Ruru Madrid, natutuwa pa sa mga basher

WALA RAW balak patulan at pansinin ni Ruru Madrid ang ginagawang pangba bash ng mga Fans ni Daniel Padilla at Julielmo. Imbis nga daw na magalit ay natutuwa na lang ito dahil nakukumpara siya kay Daniel na alam naman daw nitong sikat na sikat ngayon.

“Totoo po, pero natutuwa rin ako siyempre Daniel Padilla ‘yun, tapos ‘yung mga fans niya nagagalit sa akin dahil nakukumpara kami. “Pero masakit din siyempre kahit papa’no. Kasi hindi muna nila inaalam kung ano ‘yung kakayahan ko at kung anong ibig sabihin ng mga sinabi ko. Pero natutuwa rin ako kasi may mga fans ako na ipinagtatanggol ako.”

Anong masakit na salita na natanggap mo sa fans ni Daniel? “Hindi naman sobrang sakit. Kasi, feeling ko ganu’n lang naman po sila kasi sinusuportahan nila si Daniel. Mababaw lang naman, like wala ka pa hindi ka pa sikat, ‘wag ka muna magsalita.”

Pano mo tini-take ‘yung mga pambabash sa ‘yo ? “Okey lang kasi feeling ko ‘pag walang mamba-bash sa ‘yo, parang walang pumapansin sa ‘yo. Kaya okey lang naman sa akin ‘yun.”

Kanino mas grabe ang pamba-bash, sa fans ba ni Daniel o sa Julielmo? “Mas matindi ‘yung sa Julielmo, kasi ‘yung sa fans ni Daniel, kasi hindi ko naman kasi masyadong lahat nabasa. May mga tao lang na nagsasabi sa akin. Pero ‘yung fans ng Julielmo, hanggang ngayon ang tagal-tagal na hindi pa rin nagsasawa sa pamba-bash sa akin. Hahaha!

“Hindi ko na lang pinapansin, may mga nagsasabi nga sa akin na i-block mo na, pero sabi ko hindi, kasi baka mas lalong magalit sa akin. Tsaka pakonti nang pakonti na rin sila, kaya hindi ko na lang pinapansin,” pagtatapos ni Ruru.

 

MARIING PINABULAANAN ng kaibigang Joy Cancio ang balitang wala na sa poder niya ang Sexbomb Girls, dahil until now ay siya pa rin daw ang manager ng pinakasikat na all-female dancers sa bansa.

Katunayan nga raw, kabi-kabila ang show ng mga ito, kung saan tuwing Llinggo ay napapanood sa Sunday All Stars ng GMA 7 at sa Sept. 7 naman ay hahataw sila sa ABS-CBN’s Banana Split kung saan regular naman ditong napapanood si Sexbomb Sunshine Garcia na kasama pa ring sumasayaw ng SB Girls.

Kaya naman this Saturday, sasayaw ito kasama ang iba pang Sexbomb Girls na sina Jopay Paguia, Che Che Tolentino, Louise Bolton, Mhyca Bautista, Jomarie Gutierrez, Krizia at Trizia Ramis, Jaja Barro, Joyce Canimo, Donna Veligano, at Camille Lazo.

At sa mga nagkakalat naman ng balitang wala na raw sa pangangalaga ni Ms. Joy Cancio ang Sexbomb Girls, sorry na lang dahil malabong mangyari ‘yun, dahil solid na solid pa rin ang samahan ng SB Girls at ni Ms. Joy.

Bukod sa paghataw ng mga ito sa Banana Split, mapapanood din ang Sexbomb Girls sa Minute To Win It, kung saan susubukan nilang sungkitin ang jackpot.

 

ANIM NA naggu-guwapuhang bagets na Stephen Del Rosario, Shiro Ogawa, Lanz Evasco, Joshua Naval, Kim Aytona at JC Suicon at mas kilalang 6 Elements ang pinakabagong boy group na dapat abangan ng mga batang kababaihan sa bansa.

At kahit nga baguhan sa industriya ay baon ng mga ito ang galing sa pagkanta at pagsayaw, kung saan ilang buwan din silang nag-undergo ng training para mas gumaling ang kanilang talento sa pagkanta at pagsayaw.

Kaya naman panoorin ang  ELEMENTS sa Sept. 7, 2013, 3pm sa Isetann Cinerama Complex na hatid ng Talents Manila na susundan ng kanilang guesting sa 97.1 LS FM at DZBB 594 sa Walang Siesta, Walang Tulugan With The Master Showman at sa iba pang mall sa bansa.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Ruru Madrid, natutuwa pa sa mga basher

Leave a Reply

Your email address will not be published.