Big-time LPG rollback, ipinatupad

NAGPATUPAD NG big-time rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang ilang kumpanya ng naturang produkto kahapon.

Kabilang na ang Pilipinas Shell para sa kanilang Shellane na ibinaba ng P8.96 kada kilo o katumbas ng P98.00 para sa 11 kilogram cylinder tank.

Ang Petron ay nagpatupad din ng price reduction para sa kanilang Gasul ng P9.52 bawat kilo o katumbas ng P105 sa 11 kilogram cylinder tank.

Maliban dito, ibinaba rin nila ng P5.32 ang ha-laga ng bawat kilo ng auto LPG products.

Una nang nakaroon ng price cut sa kanilang mga produkto ang LPG Marketers Association (LPGMA) noong nakaraang linggo.

Paliwanag naman ng mga eksperto, ang pagbaba ng contract price sa pandaigdigang merkado ang sanhi ng naturang malakihang rollback.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.