Ryzza Mae Dizon, excited na makita uli si Bimby Aquino Yap

Ryzza-Mae-Dizon-Bimby-Aquino-YapNAKAKATUWA SI Ryzza Mae Dizon sa Eat Bulaga. Para rin siyang si Kris Aquino sa KrisTV na wala ring tigil sa kapo-promote naman ng My Little Bossings. Panay pa ang plug ni Ryzza na magkikita na naman sila ni Bimby at ng kanyang Tita Kris sa Sabado (bukas) sa Eat Bulaga dahil grand finals din ng My Little Bossings dance craze.

Asahan na rin ang pagtatabi ng youngest loveteam sa Metro Manila Film Festival Parade of Stars sa Sunday, Dec. 22 kasama rin dito sina Bossing Vic Sotto at Kris.

Kaya rin panay ang promote ni Kris ay dahil sumosyo rin siya rito with M-Zet ni Bossing Vic, OctoArts ni Boss Orly Ilacad at APT Entertainment naman ni Mr. Tony Tuviera na siya ring producer ng Eat Bulaga, kaya bukambibig doon ang My Little Bossings.

Tulad ni Ryzza, excited na rin si Bimby na um-attend ng premiere night sa Dec. 21 sa Megamall, dahil mapapanood na rin niya finally ang pelikulang pinaghirapan niya.

At kung gagawa pa ng movie si Bimby?

“Depende sa kanya, Pare, kung gusto pa niya,” sabi naman ng stage mom na si Mareng Kris.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

3 thoughts on “Ryzza Mae Dizon, excited na makita uli si Bimby Aquino Yap

  1. Saw the trailer of this movie sa sinehan. Medyo trying hard ang style ng comedy. Walang tumatawa sa mga tao sa loob ng sinehan.

    • Agree. Gusto ko talaga itong si Ryzza Mae, she is naturally funny, hindi trying hard, very natural sa The Ryzza Mae show. Parang tinuruan ng magandang values ng parents nya. I’m a fan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.