Ryan “downloaded” with Judy Ann!

OVERFLOWING PA RIN ang kaligayahan ng bagong mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos nu’ng humarap sa kanilang mga bisita sa post-wedding dinner nila for their extended friends from showbiz and non-showbiz na hindi naimbitahan sa mismong araw ng kasal nila sa San Juan, Batangas last Tuesday. Pero s’yempre nandu’n pa rin ang kanilang respective relatives and family. Kasabay naming pumasok ng Le Souffle kung saan ginanap ang selebrasyon, ang manager ni Judai na si Alfie Lorenzo.

Judai wearing a baby blue chiffon gown na may flower design sa likod ng gown na gawa ni Paul Cabral. Habang guwapong-guwapo naman si Ryan sa kanyang black suit na gawa ni Jerome Lurico. Ipinakilala kami ng butihing ina ni Judai na si Mommy Carol sa kanyang mga kapatid na naka-scattered around the world at umuwi ng Pilipinas para sa wedding ng pamangkin nila kay Ryan. Kahit magkakalayo ang magkakapatid, nagkakaroon ng reunion every year sina Mommy Carol at mga kapatid niya. This time, itinaon na nila sa wedding nina Ryan at Judai.

Nagkahiyawan naman ang grupo ng selected few members of the entertainment press na naimbitahan sa wedding nu’ng kumpirmahin ni Ryan na right after nilang mag-brunch (breakfact/lunch), nakapag-download (bagong term for sexual relationship) na agad si Ryan kay Judai. Pero nakatakdang umalis ang mag-asawa on May 10 papuntang Boracay hanggang May 16 for their Honeymoon. Gagamitin nila ang wedding gift sa kanila ng ABS-CBN CEO na si Mr. Gabby Lopez na stay sa Shangri-La Hotel sa Boracay. Doon na rin magse-celebrate ng kanyang birthday si Judai on May 11.

Parehong inamin ng newlyweds na gusto na nilang sundan si Yohan. Gusto ni Ryan na bigyan na ng kalaro na baby brother si Yohan. May naisip ng pangalan si Ryan sa magiging baby boy nila ni Judai, pero gaya ng wedding nila, secret pa rin daw muna ito.

Napag-alaman naman namin mula kay Mommy Carol na nagpatingin na para sa kanyang personal OB-Gyne si Judai. Ang OB-Gyne ni Judai ay siya ring doktora ng kaibigan niyang si Gladys Reyes. Ayon daw sa OB-Gyne ni Judai na kung gusto raw talaga niya na magka-baby agad, kailangan niyang makapagpahinga nang mabuti.

Kinumpirma naman nina Mommy Carol at Ryan sa amin na kapag naaprubahan na ng korte ang adoption paper ni Yohan kay Judai, saka naman nila aayusin na maampon legally ng bagong mag-asawa. So, from Johanna Louise Santos, magiging Agoncillo na rin si Yohan tulad ng Mommy Judai niya.

Kwento pa ni Ryan, nag-share sila ni Juday sa gastusin sa kanilang wedding. May pagkakataon daw na tseke niya ang ginamit sa pambayad at meron din daw mula kay Judai. From Batangas after their wedding, tumuloy muna ang dalawa sa bahay ng mga magulang ni Ryan sa Parañaque. At doon mas grabe raw ang lumabas na luha kay Ryan nu’ng makita niyang yakapin ng Mommy niya si Judai nang mahigpit for ten minutes sa kanilang kitchen. Dito raw mas sobrang na-touch si Ryan kesa nu’ng kasal nila.

Hindi pa raw kasi tapos gawin ang bahay nila sa south kaya doon muna sila umuwi. Pagbalik nila from Boracay malamang daw, puwede na silang tumira roon ni Judai. As of this early, nagpaplano na rin si Ryan na bumili ng malaking bahay sa Batangas malapit sa dagat. Dito raw niya feel talaga na maging bahay nila ni Judai. ‘Yung bago raw nilang bahay sa south ang maiiwan para sa mga anak nila ni Judai kapag nag-aaral na ang mga ito.

Ni-reveal din ni Ryan for the first time na true ang nabalita noon na nagplano rin siyang pakasalan na si Judai right after niyang mag-propose rito. Dapat daw, ikinasal na sila nu’ng December 30, pero dahil sa sobrang nalasing sila ni Judai nu’ng December 29, kaya hindi sila nagising kinabukasan at naudlot ang kanilang original plan for their wedding day.

To Ryan and Judy Anne (ito ang totoong name ng aktres), best wishes and congratulations!

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

7 thoughts on “Ryan “downloaded” with Judy Ann!

  1. ay napansin jo ren. Bakit kaya? eto bang si Ryan na ‘to eh d bakla. Mas feminine ang dating niya ksa kay Judai. Opinyon lang po wag magalet Lol.

  2. congrats to the newly wed. i dont like judai as an actress pero bumilib ako sa kanya dahil sa kabila ng kasikatan nya e simple lang ang pangarap nya. bihira ang sikat na artista na gusto ang simpleng wedding at halos walang media invited.

    cheers for the newly weds.

    P.S.
    Pero sana mag na masyadong ipakita sa TV kasi puro na lang sila e. Overrated na.

  3. TOTOO ba ang balitang nagkalat na quiapo ang sex video nina ryan at judai? may bumibili naman kaya?

Leave a Reply

Your email address will not be published.