Russian National, Arestado sa Paggamit ng Pekeng Credit Cards

ARESTADO ANG isang Russian national dahil sa paggamit umano ng mga pekeng credit card sa isang cellphone store sa Bacolod City.

Ayon sa nagreklamong si Lina Agero ng PO’s Marketing Digital Araneta Branch, dalawang beses silang biniktima ni Oqil Ayala Oqilov, 24-anyos.

Una aniyang bumili ng dalawang cellphone na nagkakahalaga ng halos P30,000 si Oqilov gamit ang Banco de Oro (BDO) credit card nito. Umabot pa sa P90,000 ang kinailangang bayaran ng salarin dahil sa iba pang binili sa kanila.

Makaraan lang aniya ang dalawang araw, bumalik si Oqilov sa kanilang tindahan at gusto namang gamitin ang Metrobank credit card nito.

Pero nabatid nilang pareho ang account number ng card ni Oqilov sa isa pa nilang customer kaya agad nilang inalerto ang mga awtoridad.

Narekober sa suspek ang maraming credit cards ng iba’t ibang bangko.

Paniwala ng pulisya, miyembro ng sindikato si Oqilov na nambibiktima ng mga negosyante gamit ang mga pekeng credit card.

Lumitaw naman sa pagsisiyasat na may dalawang dating kasamahan ang suspek sa Antipolo, Rizal pero ayon kay City Police Office Director Ricardo De la Paz, isolated case lamang ang insidente.

Ipina-check na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng Russian sa Bureau of Immigration (BI), habang kinasuhan na si Oqilov.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.