Ryan Agoncillo, ayaw pang kumpirmahin ang pagbubuntis ni Judy Ann Santos

Ryan-Agoncillo-Judy-Ann-SantosHINDI NAMAN siguro totoong buntis na si Judy Ann Santos, although hindi ganu’n kalinaw ang sagot ni Ryan Agoncillo nang tinanong namin ito nang mag-guest siya sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Sabi lang niya, hindi pa raw. Wala pa raw silang solidong pinanghahawakan, kaya hindi pa raw niya masasabing nakabuo na sila uli.

Pero ang narinig namin, ilang beses na raw na-pack-up ang taping ng Bet On Your Baby dahil sa kailangan daw ni Judy Ann ng bed rest.

Sabi naman ni Ryan, hindi naman daw bed rest talaga. Basta pinapag-rest lang daw.

Pero nu’ng nakaraang Sabado naman, nasa stageplay si Juday kasama ang anak nilang si Yohan at mukhang okay naman.

Basta pinapag-relax lang daw ito ng doktor, pero hindi pa nila masabi kung ano talaga ang dahilan.

Feeling ko buntis nga, pero hindi pa nila ma-confirm kaya pinapaghintay lang.

Kasi ‘yun dapat ang i-announce ni Ryan sa presscon ng Picture Picture niya, pero hindi naman natuloy dahil mabuting ma-confirm nga ng kanilang doktor.

Kaya wala pa talaga silang masagot kung ano talaga ang tunay na kalagayan ngayon ni Judy Ann.

Pero sana matuloy na ang pagbubuntis niya, dahil matagal na rin naman daw nilang hinihintay ‘yan.

Kahit nga raw ang bunso nilang si Lucho ay gusto na raw maging kuya, kaya sana nga makabuo na sila ngayon. Saka sabi ko nga kay Ryan mas maganda siguro si Juday na naghu-host ng programa niya na buntis na buntis.

Judy-Ann-Santos-Ryan-Agoncillo

CONGRATULATIONS PALA sa amin at sa lahat ng bumubuo ng Startalk dahil ito ang nanalong Best Showbiz-Oriented Talk Show sa nakaraang Star Awards for TV na ginanap sa AFP Theater nu’ng nakaraang Linggo.

Naloka nga ako nang pinadalhan ako ng Certificate ng nomination dahil nominado raw ako sa Best Female Host. Eh, wala naman akong ginawa du’n kundi ang bumati nang bumati. Kaya sabi ko nga kung mananalo pa ako du’n, mawawalan na talaga ng credibility ang PMPC. In fairness naman kay Cristy Fermin, siya naman ang may karapatan sa award na ‘yun kaya tama namang manalo siya.

Congratulations na rin sa GMA 7 sa pagkapanalo bilang Best Station, pero ka-tie ang ABS-CBN 2.

Wala yatang mga top executives ng GMA 7 ang dumating kaya si Kuya Germs ang tumanggap.

Pero ang pinakamasaya nu’ng gabing iyun ay si Marian Rivera dahil siya ang winner bilang Best Actress for Drama sa magaling niyang pagganap sa Temptation of Wife.

Nominated din siya sa Asian TV Awards kaya lalo siyang na-inspire at nakumbinse na rin ni Dingdong Dantes na dumalo sa Asian TV Awards sa Singapore.

Alam ko, sa December 5 na ang awarding nito na gagawin sa Singapore, at excited si Marian na dumalo na sabi nga niya pupunta raw siya roon para ma-experience lang. Walang expectation na manalo. Masaya na raw siya sa nominasyon pa lang.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Ryan Agoncillo, ayaw pang kumpirmahin ang pagbubuntis ni Judy Ann Santos

  1. Bilib nman ako k lolit bati queen…as knya na mismo nggaling na diza dapat tlaga manominate dhil wala nman tlaga ginagawa run kundi bumati at mg ty Samga sponsors nyng pinagkkaperahan nya…Yang pmpc nyn e wala nman tlaga credibility yan..puro mga bayaran LNG mga yan noh…

  2. wala naman talagang karapatan manalo si lolita noh! parang hindi naman siya nagho-host, puro bati lang alam ng bruhang yan hahahahahahaha! impaktaaa!!!

    • I admire Lolita’s humility dahil hindi siya assuming. To think na pwedeng pwede siyang manalo as showbiz talkshow host dahil may sense of humor siya at hindi nakakaantok, di tulad ni PAMBANSANG PANGA Toni Gonzaga o kaya ni Charlene. Hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.