Ryan Agoncillo, ‘di raw trabaho ang kanyang TV sitcom tuwing Linggo

Ryan Agoncillo

Ryan Agoncillo

Hindi trabaho kung ituring ni Ryan Agoncillo ang kanyang lingguhang taping ng widely followed na Sunday sitcom ng GMA, ang “Ismol Family”. To say the least, ang kanyang real-life role as a father has helped him to effectively play his role bilang Jingo.

In fact, masayang ibinahagi ni Ryan Agoncillo na masaya siya sa show na ito dahil sa mga bagay na kanilang napag-uusapan every episode. Naging isang pamilya na rin kasi sila sa set with their bonding moments lalo’t  magse-celebrate na sila ng kanilang ikalawang taon this June.

“I think it’s simply fun. The script has been very playful, pero straightforward pa rin. Kumbaga sa apat na parts ng story, mabilis ang mga nangyayari. So, masasabi kong it’s a family brick. Simple, fun, and the humor is very inclusive. Hindi lang pambata kundi pampamilya, kaya masaya,” sabi ni Ryan.

 

ISA NA namang must-watch this 9 p.m. Friday ang ikaanim na edisyon ng “Happinas Happy Hour”. To open the comedy variety show ay ang tagisan sa pole dancing nina Tuesday Vargas at Kim Idol kasama ang tinaguriang Fabulous Girlfriends.

Mga bagong fun games namang titillate the audience tulad ng ‘Tongue In a New…Plate’ kung saan the two competing teams lick the chocolate icing off the plates to reveal the mystery letters. Nariyan din ang ‘Guess, Guess Show’, a wackier version of the board game Taboo. Bride-to-be Rufa Mae Quinto leads the ‘Dikit To Win It’ contestants.

Kakaibang prank naman ang hatid ni Maria Ozawa in ‘Gusto Mo ‘Sang Kiss?’ na lalahukan ng mga kalalakihang kailangang buhayin ang dugong may pagnanasa.

Isang caller sa katauhan ni Martin Escudero asks for advice from real-life sex columnist Abby Poblador in the latter’s ‘Text-Talk with Abby’. Samantala, Roxee B takes the hot seat in ‘Maboteng Usapan’.

All this and more sa masaya at riot na “Happinas Happy Hour”!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.