami. So that was very hard. Medyo ayoko nang maulit ‘yong gano’n,” sabay tawa niya.

“Pagbalik ko, he got me a room sa hotel. Tapos may flowers. Galing siya ng taping, sinundo niya ako. Sobra talagang ipinaramdam niya sa akin kung gaano talaga niya ako na-miss. At gano’n ‘di ako. Ipinaramdam ko rin sa kanya kung gaano ko siya na-miss!” tawa ulit niya.

At dahil sobrang na-miss nila ang isa’t isa, hindi kaya biglang isang araw na lang ay mabalitang magkaka-baby na sila ni Binoe?

“Ay, hindi pa. Wala pa sa plano ang baby. Pinag-usapan namin na huwag muna. Kasi nag-i-enjoy pa kami. Gusto pa naming mag-travel. Marami pa kaming gustong mapuntahan. Eh, siyempre kapag may mga bagets na, ‘di ba, mahirap nang gawin? At saka, nagwu-work ako. ‘Di ba? Mahirap.”

Since isa si Mariel sa co-hosts ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime, hindi maiwasang matanong si Mariel tungkol sa issue ng kaagad na pagkawala ni Rufa Mae Quinto sa nasabing game show.

May mga intriga na may attitude problem daw si Rufa Mae, pa-primadonna, at nagdi-demand ng sobrang laking talet fee na hindi naman daw kayang ibigay ng Wil Production.

“Si Rufa Mae, it was so much fun having her in the show. Sobra rin ang saya namin na nakasama namin siya. Iba rin ang sayang ibi-nigay ni P-chi (palayaw ni Rufa Mae). It just so happen na… she’s a big star. Alam ko na, eh. Na magkakaroon ng something na ganito. Kasi she’s a big star nga. Eh, daily ‘yong show. So, kailangan ‘yong devotion mo, naka-ano.

“Hindi naman na rin siya masisisi kasi ang dami niyang ibang projects. From the very start, sinabi naman niya na… ‘ito ang mga projects ko’. Eh, siyempre, she was so… kasi ganito ang sinabi ng staff ng Wil Time Bigtime na ang naging problema is her schedule. Kasi mahirap.

“Eh, may mga naglalabasan naman na tungkol daw sa talent fee, ganyan-ganyan. Ako naman, feeling ko, if the price was right, then, uhm… okey lang na ma-give up niya siguro ‘yong iba niyang mga projects. If the price is right. ‘Di ba? Oo. Feeling ko lang, ha?!

“Kasi bilang artista, siyempre nando’n na rin siya sa stage ng life niya na gusto na niyang mag-ipon. Alam mo ‘yon? So, hindi mo siya masisisi. Tao siya. Nagtatrabaho siya, eh. Di ba? Na… sige, magpayaman muna siya.

“Tapos sabi naman ni Kuya Willie na welcome siyang bumalik. ‘Di ba? Iyon ang maganda. Hindi sumama ang loob sa kanya ni Kuya Willie. Binati pa nga siya sa TV.

“Eh, ‘yong sinasabing may attitude problem at umaastang primadonna si Rufa Mae? Ay, no! Ang bait ni P-chi. Sobra. Ang bait niya. Dumarating siya na naka-make up na. Nakabihis na. Ready na. Tapos nagha-hi siya sa lahat.”

Iyon naman pala!

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

7 thoughts on “Sa agad na pagkawala sa show ni Willie Revillame
Rufa Mae Quinto, ipinagtanggol ni Mariel Rodriguez!

  1. My God. There’s something wrong with this Family. They act like they are super talented but for the mere fact, they are just arrogant liars who think they are ALL THAT. Starting from the mal edukadang ina, his Super Gay mapang lait and feeling sikat sister , este brother Raymond, and the robotic alien faced Richard who has poor acting skills and sad to say talentless. and they demand like we filipinos should look at them highly? She felt like binastos siya, oh well, that’s because she’s Bastusin. Stop the Primadorang arte because she has no career. Isa kang HAS BEEN,…LAOS! Ruffa Guttierez!

      • hahaha nakakatuwa ka Jennilyn…. pati ako ay sumang-ayon sa comment mo hahaha. However, tama naman ung comments mo about Gutierrez family kay nag-I second the motion’ pa ako hahaha… Kay Eddie Gutierrez ako naaawa dahil pati sya ay namamantsahan ng mga bastos na pamilya nya…

      • If I am ABS CBN I will not take back Ruffa, mga eskandaloso. Siniraan ang Parazzi, samantalang nag stay sya ng matagal doon. Hindi na sya tatanyag dahil sa ingay ng Family nila. So sana AWARE ang ABS dito. Matatalas ang dila tulad ng ina so leyt other TV station take her kung may kukuha, pero wag ang ABS dahil baka sila din siraan in the end pag ayaw na sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.