Ryza Cenon, suko na sa pangarap na maging big star

Ryza-CenonIBINASURA NA nga ni Ryza Cenon ang pangarap na maging big star. Tanggap na raw niya na hindi na ito mangyayari at iniisip na rin niyang layasan na ang home studio na GMA 7 para lumipat sa ibang network. Pero napag-isip-isip niya na manatili na lang na Kapuso talent at tanggapin kung anumang project ang ipagkakatiwala sa kanya.

Inamin ni Ryza na nangarap siyang magbida, pero tila malabo na nga itong mangyari. Sa edad niya ngayon, mas importante na maging successful na lang siya sa kung anuman ang ginagawa niya, tulad ng pagnenegosyo.

Nagtayo siya ng food business at kasosyo ang kaibigang si LJ Reyes. Habang naghahanap pa sila ng puwestong mapagpatatayuan ng kanilang planong negosyo ay nagsimula muna sila sa mga bazaar. Kung magtatagumpay sa negosyo, para na rin daw natupad ang pangarap niyang maging big star.

Sabi pa ni Ryza, ginawa na rin niya ang magpa-sexy at nag-pose nang super sexy sa isang men’s magazine, kung saan naging cover girl pa nga siya nito na kinagiliwan naman ng mga barako.

Kung kailangan pa raw magpaseksi at ito raw ang kailangan ng GMA o ng mga producers para sa pelikula, hindi raw siya magdadalawang-isip na gawin.

Pero pinagdiinan ni Ryza na hindi na siya rarampa sa magaganap na 100 Sexiest Women of the World fashion show. Dapat lang dahil makikinabang lang naman dito ay ‘yung nagpa-show at hindi ang mga artistang nagpauto, ‘di ba?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleArnell Ignacio at dyowang si Ken Psalmer, tigilan na raw ng bashers
Next articleJay R, ‘di talaga mananalo sa talent show dahil sa text vote

No posts to display