Ruru Madrid, tinitira rin ng Julielmo fans!

AFTER ALDEN Richards, ang Kapuso teen actor na si Ruru Madrid naman daw ang nakatatanggap ng pamba-bash mula sa mga tagahanga nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.

Kuwento nga ni Ruru, “Nagsimula ‘yun sa SAS (Sunday All Stars ). Sana kasi, igi-guest namin si Elmo (Magalona) sa grupo namin (Tweethearts), kaya lang hindi siya naka-attend sa rehearsal namin.

“ Tapos biniro ko si Julie Anne ng, ‘o kita mo hindi ka na naman niya sinipot’. Sagot ni Julie Anne, ‘sino ba ang dapat sumipot?’.

“Sumagot ako na ‘kilala mo naman, eh’. Tapos sabi ko, ‘sino ba dapat ang nandidito? Eh ‘di ako’. Tapos sina Ate Jen (Jennylyn Mercado) at Kuya  Sef (Cadayona). Biniro kami, tinutukso na kaming dalawa.

“Tapos nu’n lagi na kaming binibiro. Tapos last week, parang naisip ni Julie na kasi nagkakaroon na kaming dalawa ng fan base, tapos sabi ni Julie ‘sige mag-loveteam tayo’.

“Tapos ginawa namin ‘yung sa production number namin, parang ginawa naming angel ako tapos devil siya, pero nagkatuluyan kami at the end. Parang ganu’n, sobrang hindi mo ini-expect na mangyayari ‘yung ganu’ng bagay.

“Tapos ayun, habang nagpe-perform kami, kinikilig ‘yung mga tao sa loob ng studio, pati mga kasamahan namin. Tapos sa Twitter maraming natutuwa. May nagtu-tweet na ‘bagay na bagay kayo, nakakakilig kayo’. Pero siyempre meron ding nam-bash. Siyempre, ‘di ba, Julielmo, matindi ‘yan.

So nakatatanggap ka na ng pamba-bash sa Julielmo fans?

“ Oo naman sinasabi nila sa akin na kapag Julielmo, Julielmo lang, wala nang iba, ‘yung mga ganu’n. Tapos meron namang nang-aaway sa kanya (Julie Anne). Ang natatawa pa ako, du’n lahat ng message na pinapadala sa akin, natatanggap din ni Julie ‘yun.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

12 thoughts on “Ruru Madrid, tinitira rin ng Julielmo fans!

  1. what?! duh?! halata ngang baguhan ka! d ka pa sanay sumagot sa mga isyu dahil sa mga sagot mo mas maraming magagalit sayo noh… isip-isip din ng RIGHT answer bago sumagot pag may time ha, para d ka kawawa. hmmp!

  2. Julielmo fans are all all talk and polls where in reality they know that there is  no Julielmo. Julielmo will never work out, their shows together were all flops coz elmo is not an actor and julie is just a performer…

    • kaysa naman pang lalaki nga ang name like
      enchong-uy pang macho pangalan
      piolo – wow ang leadingmen ang pangalan
      tapos hanggang pangalan lang pala…
      wag mong ipasa ang lihim ng mga kapamilya sa mga kapuso..

  3. Ruru, kunting payo lang bata, kelangnan mo pa galingan para bumagay ka kay Julie Anne. Masyado naman atang mataas ang iyong lipad. At isa pa hindi ka bagay kay Julie dahil wala kang talent. Kelangan mo muna matapatan ang talent ni Elmo bago ka mag ambisyon na maging loveteam ni Julie. Mahiya ka naman Ruru.

      • which is wala kay elmo.  ang julielmo hangang ingay at pang-aaway lang pero kulang sa suporta nung ipinalabas ang pelikula nila pati yung short-lived weekly show na biglang nagbabu sa ere.

  4. Halata baguhan talaga itong si Ruru, hindi ata alam ang mga pinagsasabi niya. Dapat humanda siya sa mga fans ng JuliElmo. Siguradong hindi siya tatantanan. Dahil alam naman natin lahat na solid at napakalakas ng fans ng JuliElmo, kaya hindi papayag ang mga yan na i partner si Julie sa iba. At saka sigurado naman hindi magugustuhan ng tao itong si Ruru para kay Julie dahil wala itong talent.

  5. Naku grabe rin itong Ruru, kabago bago niya, masyadong ambisyoso kung magsalita. Siguradong hindi papayag ang mga JuliElmoes niyan. Malakas ang fanbase ng JuliElmo, maraming beses na nila napatunayan yan. Dahil sa fans ng JuliElmo world wide naging quadruple paltinum ang album ni Julie. Lahat ng shows ng JuliElmo dinudumog ng fans. Yung concert ni Julie Anne sold out agad. Yan ay dahil solid ang fanbase ng JuliElmo. At recently lang sila ang nanalo fan club sa Yahoo OMG. Best male/ female performer naman sina Elmo and Julie. Kaya dapat mag isip isip itong Ruru na ito bago siya mag ambisyon na maging ka loveteam ni Julie dapat mapantayan niya muna ang talent ni Elmo, yun ay kung kaya niya.

  6. bash ng bash ang mga wala namang napatunayang pans ng julielmo, maliban sa mga polls. don lang sila magaling. ipapalabas pala sa SNBO ang concert nya sa music museum na hindi napuno.. edited malamang to. hindi ipapakita ang audience.

Leave a Reply

Your email address will not be published.