Sa achievements sa showbiz career Cristine Reyes, aminadong kulang pa!

PUBLICITY GIMIK lang ang namumuong romansa kina Gerald Anderson at Sarah Geronimo. Ang totoong type daw ng binata ay si Jessy Mendiola. Marami ang nakakapansin sa sobrang sweetness ng dalawa sa set ng Budoy.

Ikaw raw ang gustong ligawan ni Gerald, hindi si Sarah? “Hindi ko po alam kasi, sa taping namin sobra kaming ngarag. Malay ninyo naman after the soap. Binigyan niya ako ng Christmas gift. Tapos, binibigyan niya ako ng food. Minsan naman, pinapanood niya ‘yung  show ko like MMK,” sagot ni Jessy.

Kung seryosong manligaw si Gerald kay Jessy, may chance ba naman ito? Walang kagatul-gatol na sinabi ng dalaga, “Oo naman po. Si Gerald is a very nice guy, friendly to everyone, sweet, very caring. Aaminin ko, before Budoy, hindi ko naging crush si Gerald. Kasi, hindi ko pa siya kilala, hindi pa kami close. Nang makilala ko siya sa Budoy, sabi ko, puwede. Masasabi kong naaano na ako sa kanya, ang bait pala niya,” aniya.

Walang pakialam si Jessy sa mga controversy na kinasangkutan noon ni Gerald. ‘Yung pakikipag-relasyon ng binata kina Kim Chiu at Bea Alonzo. “Opo, alam ko ‘yung mga ‘yun kasi, siya rin naman ang nag-open-up sa akin tungkol sa mga ‘yun and everything. Ang masasabi ko, lahat sila magaganda, sina Bea Alonzo, Sarah at Kim Chiu. Nasa kanya na po ‘yun, labas na ako du’n.”

May tsika na si Jessy talaga ang type ni Gerald at hindi si Sarah. “Well, sana sabihin niya in person. Ha! Ha! Ha! Kunwari, kung may manliligaw sa ‘yo, kailangan sa ‘yo sinasabi, hindi sa ibang tao na baka hindi totoo, mag-feeling pa ako, nakakahiya naman,” walang pagkukunwari turan ng ‘young actress.

Qualities ni Gerald that you find him attractive? “Ayaw niyang nagpapa-make-up masyado at number one ‘yun sa akin sa lalaki. Mas nakakalalaki kapag hindi nagmi-make-up. Number 2, sobrang sweet po niya. ‘Yung sweetness niya as Budoy  and Gerald in real life, hindi siya nagkakalayo. Kapag nagsasalita siya, malumanay, malambing so, ang tingin ko, suwerte ‘yung babae na magiging girlfriend niya.”

If ever na maging boyfriend ni Jessy si Gerald, first relationship kaya niya ang actor? “Nagka-boyfriend ako dati pero puppy love. Fifteen lang ako nu’n, text-text lang. Sa showbiz, sinasabi nilang naging boyfriend ko si ganito (JM de Guzman). Promise po , hindi naging kami. Si Robi Domingo, muntik na maging kami pero naudlot kasi busy siya sa study niya. Ako naman, mas gusto kong sa career, sa trabaho… pero matagal na ‘yun, three years ago.

 

ACTRESS NA raw ngayon si Cristine Reyes dahil naging super blockbuster ang pelikulang No Other Woman nila nina Anne Curtis at Derek Ramsay. Ipinakita niya rito ang galing niya sa pag-arte kahit may mga sexy scene ang dalaga.

As much as possible, ayaw na raw nitong magpakita ng kanyang kaseksihan sa mga susunod niyang project. May kinalaman kaya ito sa relationship nila ni Rayver Cruz? “No, it’s my personal choice. Dati, wala akong ginawa kung hindi mag-pictorial nang mag-pictorial. Mag-pose nang mag-pose nang sexy. For a change naman, at least, nakita ninyo ang the other side of Cristine. Hindi ‘yung puro sexy na lang ang ginagawa ko. Napansin naman ninyo ang acting ko.”

Seryoso na nga ang relasyong Cristine at Rayver, hindi kaya mauna pa silang lumagay sa tahimik kaysa sa ate niyang si Ara Mina? “Hindi, magti-twenty three pa lang ako. Magti-twenty three pa lang si Rayver. I don’t think, mauunahan namin si Ate kasi, nasa age na siya. Sa tingin ko, mauuna siya kaysa sa akin.”

Inamin ni Cristine na paminsan-minsan, napag-uusapan nila ni Rayver ang tungkol sa paglagay nila sa tahimik, pero hindi ser-yoso. “Marami pa akong dapat gawin. Gusto ko pang gumawa ng movies, TV series. Wala pa akong mas-yadong achievement, No Other Woman pa lang at saka FHM, ‘di ba? Malayo pa ‘yung paglagay namin sa tahimik.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

13 thoughts on “Sa achievements sa showbiz career Cristine Reyes, aminadong kulang pa!

