Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, mas gugustuhing normal ang paglaki ng mga anak

NAGSIMULA NANG MAG-SHOOTING si Nora Aunor sa pelikulang El Presidente na pagsasamahan nila ni ER Ejercito.

Sa totoo lang, kung hindi dahil kay ER hindi natuloy itong pagbabalik ng Superstar sa atin.

Kuwento nga ng mga nandu’n sa shooting, medyo may kahigpitan doon sa location dahil sa dami ng mga taong gustong makita ang Superstar.

Pero impressed daw sila kay Guy dahil on time ito dumating at wala silang kaproble-problema sa set.

Sa takbo ng mga pangyayari, mukhang magtatagal pa rito si Guy dahil sunud-sunod ang offer sa kanya bukod sa pelikulang ito at ang gagawin niya sa TV5, may alok pa si Mother Lily na isang pelikula sa kanya.

Mababalitaan naman natin kung ano ang susunod na mangyayari dahil talagang sinusubaybayan pa rin hanggang ngayon ang Superstar.

 

TALAGANG PINILIT NILANG magsimulang mag-shooting nu’ng Lunes, dahil August 8 kasi. Baka suwerte nga ang 8-8, kaya kung ‘yun ang araw nang pagsisimula ng shooting ni Nora sa El Presidente, ‘yun din ang first shooting day ng pelikulang My House Husband nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Sinadya ng Startalk ang first day shooting nila sa Marikina, at siyempre pinagkaguluhan sila du’n.

Ang laki na nga nang ipinayat ni Judy Ann dahil sa Cohen diet niya. Naayos pa rin daw nila ang schedule nila, pero natutuwa sila kay Direk Joey Reyes dahil madalas early roll daw iyan, early pack-up din.

Sinisikap pa rin nilang makauwi sila nang maaga para makasama pa rin nila ang kanilang mga anak na sana gising pa ito.

Excited si Judy Ann sa pagkuwentong ang laki-laki na raw ngayon nang ipinagbago ng anak nilang si Baby Lucho.

Ten months na pala ito at kuwento niya, lalong naging kamukha raw ni Ryan.

Hinihintay na lang daw nila na marunong na itong maglakad para makita nila kung paano ito maglikot nang husto.

“Gusto ko kasing makita ko na ang ugali niya, kung paano siya maglikot dahil ngayon pa lang, napakalikot na talaga. Paano na kaya kapag naglalakad na ito?” pahayag ni Judy Ann.

Hindi pa raw nila iniisip kung ano ang gagawin nila sa first birthday ni Baby Lucho, pero gusto raw nila na may participation ang anak nilang si Yohan sa paghahanda para maramdaman daw niyang may responsibility siya sa paghahanda sa birthday party ng kapatid niya.

Sa ngayon, wala pa raw siyang maiisip kung anong klaseng party ito. Kapag malapit na raw, saka siya mangangarag.

Tinanong na rin ang mag-asawa kung payag ba silang may participation sa pelikula nila sina Yohan at Baby Lucho.

“Siguro laruan na lang namin sa set,” birong sagot ni Ryan.

As much as possible, ayaw nilang mag-artista ito dahil gusto nilang normal ang takbo ng buhay na makapagtapos nang pag-aaral.

Naku! Panoorin n’yo na lang sa Startalk ang buong panayam namin sa mag-asawang Ryan at Juday.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, mas gugustuhing normal ang paglaki ng mga anak

  1. I really like juday and ryan.normal lang sa mag asawa ang selosan at minsanang awayan or tampuhan. sikat c juday of course kailangan nilang protektahan ang mga anak nila. Ang ibang artista nga pinagdudulan ang mga anak nila para ma feature lang sa news or makita kaya sa tv, may care ba mga reporters Ronnie?  di ba wala kasi di sila sikat ! Ganun llang yunDami kaya halos nkasabayang nanganak ni  juday.

  2. nakukornihan ako sa mga artista na mga walang kawawaan ang mga pinagsasabi at sobrang OA sa mga press release tungkol sa pamilya eh sa totoo naman , madalas silang nagaaway sa loob ng bahay, i hate philippine showbiz, puro kababawan!!!!

  3. Oo nga mga mukhang pera yang mag asawang yan. Tapos lagi daw nag aaway dahil sa selos. Naku mukha ngang totoo ang mga blind items na may jowang iba itong si Ryan at tinabangan na kay juday.

  4. Maarte ang maasawang yan, kunwari ayaw pakita sa public ang mukha ng anak nila, iyon pala bibigay rin dahil sa pera….. In short O.A.

Leave a Reply

Your email address will not be published.