Ryzza Mae Dizon, mas uso kumpara kay Jillian Ward!

MGA BATA pa sina Jillian Ward at Ryzza Mae Dizon, kaya hindi pa nila masyadong masakyan kung bakit mayroong mga gumagawa ng intriga tungkol sa kanilang dalawa, dahil pinagkukumpara nga ang kanilang naging pagsikat.

Siyempre naman, hindi matatawaran na talagang sikat na sikat nga sa ngayon si Ryzza, dahil bukod sa siya ang bagong inaabangan sa Eat Bulaga ng GMA-7, binigyan pa siya ngayon ng sarili niyang talkshow.

Halatang-halata ang pag-aangat ngayon kay Ryzza, dahil halos lahat niyang kasamahan sa Eat Bulaga ay siya ang bukambibig na purihin. Masipag naman kasing magtrabaho si Ryzza, kaya nga isinama rin siya sa Vampire Ang Daddy Ko ng mag-amang Vic at Oyo Sotto. Mapapanood nga sa nasabing sitcom na sa ngayon ay mabagal pang magbitiw ng dayalog si Ryzza, pero sinusuportahan talaga siya ng kanyang mga kasamahan.

Uso talaga ngayon si Ryzza, pero hindi naman naiinggit si Jillian, dahil nu’ng bigla rin siyang sumikat ay pinagbida kaagad siya sa teleseryeng Trudis Liit ng Siyete. Napatunayan na ni Jillian ang kanyang galing. May kaabang-abang pa sa kanyang pagdadalaga. Napakaganda ng mukha ni Jillian na artistahin talaga. Kahit nga si Marian Rivera ay tuwang-tuwa sa magandang mukha ni Jillian nu’ng nagkakasama pa sila sa teleserye at pelikula.

 

DOWN NA down nga ang pakiramdam ngayon ni Rosanna Roces dahil sa huling malungkot na pangyayari sa kanilang mag-ina ni Onyok dahil sa sapakan nila na naganap. Positibo ang dating ng mga sinasabi niya, na kung mayroong isang lalaki na nagkaroon ng kaugnayan sa kanya, ay ang kanyang ex-husband na si Tito Molina ang masarap isipin na kanyang balikan. Mapapansin naman kasi talaga na nu’ng panahon ng kasikatan ni Osang ay si Tito ang nasa tabi niya.

Wala na si Tito nang magsimulang bumagsak ang career ni Rosanna hanggang sa kung ano ang kasaganaan na dating mayroon ang dating sexy actress ay halos nawala na ring lahat sa kanyang buhay. Istriktong tao si Tito, pero mas may disiplina si Osang nu’ng sila pang dalawa ang magkarelasyon.

Bunga nga kanilang paghihiwalay at alitan ay nakapagsalita rin si Osang ng masasakit patungkol kay Tito. Pero talagang alam niya ngayon ang pagkakaiba ng lala-king dati niyang pinakasalan sa ibang lalaki na dumaan lang sa kanyang buhay, pero minahal niya rin.

Nu’ng nagsasama pa sina Rosanna at Tito ay nakita namin kung papaano, dahil alam na alam ni Tito na napapagod sa trabaho si Osang dahil bongga na nga noon ang career nito, ay alam na alam niya kung papaano aasikasuhin ang dating sexy star. Kung ano ang mga tamang kainin ni Osang, kung papaano dapat magpahinga si Osang, kung anong energy drink ang dapat inumin ni Osang. Inaasikaso at iniintindi talaga ni Tito si Osang, at iyon ang walang-wala sa ugali ng mga lalaking minahal din ni Osang pero nakalimutan na niya ngayon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

4 thoughts on “Ryzza Mae Dizon, mas uso kumpara kay Jillian Ward!

  1. ako gusto ko silang dalawa kasi parehas ko silang idol :) gustong gusto ngang makita silang dalawa ng personal eh pero nakita ko na si Jhyllianne C. Warde sa person. Ba’t i want to see again Jhyllianne on a personal :))))) and Ryzza Mae Dizon i want to see on a person din 

    ang wish ko is makita ko na silang dalawa ng prsonalan tlaga

    pero mag aartist din ako sa ABS -CBN

Leave a Reply

Your email address will not be published.