Rustom fully accepts BB Gandanghari

Mere or Less
by Nitz Miralles

SA MARCH 10 na ang alis nina KC Concepcion at Piolo Pascual para sa taping ng Lovers In Paris sa Paris. May staff na nauna nang umalis at noong Mar. 3, isa pang batch ng staff ang umalis para pagdating ng dalawa, masimulan agad ang taping dahil two weeks lang silang magsu-shoot doon.

Tinanong namin si Shirley Kuan, manager ni KC kung totoong after the series, gagawa ng pelikula sina KC at Piolo gaya nang nababalita? Negative ang sagot nito’t series pa lang ang commitment ni KC sa ABS-CBN at saka sila tatangap ng panibagong project kapag umeere na ang series sometime in June.

Sina Christopher de Leon, Zanjoe Marudo at Lara Quigaman ang ilan sa kasama sa series, pero ‘di kami sure kung join sila sa Paris.

RELAX NA SI Robin Padilla na pag-usapan si BB Gandanghari at looking forward siyang makita ang kapatid sa bago nitong histura. Ang pakiusap lang ni Robin, ‘pag nagkita sila ng kapatid, hindi nila pag-usapan ang manliligaw nito at baka himatayin siya.

Kung gigimik man daw silang magkasama, ipakikiusap niyang magsama ng magandang babae para may inspirasyon naman siya. Nabanggit ni Robin na inalis na niya ang mga bisyo niya gaya nang paninigarilyo at pag-inom dahil masama sa katawan, Revicon lang daw ang panlaban niya sa puyat at kailangang may magandang babae siyang nakikita.

Nang makausap namin sa presscon ng Sundo, dalawang linggo na siyang hindi natutulog dahil sa taping at editing ng Totoy Bato. In fact, galing siya sa taping bago pumunta sa presscon, pero nawawala ang antok ‘pag ang trabaho na ang usapan.

Ipinagmamalaki ni Robin ang pelikulang produced ng GMA Films dahil binusisi ang technical aspect para mas maganda ang mapapanood ng tao sa March 18. First class daw ang CGI na ginamit sa special effects at isa pang ikinatuwa niya nang husto, Dolby ang sound ng pelikula at first time niyang makaranas ng Dolby sound at sa Thailand inayos nang husto.

Natawa kami sa hirit ni Robin na babae na lang ang bisyo niya, as in, kailangang may nakikita siyang magandang babae habang nagtatrabaho para may inspirasyon siya. Kaya nga, inaayos ang schedule nina Ara Mina at Regine Velasquez sa Totoy Bato para kahit isa sa kanila ay makakaeksena niya.

May premiere night sa Mar. 17, ang Sundo, mula sa direksyon ni Topel Lee at kasama niya sina Mark Bautista, Rhian Ramos, Hero Angeles at Sunshine Dizon.

HINDI NA IN-ELABORATE ni Mark Anthony Fernandez kung ano ang problema nila ng misis niyang si Melissa, basta inaming may konti silang problema na kanilang inaayos. Ang tiniyak lang nito, hindi magiging daan ang problemang ‘yun para magkahiwalay sila.

Maganda ang takbo ng career ni Mark, sunud-sunod ang project sa GMA-7 at pagkatapos ng Luna Mystica na magtatapos this Friday, mapapanood siya sa All About Eve at may mga susunod pa siyang project. Kung pagbibigyan, gusto niyang gumawa naman ng action.
Birthday ng amang si Rudy Fernandez noong March 3, kaya pagkatapos ng presscon ng AAE, dumiretso si Mark sa libingan ng ama sa Heritage Park para batiin ito ng happy birthday at ibalita ang magandang nangyayari sa career niya, gaya sa AAE na puro magagaling ang kasama at pag-aagawan pa siya nina Iza Calzado at Sunshine Dizon.

Ibinalita rin siguro ni Mark sa ama ang April 9, wedding ng inang si Alma Moreno sa fiancé nitong mayor ng Marawi City. Kahit maka-Dolphy siya, tanggap niya ang mapapangasawa ni Alma dahil handa itong pakasalan ang ina. Natawa lang kami sa sinabing hindi na magkakaanak ang ina dahil na-ligate na.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.