Ryza Cenon gustong makalaplapan si Chynna Ortaleza!

WILLING DAW GUMAWA ng isang indie film na may temang daring at sexy si Ryza Cenon, isa sa main cast ng kauna-unahang dance-serye sa bansa na Time of My Life na mapapanood na sa Aug. 1 sa Telebabad ng GMA-7.

At kahit nga raw may eksenang halikan sa kapwa babae, ready na siya basta ang kanyang bestfriend na si Chynna Ortaleza ang kanyang kahalikan. Sa sobrang close na raw nila ni Chynna, hindi na siya mahihiya rito at mas magiging kumportable siya na gawin ang nasabing eksena.

Gusto lang daw kasing su-bukan ni Ryza ang makagawa ng ganu’ng klaseng pelikula, pero kailangan daw na maga-ling ang director at maganda ang istorya, para mapapayag siya na gawin ‘yun. Pero hindi porke’t kaya na niyang gawin ang pakikipaghalikan sa kapwa babae ay mapapayag na siyang mag-pose sa mga men’s magazine, dahil ‘yun daw talaga ang hindi niya gustong gawin sa ngayon.

Ayaw raw niyang magsalita nang tapos, pero hayaan na lang daw natin sa pagdaan ng mga panahon, dahil baka isang araw ay matipuhan na rin nitong maging pabalat ng mga babasahing panlalaki. ‘Yun na!

 

MULA SA PAGIGING konserbatibo, mukhang palaban na ang ex-Survivor na si Jace Flores na kung dati-rati ay nagdadalawang-isip na mag-pose nang naka-boxers o brief. Pero ngayon daw, ready na ito basta sa isang brand ng boxers or brief na siya ang celebrity endorser.

Medyo lumakas na raw ang loob nito simula nang gumanda ang kanyang katawan dahil sa pagdyi-gym sa kanyang mga bakanteng oras. Dumating daw kasi siya sa punto noon na naumay sa pagpunta sa gym kaya pumangit ang kanyang katawan. Kaya naman daw nang bumalik ang kanyang hilig sa pagdyi-gym, muling bumalik ang ganda ng kanyang katawan.

Pero ayon kay Jace, hindi pa raw nito kayang lumabas sa isang pelikula na naka-brief, okey lang daw sa kanya ang pictorial ng isang endorsement ng underwear. Alam daw nito na darating din ang right time na handang-handa siyang mag-brief sa pelikula.

Sa ngayon daw, happy si Jace sa pagiging host ng isang show sa News TV at mas gusto nitong mag-concentrate sa pagkokontrabida kung saan siya napansin. Hindi na nga raw nito pinapangarap na magbida sa soap, pero kung mabibigyan daw siya, buong-puso niyang tatanggapin.

 

HALOS SA SASAKYAN na raw natutulog ang isa sa busiest young star ng TV5 na si Meg Imperial na marami ang nagsasabing malaki ang pagkakahawig kay Marian, pero hindi sa ugali, dahil sobrang sweet at bait daw ni Meg kumpara kay Marian na linggu-linggo na lang yata ay may kaaway.

Apat kasi ang regular show ng magandang teen star kung saan napapanood ito mula Monday to Friday sa primetime series na The Sisters at tuwing Sabado naman sa Hey, It’s Saberdey!, sa Bagets, at ka-join din ito sa Pidol’s Wonderland.

Pero kahit nga halos araw-araw na nagtatrabaho si Meg, okey lang daw sa young star, dahil ang mahalaga raw rito, hindi siya nababakante sa trabaho. Alam daw kasi nito na marami ang walang trabaho at gustung-gustong magkaproyekto pero hindi pinapalad na magkaroon. Kaya naman daw 100% ang ibinibigay niya sa bawat proyektong meron siya nang sa ganu’n daw ay hindi siya mabakante at laging bigyan ng TV5 at Viva Entertainment ng projects.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Ryza Cenon gustong makalaplapan si Chynna Ortaleza!

  1. talagang kinorek ng bongga ang pagkakatulad ni meg and marian..take note of this..magkahawig ang mukha hindi ng UGALI

Leave a Reply

Your email address will not be published.