Ryan Agoncillo, pagbabanggain ang winners ng Talentadong Pinoy!

NAG-ATTEMPT KAMING KUNIN ang panig ni Shaina Magdayo hinggil sa naglalabasang intriga tungkol sa break-up nila ni John Prats at pagkaka-link din kay John Lloyd Cruz pero tumanggi ang young actress. Ayaw umano ng road manager niya na mag-entertain siya ng mga interviews. Gustuhin man daw niya, hindi raw talaga umano puwede hangga’t walang permiso ito.

Tuloy, si Vina Morales na lang ang hiningan namin ng reaksiyon hinggil sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang kapatid. Tingin daw naman ng actress-singer na isa sa cast ng bagong fantaserye ng Dos na Agua Bendita, hindi apektado si Shaina.

“Kasi she’s very strong. She’s strong for her age naman talaga. And she knows kung ano ang pinasukan niya ngayon.

“Alam niyang marami talagang magiging intriga kapag artista ka. Sinabi ko ‘yan sa kanya noon na, ‘you have to be ready.’ Dumaan din ako diyan.”

Broken-hearted nga raw talaga si Shaina ngayon?

“I know that they broke-up ni John Prats. But you know, John naman is very dear to us… to our family. And even sa pamilya rin niya. It’s sad to know na nag-break sila.

“Alam mo naman, ganyan talaga. Mahirap manghimasok pagdating sa lovelife ng kapatid ko, ‘di ba? Nandito lang kami to support her. Pero para panghimasukan, out na kami diyan.

“’Yong pagkaka-link naman ni Shaina kay John Lloyd (Cruz) tsismis lang naman iyon,” natatawang sunud-sunod na pahayag ni Vina.

Ang isa pang isyu kay Shaina ngayon, dahil diumano sa sobrang depression ay nagiging lasengga na raw ito.

“No. Diyos ko! I also drink. Sino ba naman ang hindi umiinom occasionally?

“Sinabi ko nga sa kanya, marami pang lalabas na negative. At tawanan na lang niya iyan. Sabi ko rin sa kanya, just enjoy life at ‘yong pagkabata niyang ganyan. You know, mabilis ang panahon. So being her sister, it’s okay to go out. She also has to enjoy and socialize.

“Kasi she tapes also thrice a week. Ni hindi na nga halos siya nakakalabas. So, bakit may lumalabas pa ring mga gano’n?  Nakakatawa lang, actually,” aniya pa.

AKALA NAMIN, deadma na ang TV5 sa mga nanalong hall of famers ng Talentadong Pinoy. Kasi sa hanay ng mga ito, tanging ang puppeteer na si Wanlu lang ang nabigyan nila ng regular TV show which is Kiddie Kuwela.

Mukhang may plano rin nga ang pamunuan ng nasabing network sa iba pang big winners ng nabanggit na number one talent show. Ibinabalik nila ngayon ng lahat ng hall of famers to compete sa Battle of the Champions ng Talentadong Pinoy happening this March.

Kaya pala isa-isa na namang naggi-guest ang mga hall of famers na ito sa nabanggit na show. Nauna na si Omar, The Ladder Balancer last week. This Saturday naman, February 6, ang guwapong bagets namang si Joshua Davis aka Yoyo Tricker muling magpapakitang-gilas. Kasunod nito ay ang iba pang kinabibilangan nga ni Wanlu, ng Far East Acrobats, Tribal Dancer, Leah Patricio, at si Makata-Tawanan. Plus isa pa kung sino sa mga wildcards ang susuwerteheng manalo at ikawalong papasok sa tinatawag ngang Battle of the Champions.

Lahat sila, magagaling sa kani-kanilang talents. Pero ang lumalabas kasing paborito ng nakararami ay ang Yoyo Tricker na si Joshua. Bukod kasi sa mga nakakabilib niyang yoyo tricks, guwapo pa. Sabi nga, konting pagpapayat lang, puwede na rin niyang pasukin ang pag-aartista at makipagsabayan sa iba pang sikat na teen idols ngayon ng bansa.

Right now, ang balita namin ay todo na raw talaga ang effort nitong si Joshua na magdiskubre pa ng mas kahanga-hangang yoyo tricks. Sasampolan nga raw niya nang bonggang-bongga ang viewers this Saturday sa guest niya sa Talentadong Pinoy.

Lalo na raw kapag nagsimula na ang battle of the champions this March.

For sure, excited na ngayon pa lang ang kanyang mga tagahanga. Sa totoo lang kasi, it’s only him that could amaze everyone pagdating sa mga yoyo tricks.

Nakabibilib talaga. To think na he’s only 14, huh!

Siyanga pala, sa dumaraming fans niya who wanted to know more about him, you may visit his yahoo acconts: yoyotricker@yahoo.com or yoymaster@yahoo.com.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.