Ryan Agoncillo, obsessed not with Judy Ann Santos!

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes! Now na!!!! Don’t make your Monday a blue Monday… yes dahil Monday na Monday, dapat fresh na fresh ang mga chikka dahil fresh na fresh na ako from beauty rest, ‘di ba?

At siyempre, nagpapasalamat ako sa lahat ng nagdasal, dumalaw, at tumulong sa ‘kin. Kung wala kayo, hindi bibilis ang recovery ko.

At speaking of buhay, sabi nga ni Joey de Leon na buhay na buhay pa ako at alive and kicking pa ang beauty at nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi pa rin niya nakakalimutan ang isang Tita Swarding… pakkkkkkk!!!!!! Thank you and mabuhay kayong lahat!

AYAN DUMAKO NA tayo sa mga intrigang nakakaloka at ayaw tantanan dahil super intriga ngayon si Senator Chiz Escudero dahil may mga bali-balitang hiwalay na siya sa misis niya at ang intrigang mga nali-link sa kanya. Before ay sina Kris Aquino at Pops Fernandez… hmmm… keme! Ngayon ay may bago raw at ayaw pang ilantad, dahil ayon sa isang reliable source, may isang very pretty lady na siyang posibleng apple of the eye raw sa ngayon, at hiwalay kuno sa kanyang asawa.

Hmmm… ang masasabi ko lang dito, hindi pa eleksyon ay iniintriga na naman nila si Sen. Escudero. At ang pagkakaalam ko ay mabait ang pamilya ng mga Escudero at stick to one like a bubble gum kung mag-handle ng isang pamilya… kaya ‘wag muna silang intrigahin dahil wala pang election.

AT HETO NAMAN ang magandang balita, dahil napakabuti pala talaga ni Ryan Agoncillo. Mabait pala ito sa mga fans at napakagaling pala nito sa drifting ng isang kotse. Ito pala ang pinagkakaabalahan niya ‘pag hindi sila magkasama ni Judy Ann Santos. Kaya naman wala akong masasabi sa family nila, go lang sila sa mga luho at nagkakaintindihan naman daw sila.

Hmmm… basta walang babaeng involve, ‘di ba? Tama ka d’yan!!! At siyempre nagpapasalamat si Ryan Agoncillo lalo na sa mga sponsor ng kanilang event yesterday. Isa na roon ang Anzahl car paint na talagang sumuporta sa event at siyempre, hindi nawawala ang mga naggagandahang model ng Ola Chikka Productions.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong aktor na ito na talaga namang kaya hiniwalayan ng kanyang ex-girlfriend ay kiss and tell siya? Sinasabi niya o ibinubulgar niya ang mga nangyayari sa kanila.

Hmmm… masamang pangitain ‘yan. Baka naman may malansang amoy ‘yan… eh, ‘di ba napabalitang bading si hunk actor? Hahaha! Nakakaloka! Kaya ayaw na siyang balikan ng ex-gf niya. ‘Yun na!

Kaya naman para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn  at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Ryan Agoncillo, obsessed not with Judy Ann Santos!

  1. @bad romance, wow, ba’t ang dali mong nahula ito? Totoo ba talaga na si Luis Manzano ito? Paano mo nahula kasi binasa ko at para yatang walang clue. Hindi ko yata nahulaan ito. Akala ko si Deniis Trillo itong Blind Item.

Leave a Reply

Your email address will not be published.