  1. Cristine Reyes is my Idol. I like her. She is beautiful, has a nice skin, and beatiful body.
    She is good at dancing and acting too. Lover her…

  2. hoy saying engeng ikaw ang tumigil sa katangahan mo! achievements ni  cristine  sa  dami ng lalake! biggest achievement niya! ito naman writer na to  wal nang mai tsismis! ano  ngayon kung si si jessy nilligawan. ni gerald . tama lang . sila pareho na level ng career .  at sino ngsabi mg on ung 2 even sarah . alam niya kung sincere o hindi. malay. baka may private detective  si sarah!    hindi nakkipaghabulan si sarah kay gerald.  sa dami ng commitment ni sarah ngayon. wal ng panahon si sarah. kay  jessy na masaya na tong writer na eng eng na to. at isapa napuna kahit hindi na mg make up si sarah . labas ang ganda .  happy life hindi katulad ng tadtad ng makeup mukhang aswang na alam kop  nakita ko na sa personal. malapitan. mas maganda si sarah kahit walang makeup.  ung iba  laging nakatingin sa diyaryo lang . at napaka flawless.  ang kutis  napakakinis ng balat. hindi katulad nammintas na hindi pa nakkita. sila balat kalabaa. at balat isda.  ung ilong panay ang pintas ok naman  hindi lapadm katulad ng mga tanga na nammintas. tama lang.   very pretty in person pala si sarah!  hindi pal ayos simple pero kita mo ang charm ng face.  di katulad ng iba madita beauty. ung iba kailangan pa todo ayos para gumanda pero si sarah nung makita ko!   kahit simple ayos at manipis lang makeup maganda. ung iba  artista todo todo pa ayos! makapal mgmakeup kaya ngmukhang aswang na.  very pretty  . very fresh.  dahil walng problema.  

  3. Definitely “No other woman” was not Christine’s movie, Kung si Christine Lang yun hindi kikita ang movie ng ganun. She should acknowledge that and everybody else around her. Alison ang pagpapasexy and Christine is nothing but a glutathione and retoke product. Truth hurts right? Oh well:)

  4. meron kapokpokan sa lalke  lantang gulay.! at kumbaga sa bakal kalawang na! dumaan na kung kani kanino achievement ni pokpokita! ung ngtatangol kay ! idol nya yon mahilig din>. magiling  gu,iling kung kani kanino!    walng pakiaalam si sarah kahit mapunta pa kay jessy no! busy na ngayon yan uumpisan ung movie.ikaw just sayin tanga! totoo naman anong alam ng idol mo humiga sa kama lagi! pwede ba day siguro pareho kayo!  laspag na yan! nakailan na ba yan!   napakahusay niyan hindi sa pagarte kung di sa pagiling! get mo lamog na yan pinagpasahan nya ng kung sino sino!      wag mong ilelevel si sarah sa mababang uri  niyan. kahit anong gawin   mababa parin ang tingin. high class prosti na lang siya un ang beauty niya!

  5. JUSTSAYIN, paano nasali si sarah geronimo sa comment ko at para kang asong tumatahol dahil hindi pa kumakain? hahahaha. basahin mo ngang mabuti ang comment ko! walang about sarah or anything comparing to sarah and cristine TANGA! hahahaha ang sinasabi ko, ang pelikulang no other woman ay tumatak ng bonggang bonggang kay anne at about sa “naptunayan” nya as a sexy star at hindi sa wala pang napapatunayang aktres aktresan na si reyes! got it teh? magbasa maigi hahahahaha

  6. Well, I’d say that Cristine’s acting is decent, but still not yet in the highest level. Another painful truth: Her “malumanay” speech is so annoying to hear. Believe it or not, I wasn’t impressed in No Other Woman. I agree with Krissy, btw.

  7. Krissy, totoo lahat ang mga sinabi mo….isa ako sa nanood doon…after movie..labasan na ANG MGA TAO AT maraming nag-comment na talagang hindi pa talagang mas-yadong  marunong umarte si Christine Reyes..buti pa raw si Anne Curtis at saka kaya lang kumita yang ay dahil marami talagang  naka relate.sa movie kasi talagang talamak na sa may mga asawa ang mahilig mambabae..ang mga nag-kagusto lang naman sa arte ni Cristine doon ay ang mga fans lang niya  at isa ka na doon at bayaran niya KALBONG EDDIE LITTLEFIELD..

  8. Hoy Krissy, itigil mo na nga ang pag-ka Sarah fans mo.  Cristine was humbled enough to say that she still has a lot to prove, eto naman at nanggagatong ka na walang basis ang analysis mo.  The success of NOW ay dahil sa kanilang tatlo, hindi lamang kay Anne, dahil i do not remember Anne having a movie earning more than 250 million pesos! So ibig sabihin nag-click ito because of its entirety.  Ibig sabihin lahat lahat.. pati cameraman isama mo na.  By-the-way, Cristine was nominated sa Seoul in best actress category sa kanyang portrayal sa Eva Fonda.  Yes she is sexy and she can also act.  I am glad that we have actresses like her and  Anne, walang kaarte arte sa katawan.  Ginagawa what the role is asked them to do para sa ikakaganda ng pelikula.  

  9. walang wala pa kahit katiting na napapatunayan si cristine as an actress pero as a sexy star, meron na siguro. hindi naman talaga kanya yung no other woman, it’s all about anne curtis yun, kungbaga, si cristine ay isang support lamang at kay anne ang pelikulang yun. so technically writting, hahahaha, si cristine ay isa pa ring starlet actress or shoulde i say, starlet artist? hahahaha

    hay naku, after ng budoy, wala na rin yang gerald at jessy issue.

  10. Naku, wag niyo ng pilitin na may namumuong romansa kina Gerald at Jessy dahil kita naman para lang lalong umangat ang ratings ng Buody sa huling dalawang linggo nito. Mataas na ang ratings ng Budoy kahit nakikita natin na walang chemistry ang dalawa onscreen. At alam naman ng lahat na ang tunay na karelasyon ni Jessy ay si JM de Guzman. Si Gerald ay bovious na nagamit rin ng husto sa promotion ng pilot telecast ng Sarah G Live! kahit tapos na ang gimik sa kanilang dalawa para sa pelikula nilang WLADWY. Kaya si Gerald, be happy, be thankful na lang sa lahat ng blessings sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.