Sa acceptance speech sa Best Actress award
Carla Abellana, ‘di man lang binanggit si Geoff Eigemann

Carla-Abellana-Geoff-EigenmannCONGRATULATIONS SA alaga kong si Glydel Mercado at nanalo pala siyang Best Supporting Actress in Drama sa nakaraang Golden Screen Awards for TV ng Enpress.

In fairness naman kay Glydel, magaling naman talaga siya sa My Husband’s Lover kaya siya ang wagi at ka-tie pa yata si Angel Aquino sa Apoy sa Dagat. Magaling din naman si Angel.

Ang My Husband’s Lover ang grand winner sa awards night na ‘yun na ginanap sa Teatrino nu’ng nakaraang Biyernes.

Nanalo itong Best Drama, at wagi ring Best Actor si Dennis Trillo at Best Actress naman si Carla Abellana, at pati nga si Kevin Santos, Best Supporting Actor din. Deserving naman silang lahat na manalo, ‘di ba?

Pinag-uusapan daw doon sa awards night, hindi man lang daw nabanggit ni Carla ang boyfriend niyang si Geoff Eigenmann para pasalamatan.

Ang dami raw niyang nabanggit na pinasalamatan, except si Geoff.

Nu’ng tinanong siya ng Startalk tungkol dito, sabi niya hindi lang daw niya nabanggit si Geoff pero tatawagan naman daw niya pag-uwi para ibalita na nanalo siya.

O, ‘di ba ang galing magpalusot ni Carla?

Hindi naman daw niya itinatanggi na may problema sila ni Geoff pero napag-uusapan daw nila at okay naman daw sila.

Birthday nga raw ni Geoff at may dinner nga yata sila kagabi.

Kaya lang, bakit hindi man lang nabanggit ni Carla nga si Geoff sa acceptance speech niya? Naku ha?! Magkakaalaman din ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Sa acceptance speech sa Best Actress award
Carla Abellana, ‘di man lang binanggit si Geoff Eigemann

Leave a Reply

Your email address will not be published.