Ryza Cenon hurt by Aljur Abrenica’s innuendos

MARIING PINABULAANAN NI Ryza Cenon ang bali-balitang kinumpronta siya ng dati niyang co-star sa Machete na si Aljur Abrenica at sinabi raw mismo nang harap-harapan sa kanya na sila ni Bela Padilla ang dahilan kaya hindi nag-rate ang Machete.

Ayon kay Ryza, wala raw katotohanan ang nabanggit na balita. Ang totoo raw, may nagparating sa kanya ng nasabing balita. Ayaw naman daw nitong ma-ging plastic kapag sinabi niyang ‘di siya nasaktan, dahil ang totoo naman ay na-hurt siya. Ibinigay naman nila ni Bela ang 100% ng makakaya nila para mas mapaganda ang kanilang soap, tapos makakarinig ka ng ganoong pahayag mula pa mismo sa bida ng show?

Ayaw na raw palakihin pa ni Ryza ang nasabing issue, kaya naman hindi na niya kinausap pa si Aljur. Deadma na lang daw si Ryza at mas aatupagin na lang ang kanyang mga proyekto. Tapos na naman daw ang Machete, kaya naman daw ano pa raw ang rason para mag-usap sila ng hunk actor. Kabog !

HALOS ISANG BUWAN din palang magpapahinga ang mahusay na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez dahil balitang tutungo ito ng Amerika para magbakasyon kasama ang kanyang buong pamilya.

Tsika nga ng aming source, ito na raw marahil ang premyo ng mahusay na aktres sa sunud-sunod na trabahong kanyang ginawa ngayong taon, mapa-telebisyon man at mapa-pelikula ay talaga namang naging visible si Ms. Sylvia.

Kaya naman daw nag-advance ta-ping na ito ng kanyang mga regular shows like Tween Hearts na hanggang ngayon ay hindi pa rin matalu-talo ng mga katapat na palabas kahit ilang shows na rin ang itinapat dito ng mga leading networks.

HALOS TATLONG TAON daw na naghintay at nag-ipon ang young star na si Kris Bernal bago niya nabili ang kanyang first car, isang white Nissan Montero Sports, na ayaw na nitong sabihin kung magkano niyang nabili.

Tsika ni Kris, katas daw ito ng kanyang paghihirap at pagpupuyat sa taping at sa kanyang mga iniendorsong produkto. Kaya naman daw ang sarap sarap ng pakiramdam nito na sarili niyang ipon ang pinambili ng kanyang sasakyan at hindi galing sa bulsa ng kanyang mga magulang.

Next in line daw kay Kris ang pagbili naman ng bahay at lupa. Dito raw kasi gustong mag-invest ni Kris para naman daw may puntahan ang perang kinikita niya sa pag-aartista at pag-eendorso ng iba’t ibang produkto. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

9 thoughts on “Ryza Cenon hurt by Aljur Abrenica’s innuendos

  1. d naman cguro ganun si aljur minsan nag ibaiba d naman ang damdamin d ba ky kung nagawa nya yun alam kung may malaking syang dahilan!!!

  2. I feel sorry for Kylie Padilla kung totoo man na may relasyon sila ni Aljur. Noon gusto ko itong si Aljur pero nang naglabasan na ang mga nega na balita about him, parang na turn off na ako sa kanya, parang eresponsabling lalaki, ano bang klase ang pagpalaki ng mga magulang niya sa kanya?

  3. mas maganda pa nga mag drama yung Plywood naming dingding….aminin nalang sana niya na nagsayang ng limpak limpak na pera ang GMA para sa walang kuwentang acting niya kaya natsugi kaagad ang show. wag na siyang dadamay ng ibang co-stars niya dahil sa kapalpakan….he truly cannot act. First in line is yung anak ni Bisaya na parang muebles ang acting. Hanggang fantaserye lang ang alam ng acting, Marunong pang mag-emote ang coffee table namin!

  4. San naman nanggaling yang tsismis na yan? Di naman siguro yan sasabihin ni Aljur. Feeling ko walang katotohanan yan.

  5. kapal ni aljur ahhh…. kahoy na nga ang papel nya sa machete eh kahoy rin ang par-arte nya kaya wag manisi pweh

  6. para nmang bakla 2ng c aljur. Sisihin ba nman ang mga leading lady nya eh cya nman 2ng walang kalatoy latoy umarte, as in bano kaya d nagrate show nya. Buti pa 2ng c atchuete “jose” magaling pa kesa sa kanya. This site just remove my previous post! Takot ba kau? Pwe…

  7. kapal nman ng mukha ng aljur na yan! Sisihin nya sarili nya kasi bano cyang umarte walang kakwenta kwenta kaya d nagrate matchete nya! Mabute pa si pang umarte si atchuete “jose” kesa sa kanya. Pwe…

Leave a Reply

Your email address will not be published.