Ryzza Mae, kawawa sa mga magulang?

Ryzza-Mae-DizonPOOR LITTLE rich girl.

Perhaps, nothing else best describes child wonder Ryzza Mae Dizon but this.

Sana, sa kabisihan ng batang ito’y huwag niyang mabasa ang item na ito or else she might lose her drive to work. Or posible rin namang doble-kayod pa ang kanyang gawin sa pagtatrabaho.

Balita kasing buntis ang kanyang Mommy Riza by another man dahil hiwalay na naman ito sa kanyang asawa na tatay ni Ryzza Mae. The story doesn’t end there: buntis din kasi ang iba nang babaeng kinakasama ng ama ng child wonder.

So that makes two pregnancies by two different women who are jobless and obviously cannot fend for themselves.

So kaninong kargo ang malaking problemang ito ng mga magulang ni Ryzza Mae? Kanino pa, eh, ‘di kay Ryzza Mae mismo! Which is utterly unfair, ‘di ba?

Kawawang bata na animo’y ninakawan nang walang kalaban-laban. So will Ryzza Mae change the lyrics of her popular song to “Hold up, hold up… take, take, take”?

 

NAGSILBING INSPIRASYON para sa mga Kapusong child stars ang pagkakapanalo ni Jillian Ward sa Picture! Picture! who became richer by half a million pesos.

Kaya sa darating na Sabado, muli na namang sasalang sa kids’ edition ng kauna-unahang picture-aided general knowledge game show ang mga bibong bagets na sina Elijah Alejo, Milkah Nacion, Antone Limjengco at Marc Justine Alvarez, this being the third wave of  Picture! Picture!’s episodes featuring GMA’s child prodigies.

All-out support kay Elijah ang kanyang nanay-nanayang Jenny Molina bago magsimula ang taping nitong Lunes. “Tito Ron, hindi naman po sa pagmamalaki pero ang alaga kong ‘yan, eh, mahusay sa school kahit busy siya sa showbiz.  ‘Yun din naman kasi ang bilin sa kanya ng mga parents niya, studies first. Ako, bilang manager niya, I make sure na hindi napapabayaan ni Elijah ang pag-aaral niya. I’m also a mother na may mga anak ding pumapasok sa school,” bida ni Jenny.

Kaya don’t miss another fun-filled edition of Picture! Picture! hosted by Ryan Agoncillo this Saturday after GMA Weekend News.

 

Mahusay na aktres, gumon na sa sugal?

 

BLIND ITEM: We’ve heard a lot of stories involving local stars who are hooked on gaming, mapalalaki o babae.

Pero ang kuwentong ito tungkol sa isang mahusay pa manding aktres na umano’y lulong sa sugal is one for the books.

Ayon sa aming source, on weekends daw naglalagi ang aktres na ‘yon sa isang pasugalang matatagpuan sa kahabaan ng Marcos Highway sa bayan ng Rizal. Tinukoy nito ang eksaktong pangalan ng establisyimentong ‘yon, but we’d rather not mention it.

Hindi lang daw basta gumon ang aktres sa sugal, on the side ay naglalasing pa raw ito. But the worst part, nagkakandatalu-talo raw ang hitad nang as much as P50,000 sa sugal dahil hindi na niya kayang diskartehan ang kanyang mga baraha out of drunkenness.

Da who ang aktres na ‘yon na may anak ding artista? Itago na lang siya sa pangalang Joanna Garchitorena.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

4 thoughts on “Ryzza Mae, kawawa sa mga magulang?

  1. Huh di nahihiya mga magulang sa batang yan?Patuloy ba na nag-aaral ang batang ito?Dios mio ang bata bata pa sya na ang nagpapalamon sa kanyang mga magulang?Ang kakapal naman ng mga mukha!

    • Sana matulungan ni bossing ang batang eto n masigurado ang future niya t wag masayang sa wala ang pagtratrabaho nia..at mapunta lng sa mgulang ng bata

Leave a Reply

Your email address will not be published.