Sa Aagaw ng Kanilang Trono SEXBOMB GIRLS, HANDANG MAKIPAGTADYAKAN!

ISA-ISANG SINAGOT NI Tuesday Vargas ang lahat ng mga negatibong tsismis na nagsasabing siya ay pasaway, primadonna, eksenadora, insekyurada, at kinaiinisan ng kanyang mga artistang nakakatrabaho.

Ayon kay Tuesday, hindi daw totoo ang mga nasabing balita. At kahit ang isyung nagsasabing galit sa kanya ang TV5 artists na sina Shalala at Wilma Doesnt ay mariin din nitong pinabulaanan.

“Naku, si Shalala, okey kami n’yan, nagti-text pa nga kami eh. Ewan ko ba kung bakit may naglalabasang hindi kami okey. ‘Yung kay Wilma naman, siguro dahil pareho kaming prangka kaya gano’n, pero okey kami. Saka lagi kaming nagkikita at nagkakatrabaho at okey naman kami pag magkakasama,” paliwanag ng komedyana.

Totoo ba na everytime na nagkakasama kayo ni Ruffa Gutierrez sa Talentadong Pinoy ay nakikipagbonggahan ka? Kung may stylist daw siya may stylist ka rin at kung gaano kabongga ang suot ni Ruffa, mas nagpapabongga ka?

“Totoo naman ‘yun, pero ang akin lang, gusto ko lang kasing hindi naman maiwan ni Ruffa. gusto ko lang ding maiangat ‘yung show, kaya sinasabayan ko ‘yung isinusuot niya . Pero, hello, beauty queen ‘yun, ibang level ‘yun!

“Hindi naman totoong nakikipagbonggahan ako sa kanya. Iba naman ‘yung sumasabay lang sa nakikipagbonggahan. Saka ang layo naman sa akin ni Ruffa. Ruffa Gutierrez ‘yun!” pahabol pa ni Tuesday.

WALA PA RING gagaling pagdating sa pag-hataw sa dancefloor ang still ay nangungunang all-female group sa bansa na SexBomb Girls. Nasaksihan namin ito sa konsiyerto ng grupo na ginanap sa Zirkoh Tomas Morato last Feb.19 with Jilian Trono as their guests. Napuno ng mga ito ang venue. Ang ibang nanood ay hindi na ininda kahit wala ng mesang mapupuwestuhan at nakatayo na lang habang aliw na aliw na pinanonood ang SexBomb Girls.

Iba’t ibang konsepto, iba’t ibang klase ng sayaw, at nagpamalas din ng galing sa pag-awit ang ilang miyembro ng grupo, kaya naman sa bawat hataw nila sa entablado ay hindi mapigilang mamangha ng mga manonood sa galing at ganda ng production numbers nila.

Tsika nga ni John Nite, “Grabe ang galing ng SexBomb Girls, puwede mo silang ihanay sa mahuhusay na mananayaw sa Las Vegas! First time kong nanonood ng show nila at nga-yon ko napatunayang sila pa rin ang mga reyna ng dancefloor, at nakakakanta pa sila!”

Kami mismo ay magsasabing kaya nilang iwasiwas, tadyakan, palayasin, at pakainin ng alikabok ang magtatangkang lumaban sa kanila ng showdown.

To Joy Cancio, congratulations sa very successful concert ng SexBomb Girls!

SA WAKAS AY nakapag-taping na rin sa Tweenhearts ang isa sa most promising actor ng 2011 na si Hiro Magalona, ang pamangkin ng yumaong Francis Magalona, na ginawa sa Boracay. Ayon sa bagets, masaya siya dahil natupad na rin ang kanyang dream na mapasama sa na-ngungungang youth-oriented show sa bansa, ang Tweenhearts. Ginagampanan niya ang role ni Bayani na magiging ka-love triangle nina Joyce Ching’ na gumaganap bilang ‘Aya’ at Kristoffer Martin na ginagampanan naman ang role ni ‘Chris’.

Kaya naman sa Summer Special ng grupo ng Tweenhearts ay mapapanood na si ‘Bayani’, ang sinasabing future heartthrob ng Kapuso Network.

Samantala, isa rin si Hiro na dumalo at nagpasaya sa charity project ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa Child Haus last Friday, February 18, kasama sina Sam Milby, Benjamin de Guzman, Jillian Ward, Joyce Ching, Ronnie Liang, at marami pang iba.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.