Ryan Agoncillo, curious pa rin sa pag-arte

Ryan-AgoncilloPROGRAM CONTRACT lang ang pinirmahan ni Ryan Agoncillo sa GMA, so it cannot be said that the TV host is a 100% certified Kapuso star lalo pa’t balitang ibabalik ng TV5 ang talent search na Talentadong Pinoy which he hosted for several seasons.

Sa ngayon, eksaktong one season o 13 weeks na ang nai-tape ni Ryan for his Saturday show, ang Picture! Picture! As per contract, dalawang seasons nito ang kanyang pinirmahan.

This does not mean, however, that Ryan will cross back to TV5 after his GMA stint. Niluluto kasi ng News & Public Affiars ng GMA ang isang health program para kay Ryan, a show which he believes is right up his alley.

Even young-looking at that, Ryan realizes the importance of being health-conscious. Kuwento niya sa tuwing nakaka-bonding ang kanyang mga kaeskuwela, “Kapag nagre-reunion kami, wala kaming pinag-uusapan kundi, ‘O, may maintenance ka na ba?’ Eh, sa talagang at our age, we should all the more give importance to our health.”

Samantala, aminado si Ryan that hosting is what he does best and loves most although nasa acting din ang kanyang puso. Married to a topnotch actress, bilib daw si Ryan sa talento ng mga actor tulad ni Judy Ann Santos, “Until now, even if I’ve done a handful of movies, curious pa rin ako sa acting that I’d like to be able to do it well.”

Samantala, sino kaya kina Isabel Lopez, Osang Soliven, Sef Cadayona at Katrina Halili will become richer by half a million pesos in yet another suspense-filled edition of Picture! Picture! tomorrow?

Of the four, pinakakilala namin siyempre ang smartness ni Isabel, so would this former beauty queen go home with the jackpot prize? Napaka-intense naman kasi ng bawat round sa kauna-unahang general knowledge picture-aided game show na ito with all four players  outcompeting each other.

 

Bobitang aktres, takot magpainterbyu sa Ingleserang actress-TV host

 

BLIND ITEM: Promo period ‘yon ng isang forthcoming soap, natural, obligado ang lead actress nito na galugarin ang mga show ng network. Isa roon ay isang live show, kung saan the original plan was to make the actress appear at a sit-down interview by a TV host-actress.

Agad ipinaalam sa manager ng aktres ang plano, pero agad itong nag-decline.

It’s the actress who seems to avoid any direct encounter with the TV host. Now we realize na hindi dahil sa kanilang iringan noon ang dahilan ng pagtanggi ng aktres na mainterbyu siya ng TV host.

Inglisera at matalino ang TV host, samantalang woman of form—and not of substance—lang ang aktres.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.