Ryza Cenon walks out from Bulacan Santacruzan!

 

BLIND ITEM: HIWALAY na nga ba talaga ang non-showbiz parents ng isang sikat na young actress?

May nakapagtsika kasi sa amin na bagaman nakatira sa iisang bubong sina mommy at daddy ay magkahiwalay naman ito sa pagtulog. Since marami namang kuwarto sa kanilang napakalaking bahay, kasama ni mommy ang isa nitong anak o kung minsan, solo lang ito.

Pero si daddy, ang ka-join sa pagtulog ay ang kanilang aso.

But in fairness, wala namang ikinuwento na sa sobrang pananabik sa misis ni mister ay pati aso ay pinagdiskitahan nito.

“Pero mama, ganu’n talaga ang madir. Very strict. Strong kasi ang personality ni madir, kaya behaved lang with his pet si daddy!”

Pero ewan if this is true, ha? Pakikiramdaman namin.

Meanwhile, maglalaro muna kami ng “close-open, close-open”.

 

NAKAKATUWA TALAGA ANG relasyon nina Toni Gonzaga at Vice Ganda. Para silang sisters talaga. Hindi nahirapan ang Viva Concerts na kuning guest si Toni sa concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum sa July 1.

“Ay, basta si Vice, Ogie, kung kaya ko, go lang!”

Kaya naman itong si Vice, nu’ng makarating sa kanya na okay na si Toni, “Sige, sabihin mo kay Toni, ‘pag nag-concert siya, magge-guest din ako sa kanya! Love ko ‘yan, ‘no!”

Tuwang-tuwa rin si Vice nu’ng si Billy Crawford mismo ang mag-alok sa sariling i-guest sa concert niya. “Wala tayong pag-uusapan sa presyo. Gusto ko talagang maging part ng concert ni Vice,” sey ni Billy.

Ilan pa sa mga guests ni Vice sina Cristine Reyes, Xian Lim at Enchong Dee na hahataw sa dance floor with Vice.

“I assure you, patok ang concert na ‘to ni Vice,” pulso naman ng producer na si Boss Vic del Rosario. “More than half na ang ticket sold, kaya jampacked ‘yan. Isa lang ang ibig sabihin niyan, si Vice ang pinasok ng tao, hindi ang mga guests niya!”

 

MAY NAG-TEXT SA amin, ini-rereklamo si Ryza Cenon. Bayad naman daw ito sa kanilang Santacruzan sa Sta. Maria, Bulacan, ba’t daw gano’n, nag-um-attitude?

“Alam naman po niyang sagala ‘yon, tapos, kalagitnaan ng paglalakad, nag-walkout, dumiretso sa sasakyan at umalis na.”

Baka napagod?

“Napagod? Eh, alam niyang lakaran ‘yon. Hindi bale sana kung nagkakakaway siya sa mga kumakaway sa kanya, eh.  Kaso, hindi. Ang ginagawa niya, busy siya sa kate-text, kaya puro batok niya ang nakukunan ng mga nanonood sa sagala.

“Sana, next time, kung a-attitude, ‘wag na lang tumanggap ng raket na sagala. Kung sikat siguro siya, maiintindihan namin, eh. Kaso, hindi naman siya sikat.”

Oh, well, hindi naman para husgahan namin si Ryza, ha? Kung nagbabasa si Ryza, pakilinaw na lang ito para din ma-clear na ang name niya.

Mahirap ding magkaroon ng record sa mga probinsiya, baka ‘pag nabalitaan ito ng ibang taga-probinsiyang promoter, hindi na siya kunin sa mga future rakets.

 

Kung type n’yo kaming sundan sa twitter, i-search lang ang @ogiediaz at sa aming blogsite na www.ogiediaz.blogspot.com at i-like ang aming FB fanpage na “The Ogie Diaz.”

Demanding ba? Pasensiya na, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

19 thoughts on “Ryza Cenon walks out from Bulacan Santacruzan!

