Ryan Agoncillo, ‘di nagmamadaling mabuntis ulit si Judy Ann Santos

Judy-Ann-Santos - Ryan-Agoncillo Ryan-Agoncillo- Judy-Ann-SantosKUNG SI Ryan Agoncillo ang tatanungin, there’s no rush as far as siring another child is concerned, hindi nga lang daw sila nakakatiyempo ng asawang si Judy Ann Santos kahit, “Ang lamig ng panahon, eh!”

Although the couple does not have an ideal number of kids in mind, “Mas maganda nga kung sa susunod, eh, kambal agad!” Sa ngayon, kapwa nila ine-enjoy ang mga anak na sina Yohan at Lucho despite being working parents.

Buti na lang, Ryan is able to spend as much time with their children. Tuwing Monday lang kasi ang kanyang hosting job sa first ever general knowledge game show na Picture! Picture! kung saan, “Ang bilis lang kung mag-taping kami. We normally tape two episodes which takes about four hours. Pero nu’ng Christmas rush, nagtatatlong episodes kami.”

Already at home with hosting, kakaibang “high” raw ang naibibigay kay Ryan ng nasabing programa na pumapalo ang ratings sa Mega Manila. A photography buff, bago raw magsimulang gumiling ang kamera ay si Ryan muna ang naglalaro in the privacy of his dressing room.

Bilang gimik sa Season 2 ng Picture! Picture!, isasama na rin sa  set ng picture-aided questions ang ilan sa kanyang mga larawan ni Ryan na nasa Instagram or in his personal archives. He sampled us of the photos taken by Judy Ann, kung saan in their house clothes ay nakatalikod na naglalakad ang mag-amang Ryan at Lucho.

Samantala, ang mga maglalarong celebrity contestants bukas ay sina Joey Marquez, Ethel Booba, Carl Guevarra at Roxanne Guinoo. Will one of them finally become richer by half a million pesos? Abangan bukas, alas sais ng gabi sa GMA.

 

MULA SA nakasanayan na ring Saturday showbiz fare ay araw-araw nang matutung-hayan (nagsimula noong January 20, Lunes) ang programang Showbiz Police sa TV5.

Kung maihahambing ang Showbiz Police sa isang maritime vessel, it proudly sails across the sea as M/V Cristinelli.  After all, ang tunay namang kapitan ng barko ay ang beteranang kolumnista at TV host na si Cristy Fermin.

Lulan nito ang mga pasaherong maaari nating ihambing sa mga manonood na uhaw sa pinakasariwa’t pinakamaiinit na showbiz intriga para maaliw habang naglalayag.

Si Cristy ang tagapaghatid ng mga major one-on-one interview sa mga artista who are in the proverbial eye of controversy, samantalang ang respetado’t multi-awarded film director na si Joey Reyes ay nakatoka sa mga personalidad at pelikula which is a task right up his alley.

Sinangkapan din ang Showbiz Police ng elemento ng moda, as in who’s in and who’s out sa segment nina Divine Lee at Raymond Gutierrez na Stylish, Style-less. Si MJ Marfori naman  ang galang rumarampa sa mga paboritong hubs at events places ng mga artista who does her thing the paparazzi way.

Siyempre, ang indispensable ingredient ng programa ay ang mga blind item ni Shalala, it also involves the citizenry in its man-on-the-street random surveys on current yet interesting showbiz issues.

Sabi nga ng kaibigang Cristy Fermin, oras at araw lang ang nagbago sa kanilang programa, hindi ang init at tapang ng laman nito. Mula alas kuwatro hanggang alas kuwatro y medya ng hapon na mapapanood ang Showbiz Police…and you’re under arrest!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Ryan Agoncillo, ‘di nagmamadaling mabuntis ulit si Judy Ann Santos

  1. beautiful n admirable couple tlaga ang 2 to…wglang sana masira balang araw ngmga intriga sa showbiz e tyak na mgtatagal pa cla…keep it up juday n ryan!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.