Rustom Padilla directs sex scandal video?

Punumpuno ng emosyon ang pahayag ni Boy Abunda sa Showbiz News Ngayon last Monday bilang sagot sa pasaring ni Vicki Belo sa kanya sa katapat na programang The Buzz sa kabilang network. Pilit mang pinipigilan ni Kuya Boy ang umiyak, ‘di na niya nakayanan dahil na rin sa kanyang butihing ina at dating mayor ng Samar na si Mrs. Licerna Abunda.

Marami ang nag-react na napaka-iresponsable ng statement na binitiwan ni Dra. Belo sa last live interview niya wherein sinabi niya na kung gusto ninyong maging kamukha ni Boy Abunda pumunta kayo sa Calayan at kung gusto ninyong maging kamukha ni Dingdong Dantes sa Belo pumunta.

Pagkatapos ng short VTR sa sinabi ni Belo, agad na hiningan ng comment ni Kris si Kuya Boy sa SNN. Hindi makapaniwala si Kuya Boy nu’ng una na magsasalita ng ganu’n si Belo sa kanya. To think na last week lang nu’ng magkaayos sina Kris at Belo, ipinalabas sa SNN ang tsikahan nila at isa si Kuya Boy sa mga natuwa. He even said that he missed Dra. Belo.
Diretsahang sinabi ni Kuya Boy sa SNN na never naman niyang sinabi na maganda siya. At wala siyang ilusyon na siya’y maganda.

Tuluyan nang lumuha si Kuya Boy backstage pagkatapos niyang magbigay ng kapirasong statement sa SNN. Kasunod naman nito, ang overwhelming support ng mga taong nagmamahal sa kanya at ‘di niya mga kilalang tao na nagpadala ng napakakagandang text messages. That night alone, umabot sa 100 text messages plus a call from Ricky Lo ang natanggap ni Kuya Boy na encouraging words at pagkamuhi naman kay Vicki Belo.

Nag-sorry na raw si Dra. Belo kay Kuya Boy. Pero ang ikinawindang ng malalapit kay Kuya Boy, kung bakit ipinadaan pa ni Dra. Belo ang paghingi niya ng apology sa ibang tao. Itinext lang daw ni Dra. Belo ang pagsabi ng sorry kay Kuya Boy through his friend. Sabi nga ng malapit kay Kuya Boy, kadali-daling hanapin ng number ng TV host. Kung sinsero raw talaga si Dra. Belo sa paghingi ng sorry, she should have done it more personal at hindi na ipadadaan pa sa iba.

Anyway, abangan sa The Buzzthis Sunday ang continuation ng pahayag ni Kuya Boy regarding Dra. Belo’s statement on him.

FRESH FROM HIS vacation sa London for two months and eight days, pasok agad sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang ang guwapong aktor na si Alvin Fortuna. Imbestigador ang role niya rito at nakaeksena na niya si Marian Rivera na ipinalabas na rin last week.

Nagwo-worry naman si Alvin sa ginawa niyang test shoot para sa isang pelikula na ididirek daw sana ni Rustom Padilla. Ito ‘yung pumutok noon na sensuality workshop na naging kontrobersiyal dahil kay JE Sison. Dalawa raw sila noon ni JE na pinagpipilian ni Rustom na maging bida sa gagawin niyang pelikula. Tatlong araw silang nag-workshop pero nu’ng test shoot na, biglang nag-walkout si JE kaya si Alvin na lang ang natuloy with a leading lady named Malaya na alaga ni Jojo Veloso.

“Natapos namin ‘yung test shoot talaga. Maghapon hanggang gabi. Tapos wala na akong nabalitaan. Pumasok na siya sa PBB (Rustom). Tapos ayun, parang ngayon nakikita ko siya feeling ko napaglaruan ako,” sey ni Alvin.

Muli raw silang nagkita ni Rustom sa birthday party ng isang manunulat sa Malate. Tinanong niya si Rustom kung ano’ng balita sa ginawa nilang love scene ni Malaya na maghapon hanggang gabi nila sinyut.

“Hindi na raw tuloy. Shelved daw. Sabi ko sa sarili ko, ‘Ah, ganu’n lang ba ‘yun?’ Wala naman siyang ginawang panghihipo. Kaya lang ang na-realized ko lang ngayon, ganu’n na lang ba ‘yun? Parang ganu’n. P’wedeng pang-personal file na lang niya. P’wedeng ganu’n. Siyempre labas-labas ang puwet mo, ganu’n,” salaysay pa ni Alvin.

Kahit paano daw kinakabahan si Alvin. Natapos daw nila kung tutuusin ‘yung pinagawa sa kanila. Kaya p’wedeng maging sex video o gawing sex scandal daw ‘yung kinunan ni Rustom sa kanila ni Malaya.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.