  1. pawang kat0t0hanan po ang cnasbe kay ryza.. Sa amin p0ng lugar xa nag reyna elena. Maganda naman ang pakikitungo sa knya.. Wla xa kundi mag text, hawak ng alalay nya ang celph0ne, walang gnwa kundi mag basa ng txt at mkpagtxt.. Kalagitnaan ng sagalahan bigla na lng umaliz ng walang paalam, tp0s sasbhin nya pinauwi na dw xa? Anlabo nya ha.. Sinungaling.. Pgktp0s nung pagtakas nya namataan na lng xa nakikipg inuman sa mga barkada nya sa republic

  2. Tamaa ka dyan Ogie nag walkout nga siya kitang kita namin! Kala mo kung sino tas habang naglalakad kami hinto pa ng hinto may na kaantabay na monoblocks tas hihinto magtetext pa! Grabe sya, yung mga dating kinuha ring artista eh di nmn ganun! sya lang talaga!

  3. Ang ginagawa niya, busy siya sa kate-text, kaya puro batok niya ang nakukunan ng mga nanonood sa sagala. —>>> NAKAKATAWA NA NAKAKAINIS ANG NAGREPORT NITO LOL. PAANO MAGTETEXT EH WALA NAMAN SIYANG DALANG CELLPHONE? HALLER!!!

  4. wew ! sana hingin nyo rin ang panig ni ms ryza para mag ka linawan kung anu ang 22o

    at sana rin yung iba jan dahan dahan sa pananalita :) .

  5. Grabe naman mag-comment yang flo na yan napaghahalata! At sana interview-hin din si Ryza para malaman ng lahat na paninira lang sa kanya ang issue na yan!

  6. ssoooo not true.. kawawa naman ung mga naniwala dito hehe.. kawawa naman si ryza.. if you want to know the truth ogie, email me.. thanks ^_^

  7. excuse me..sna naman interviewhin nio muna si ryza bago nio xa husgahan ng ganyan..cgurado ba kayong totoo yang nasasagap niong tsismis?!!!!!may picture ba kayo or what!pakita nio dito at pa explain nio si ryza para maniwala kami sa mga walang kwentang tsismis na yan..sabagay dyan naman kayo nagkakapera eh ang sirain ang ibang tao!!!!!!!!

  8. kung makapag-comment naman kayo…masyadong HARSH!!pakinggan niyo muna yung side ni ms. ryza cenon…para ma-clear ang lahat…bago kayo mag-cocomment dyan… DUHHHH!!

  9. teh may sayad ka yata, grabe namang mga salita ang iyong ginagamit FLO. below the belt na yan ah, pero di ko type yang Ryza na yan lalo na si Marian, among the GMA talents si Michael V lng gusto ko at si Aljur.

  10. KAPAL MONG HAUP KANG RYZA CENON KA,, HINDI K NMAN SIKAT N HAUP KA,,, ANG PANGET NG UGALI MONG DEMONYO,, KA,,, KAPAL NMAN NG NGIMA MUNG HAUP KANG POK POK KA…..

  11. palaos na talaga si Sarah, yan kasi masyadong naglaway kay Rayver kaso binasura din siya sa mas maganda at sexy na si Cristine

  12. yung nanay ni sarah Divine ang pangalan pero hindi bagay sa kanya, ito naman si Sarah, matanda na eh hindi pa marunong manindigan sa sarili at feeling baby eh hindi naman kagandahan, naku ewan.

  13. nagnakaw na naman ng ma chi-chikka itong si ogie sa juicy sinasabi ko na nga bat tinatamad ng magsulat itong ogie na ito. buti hindi ito nag copy-paste ng isang article gaya ng ginawa niya dati.

  14. luma na yang BI mo Ogie! napanood na namin yan sa juicy express! si sarah yang sinasabi mo, kasi close-open means sara-bukas! panis!

  15. tama ka ogie hiningan mo din ng panig si ryza pa mag explain baka nman chika lang ito ng source nyo…

  16. HALA KA KABABAYAN KO YANG SI RYZA..PROBINSYANA DIN SYA TAGA NUEVA ECIJA YAN..NENG WALA KA TALAGA MARARATING KUNG GANYAN KA DI KA MARUNONG LUMINGON SA PINANG GALINGAN MO EH

Leave a Reply

Your email address will not be published.