Sa 32 years ng Eat Bulaga Joey de Leon, hindi umasa sa mga co-host

NAKAKATUWA ANG reunion nina Joey de Leon at Toni Gonzaga sa The Buzz. It was their first time na muling magkita after Toni left Eat Bulaga several years ago to transfer to ABS-CBN. It was also Joey’s first time to guest on The Buzz. He is promoting his new movie Won’t Last a Day Without You starring Sarah Geronimo and Gerald Anderson.

Hindi napigilan ni Toni ang maiyak when Joey gave her a bag containing an Eat Bulaga coffee table book. Makikita rito ang isang lumang litrato ni Toni kasama ang iba pang mga hosts ng noontime show.

“Dati galit ka sa akin, eh. Ngayon ‘di ka na galit sa akin,” sabi ni Toni kay Joey when she interviewed him. He replied, “Hindi, ano ka ba? ‘Di lang tayo nagkaintindihan. Hindi ako nagagalit sa iyo noon. Binibiro lang kita.

“O tignan mo naman, nu’ng umalis ka umasenso ka,” he added. “Kung ‘di ka lumayas sa Bulaga, eh ‘di baka sa EB Babes ka na.” Hindi raw maiaalis sa kanila ang malungkot noong nawala si Toni sa show.

“Siyempre nalungkot kami nu’ng nawala ka. Pero ngayon, napapanood pa rin naman kita eh,” he said. Sinabi ni Toni na masuwerte siya dahil nakatrabaho niya si Joey. “Mabibilang ko ang sarili ko sa isa sa mga pinakamaswerte sa henerasyon na ito na nakatrabaho ang isang Joey de Leon,” she said.

Nagkuwento si Joey ng kanyang mga karanasan noong nasa ABS-CBN pa siya. Limang taon daw siya sa radyo at siya lang ang nagkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho sa pitong istasyon nito. He was a utility announcer. Kuwento pa niya, P200 per month daw ang sweldo niya noong 1968 at naabutan pa niya ang lolo ni Mr. Gabby Lopez, ABS-CBN’s CEO.

Joey also gave Toni some pieces of advice when it comes to hosting. “Baka may mga nakikinig diyan. ‘Pag nagho-host kayo, makinig kayo sa co-host ninyo,” he said. “’Yung iba kasi solo lang, sarili lang [ang] iniintindi. Maganda ba ako sa TV, anong anggulo? Kailangan makikinig ka kasi mawawala ka sa takbo ng usapan.” Dapat daw ay lagi kang alerto.

32 years na ang Eat Bulaga. Kanino ba siya pinaka-close? “Close ako sa show. ‘Yan ang ‘wag kang aasa [sa co-hosts]. Kahit absent ang lahat ng co-host, dapat kaya mong mag-isa.”

He plays the father of Sarah in Won’t Last a Day Without You. What are the reasons why he agreed to do the film? Una, si Sarah because she is Joey’s favorite movie actress (Toni is his favorite television personality). “Kayo ni Sarah, parang kayong dalawa favorite ko, eh. Ikaw sa TV, siya sa pelikula.” Natutuwa daw siya kay Sarah. Pangalawa, dahil sa kanyang role na rocker sa pelikula. Pangatlo, alam daw niyang muli silang magkikita ni Toni.

Sinabi ni Joey na napakasuwerte ng apo ni Nestor de Villa (referring to Direk Paul Soriano). Pogi at matalino raw ito. Ipinagmalaki ni Toni na magli-limang taon na silang on ni Direk Paul. Pinayuhan daw ni Joey noon si Toni na kapag magbo-boyfriend ito ay siguraduhin niyang okay ang kanyang pipiliin. At ito nga ang ginawa ni Toni.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

7 thoughts on “Sa 32 years ng Eat Bulaga Joey de Leon, hindi umasa sa mga co-host

  1. i think pinariringgan ni joey ang isa sa mga co-hosts niya, name pia guanio, who doesn’t listen to co-hosts, always patronizing, feeling maganda, na kahit na anong anggulo ay hindi. i never saw toni gonzaga hosting since there was no gma pinoy tv when she was in bulaga. i don’t watch tfc, and i just saw this in youtube. she seemed ok, sounded similar to julia clarete, but i guess she become a bigger celebrity when she jumped ship. caught glances of her movie when i was visiting relatives with sam milby, however, unlike aiza seguerra who would never guest in any show that competes with eb, she is now hosting a rival show, for me, though it is not unethical, it wasn’t classy. i know boy abunda’s clause when he jumped ship was not to have a show in the same time slot as startalk, wished she did that. however, money talks

  2. I’m a big fan of Joey de Leon maski ano pang sasabihin na paninira sa iba. Iba talaga sya magpatawa, hindi corny at bilis niya mag punch line. Yong iba dyan ginagaya si Joey pero iba pa rin ang dating ni idol kong Joey.

  3. @laikabit0210(as in u-to-ten) – MAS LALO NAMAN NA DI AASA SA IYO YUN KASI KABIT KA LANG………..HAHAHAH………….ANO NA NAMAN, HYY? HAHAHAHA………..MUKHANG YUNG NOONTIME NG KAPANGITYA NETWORK EH SA KALABOSO NA PUPULUTIN……….KASI NAMAN EH LAHAT NG HOST DOON EH MUKHANG PINITPIT NA LUYA……….HAHAHAHAHA

  4. HIndi umaasa sa co-host e 3-4 portion lang si Joey at Vic lumabas sa EB kiramihan co-host nila na ang nagdadala at nakikita sa show.

  5. Ng-iisa c joey de leon! mukhang mayabang, mdyo bastos pero may laman ang utak d ka2lad n willie revillame puro kahambugan at kamanyakan lng alam. Sumikat ng konti lumaki n gad ang ulo pati network n bumubuhay s knya, tinapaktapakan. Marami kng ma222nan s mga jokes at birada nya kaya 2magal s industriya. idol tlaga, yn ang dapat gayahin ng ibang nagsisikat-sikatan (kuno)

  6. itong si joey eh napaka-prangka pero sana minsan eh ilagay nya rin sa lugar. minsan kasi iba ang interpretasyon ng tao sa biro nya. katulad nitong si duling, akala nya galit yun pala eh biro lang. sundan mo ng “biro lang” kung nagbi-biro ka lang joey boy

Leave a Reply

Your email address will not be published.