Ryan Agoncillo, ander de saya?!

IT WAS A blast talking to Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo when they guested on The Buzz. Juday and Ryan are not just enjoying their honeymoon stage but their life together as a couple. They always remind me that being happy is always a better choice. Their relationship is both friendly and romantic. Their new ABS-CBN show titled George and Cecil is their first acting job as husband and wife. Juday plays George na isang astig na pulis while Ryan is Cecil who is a quiet teacher.

Ryan and Juday are experts in cars and cooking, respectively. Ryan described her as a fast car when I asked him what type of car si Juday. Kung sangkap naman sa pagluluto si Ryan, inihalintulad naman ni Juday sa toyo ang ugali ni Ryan.

Sinabi ni Ryan na si Juday ang may final say sa usaping bahay.

Maraming bago at nakatatawang bagay silang nadidiskubre sa isa’t isa. Si Ryan daw ay naghihilik, nagsasalita habang tulog at madalas mangalabit samantalang tulo-laway naman si Juday.

May pangako ba na hindi pa nila nasasabi sa isa’t isa? “Mas nagwo-work kung walang promise. Mas masakit kasi kapag hindi natupad ang promise,” Juday said. Sinabi ni Ryan na mas magkagugulo if promises are not met.

Ryan keeps several chargers in his room. Natatawa nilang ikinuwento na hindi raw sila nagkasundo kamakailan dahil sa isang charger.

Juday acts like a baby kapag sinusuyo si Ryan.

Ryan thinks mukhang exciting ang idea na maging ander de saya.

Wala raw isang bagay na gagawin si Ryan ang hindi mapapatawad ni Juday. “Once mag-exchange ng vows, kung mahal mo ang isang tao ay maaayos iyon.”

Ryan described his father-in-law as the funniest man he has ever known. Binigyan pa raw siya ng tips nito kung paano siya makakabuo ng babies.

Anong sasabihin nila kapag nagtanong si Yohan kung sila ang kanyang real mom and dad? “You were born out of my heart,” ang makahulugang sagot ni Juday.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.