Ruru Madrid, very proud sa kanyang bagong teleserye

Ruru-MadridHINDI MAIKAKAILA sa maaliwalas na mukha ni Kapuso star na si Ruru Madrid ang kasiyahan dahil sa pagkakaroon niya ng bagong teleseryeng kanyang pagbibidahan kasama ang kanyang ka-loveteam na si Gabbi Garcia , ang Let The Love Begin na mapanonood na sa darating na Mayo 4, ang teleseryeng papalit sa napakaganda at may mataas na rating na Once Upon a Kiss.

Masasabing well-blessed talaga si Ruru (as Eric), dahil maraming nauna pa sa kanya sa showbiz pero siya pa rin ang napiling bigyan ng ganitong kaganda at masasabing isa sa mga malaking project ng GMA7. Nakitaan kasi siya ng potensiyal sa pag-arte at lalo na ang progreso ng kanilang tambalan ni Gabbi (as Pia) na unang nasubukan sa My Destiny na pinagbidahan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Speaking of malaking project, bakit hindi? Kasama lang naman niya ang nagbalik-Kapuso na reyna ng komedya na si Ai-Ai delas Alas na gaganap bilang kanyang ina, ang reyna na yayanig sa katatawanan sa takbo ng istorya. Makasasama rin nila ang ilang beterana sa pag-arte na sina Donita Rose, Gina Pareño, Cherie Gil, Gladys Reyes, at Rita de Guzman. Sa mga veteran actors naman ay sina Mark Anthony Fernandez, Gardo Verzosa, Noel Trinidad, Ariel Rivera, Neil Ryan Sese, Joko Diaz, at Ricardo Cepeda. Ang reaksiyon naman ng binata, “Medyo kinakabahan pa ako kapag kaeksena ko na si Tita Ai, siyempre big star siya. Ipapakita ko na lang ang aking kakayahan at gagalingan ko pa upang hindi mapahiya na makasama ng isang tulad niya.

Napakaresponsableng anak daw ni Ruru, ayon sa kanyang mother dear na si Jackie. Kaya naman daw very supportive sila ni Daddy Bhong sa kung ano man ang gustuhin ng binata na nag-18 na noong last December. Kahit daw sa lovelife nito ay okay rin lang sa kanila. Ngunit pagdating sa usapin nila with Gabbi, wala silang masasabing negative image sa dalaga, maliban na lang sa kaso ng kanilang magkaibang relihiyon.

Ayon naman sa dalaga, ang pagiging sweet nila ni Ruru sa isa’t isa ay hindi nangangahulugan na sila na. Closed friend lang daw sila at hindi talaga nanliligaw sa kanya ang binata. “Proud ako sa kanya dahil succesful na siya sa kanyang career.”

Sa kabila ng mga tagumpay sa kanyang karir ay may mga bumabatikos naman sa kanya na hindi maiiwasan. To the rescue naman ang mga fans, lalo na ang mga parents ng binata. Katuwiran nila, “Inggit lang sila dahil may magandang project ang anak ko.”

‘Yun na!

Ni Marialuz Candaba

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.