Ryan Agoncillo, gustong personal na humingi ng tawad sa nakaalitan sa trapik

PINUPURI KO si Ryan Agoncillo sa pagiging humble niya, at humingi ito ng paumanhin sa taong nakainitan niya sa kalye nang pauwi na ito kasama si Judy Ann Santos.

Sa presscon ng My House Husband ko na lang nalaman ang tungkol sa nangyari sa kanya nu’ng nakaraang linggo, kung saan meron daw may isang van na nag-cut sa kanya bigla.

Bago kasi ang sportscar na dala ni Ryan at wala pa nga itong plate number. Kaya natakot siya baka isa lang daw ito sa mga modus operandi na nababalitaan niya.

Hindi na kasi bago ang ganu’ng drama na igigitgit ka, o ika-cut ka, pagkatapos nu’n makakainitan mo, na ‘yun pala nanakawin na ang kotse mo.

Kaya nu’ng na-cut siya, hinabol niya at nag-cut din siya sa van na ‘yun para kumprontahin kung bakit ginawa ‘yun sa kanya.

Pero nag-iingat din daw siya at baka nga may masamang balak sa kanya dahil hindi lang pala isang kotse ‘yun, kundi mga apat yata na magka-convoy.

Nabigla na lang daw siya nang sinigawan daw siya ng isa sa mga sakay ng sumusunod na kotse na meron daw dalawang taong batang sakay sa van na na-cut niya.

Pagkatapos nu’n, nagpakilala raw ang isa sa mga sakay na reporter daw siya sa Phil. Daily Inquirer.

Nag-sorry raw siya agad doon pero sinusundan pa rin daw siya. Aminado naman si Ryan na may pagkakamali siya kaya nag-sorry na nga ito.

Kaya lang kung anu-anong panlalait na ang inabot ni Ryan sa Twitter at sinulat pa ito sa Inquirer.

Tama naman daw ang nasulat pero may kulang daw dahil nag-sorry naman daw siya.

Kaya nu’ng na-interview ito ng Startalk sa presscon ng My House Husband, paulit-ulit na nag-sorry ito. Sana nga raw magkita uli sila nu’ng taong ‘yun, para personal daw siyang makahingi ng tawad.

Humingi rin ng paumanhin si Judy Ann, pero sana huwag naman daw silang palabasing masama dahil aminado naman daw silang nagkamali ito. Nagduda lang daw talaga si Ryan na baka may masamang gawin sa kanila ni Juday.

Sabi naman ni Juday, “Sa amin lang, pasensya na po kung kayo ay nabuwist nu’ng panahong ‘yun. Pero kami mismo ay natakot din, hindi natin alam baka mamaya tinitiktikan lang ang sasakyan mo, or napagtripan kaming harangin. Ang daming tumatakbo sa isip ko eh.
“Sana sa susunod bago maglabas ng mga ganu’ng balita, ‘yung alamin na po muna ang buong istorya. Kasi parang, ang lumalabas ‘pag artista ka, mayabang ka. Hindi naman po. Sorry… sorry.”

 

NAGSIMULA NANG mag-shooting si Rhian Ramos sa pelikula nito sa GMA Films na Contravida Girl.

Parang wala lang nangyari at tuloy pa rin daw ang trabaho nito dahil suportado ito ng GMA-7 sa pinagdaanan niya.

Kasama ni Rhian dito si Aljur Abrenica at bale Valentine’s presentation ito ng GMA Films.

Sana makalimutan na ang isyung ito ni Rhian bago mag-showing ang pelikula niya, dahil talaga namang mahirap itong pinagdaanan niya.

Tuloy rin ang pagsasampa niya ng demanda laban kay DJ Mo at pati ang buong pamilya nito dahil sobrang nasira sila sa pangit na isyung ‘yun.

Isa lamang daw ito sa pangha-harass ni DJ Mo sa kanya, kaya dapat lang na masampahan daw nila ito ng kaso.

Kaya lang nasa Amerika na si DJ Mo, at ewan ko kung itutuloy nga niya ang pagbalik dito bago mag-Pasko.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Ryan Agoncillo, gustong personal na humingi ng tawad sa nakaalitan sa trapik

  1. haha! di pwede ang katapangan dito sa u.s. niyan dahil sabog agad ang utak mo. Meron nga dito nagkatinginan lang ng masama sa freeway, binaril agad sa ulo.

  2. Kung nagkataong ako yung reporter, puking ina sigurado nagmumog ng dugo sakin yan si ryan. Sa ospital magpapalipas ng magdamag yan.

  3. mga reporter talaga mas abusado pa sa pulitiko mga yan, pagmamalaki nila madami sila kuneksyon mga ulol ang yayabang sana makahanap kayo ng tulad ni jason ivler at ng matauhan kayo

  4. Nang malamang convoy pala yung mga sasakyan, umurong ang badudles ni Ryan. Sya pa ang nag-sorry. Hinabol pa kasi, sana umiwas na lang kung akala nila may masamang intensyon ang nag-cut sa kanila. Hay kayabangan talaga, porke artista.

Leave a Reply

Your email address will not be published.